-17-

109 8 2
                                    

|Chapter Seventeen|

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


|Chapter Seventeen|

Other Person's Point of View


Muling nagkita sina Dave, Adriana at Bella malapit sa hospital. Nang sabihin ni Dave na inutusan na siya ni Simon sa treatment ni Sandro at agad tinawagan ni Dave si Adriana.



"Bakit naging biglaan ang naging desisyon ni Simon?" Tanong ni Adriana habang nakaupo sila sa isang coffeeshop.



"Mukhang nagtalo sila ni Tita Liza. Aasikasuhin ko lang mga tests ni Sandro at uumpisahan na ang treatment sa kanya"



"Gaano katagal?" Tanong