|Chapter Thirty Five| (last 5 Chapters)
Sandro's Point of View
Nag-lakad ako ng nag-lakad para hanapin si Luna. Masyado madilim ang paligid. Maging ang resort hindi ko masyado maaninag.
"Luna?" Tawag ko sa pangalan niya ngunit walang sumasagot.
Nakapagtataka na halos walang ilaw sa paligid ko. Maging ang Beach House namin ay walang ilaw, pati na rin ang kabilang resort kung saan namamalagi sila Luna.
Nag-patuloy ako sa paglalakad hanggang sa makita ko ang nag-iisang liwanag na nag-mumula sa abandonadong isla.
Sa layo ng nilakad ko hindi ko namalayan na halos marating ko na pala ang isla na pinuntahan namin noon ni Luna.
"Luna?!" bigkas ko sa pangalan niya.
Patuloy kong sinundan ang pinagmumulan ng liwanag hanggang sa marating ko ito.
Bonfire!
May isang babae akong naaaninag na nakaupo sa bato at nakaharap sa apoy. Naka-balabal ito at nakalugay ang mahabang buhok.
"Luna?"
Dahan-dahan humarap ang babae at ngumiti saakin. Tumayo ito at inilahad ang dalawang kamay.
"Sandro" nakilala ko ang mukha niya ng makalapit ako at masinagan siya ng liwanag ng apoy.
Luna!
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang kamay niyang nakalahad saakin.
Ilang minuto kaming nagkatitigan at wala ni isang salita ang namumutawi saaming mga labi. Tanging hampas lamang ng alon ang maririnig sa pagitan namin dalawa.
Una akong nag-baba ng tingin dahil pakiramdam ko hindi ko siya kayang titigan ng matagal. Malungkot ang mukha ni Luna. Ang nakangiti niyang mga mata ay nababalot ng lungkot.
Inangat niya ang aking mukha mula sa pagkakayuko at ngumiti saakin.
"Bakit parang malungkot ka?" Tanong niya habang nakatitig siya sa mga mata ko. Kinuha ko ang kamay niya na nakahawak sa mukha ko saka ko ito hinalikan.
"I--I came here to say---"
"...alam ko." Nakangiting sagot niya saakin.
Unti-unting tumulo ang luha ko ng maramdaman ko ang init ng palad ni Luna. Ang mga kamay na ito ang naging sandigan ko ng mga panahon na lugmok na lugmok ako.
"L-Luna, patawarin mo ako..." mahina kong sambit habang hawak ko pa rin ang kamay niya na nakadikit sa aking pisngi.
"Shhhh! Wala ka dapat ihingi ng tawad saakin, Sandro." ngiti niyang sagot. Kahit nakangiti si Luna bakas na bakas sa mga mata niya ang lungkot.
"H-Hindi ko tinupad ang pangako ko. Patawarin mo ako, Lu---"
Siniil ako ng halik ni Luna dahilan para maputol ang sasabihin ko. Naramdaman ko ang pag-agos ng mga luha niya habang magkadikit ang mga labi namin dalawa.
Niyakap ko ng mahigpit si Luna at ipinaramdam ko sa kanya ang pag-mamahal ko.
"Patawarin mo ako, Luna. Patawarin mo ako" bulong ko sa kanya kasabay ng pagpatak ng luha sa mga mata ko.
Inilayo ako ni Luna sa kanya at hinaplos ang aking pisngi na basa sa luha.
"Wala ka dapat ihingi ng tawad, mahal ko. Nauunawaan ko at hinding-hindi ako magagalit sa'yo. Ito ang tama, Sandro. Hindi ka parte ng mundo ko at hindi ka magiging parte kahit kailan"
Hindi ko alam kung paano sasagot sa mga sinabi ni Luna. Ang impit na pag-iyak ko ay hindi ko na napigilan.
"M-Mahal kita, Luna" sambit ko sa pagitan ng pag-luha ko.
"Alam ko, Sandro. Alam ko. Wala kang dapat patunayan saakin. Gusto ko pag-alis mo dito, mas maging matatag ka. Palagi mo piliin at isipin ang mga taong totoong nag-mamahal at nagpapahalaga sa 'yo. Sila ang mundo mo, hindi ako. Sila ang totoo, Sandro"
"Bakit kailangan sa ganito tayo magtagpo? Bakit hindi sa totoong mundo na sinasabi mo?" Sagot ko sa kanya. Sobrang bigat ng dibdib ko, pakiramdam ko sasabog ako sa tindi ng emosyon na nararamdaman ko.
"Sandro, katulad ng sinabi ko sa 'yo noon, walang perpektong mundo. Ang perpektong mundo kailanman hindi magiging totoo. Masasaktan ka, madadapa, babangon at matututo. Kailangan mo harapin ang totoong mundo mo, Sandro."
"S-Salamat, Luna. Ipinaramdam mo sa'kin ang maging masaya. Ipinaramdam mo sa'kin ang perpektong mundong pinapangarap ko"
Ngumiti siya saakin habang patuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata niya.
"Maraming salamat sa pagbisita, Sandro. Pag-alis mo dito, huwag ka ng lilingon ha. Huwag mo ng babalikan kahit kahit kailan" nakangiti ngunit umiiyak na biro saakin ni Luna.
Natawa na lang din ako sa kanya saka ko pinahid ang luha sa mga mata ko.
"Mag-mahal ka ulit, Sandro. Huwag ka matakot mag-mahal at lalong huwag kang matatakot masaktan. Hindi man perpekto ang susunod na relasyon mo, at least totoo"
"Hindi ko alam, Luna. Maaring mabura ka sa alaala ko, p-pero...." Napayuko ako dahil sa luhang hndi ko mapigilan "...p-pero mananatili ka dito" turo ko sa dibdib ko.
Niyakap ako ng mahigpit ni Luna habang patuloy ito sa pag-iyak. "Mahal kita, Sandro. Kung pwede ko lang sana pag-dugtungin ang mundo nating dalawa, pero alam naman natin na hindi pwede" sambit ni Luna habang nakayakap saakin.
Hindi ako makapag-salita dahil sa labis na pag-luha. Ito na ang huling yakap ko kay Luna. Ito na ang huling beses na makakasama ko siya.
Masakit! Pero ito ang tama at dapat kong gawin.
Nang mag-hiwalay ang katawan namin ni Luna ay muli niya akong siniil ng halik. Ayokong matapos ang oras na 'to.
Kung pwede ko lang sana piliin ang manatili sa tabi niya. Pero, katulad ng sinabi niya saakin. Walang perpektong mundo. At hindi siya kailanman magiging totoo.
"Paalam, Sandro!" Nakangiti na sambit ni Luna ng mag-hiwalay ang mga labi namin dalawa. "Thank you for not staying with me" dagdag niya saka niya dahan-dahan binitiwan ang kamay ko.
"P-Paalam, Luna!" Hikbi kong sagot. Tumalikod saakin si Luna at nag-simula na itong mag-lakad palayo. Parang dinudurog ang puso ko na unti-unti siyang nawawala sa paningin ko.
"Luna!" usal ko.
Kasabay ng paglaho ni Luna ay natakpan ng makapal na ulap ang buwan. Maging ang mga bituin ay unti-unti ng naglalaho sa kapal ng ulap.
Unti-unti kong naramdaman ang pagpatak ng ulan. Tumingala ako at hinayaang agusin ng tubig ulan ang luha sa mga mata ko.
Napaupo ako at muling tiningnan ang direksyon ni Luna.
Wala na siya! Wala na si Luna.
________________________
End of Chapter Thirty Five
Please vote and comment
Thank you! 🌙
BINABASA MO ANG
LUNA (A Sandro Marcos Fanfiction)
Fanfic"You came to me, just like a dream. Now I can't let you go" Matapos iwan ni Bella si Sandro sa altar ay nag-pasiya ang binata na lumayo at hanapin ang kanyang sarili. Nag-tungo ito sa kanilang resort sa Zambales at doon niya makikilala ang babaeng m...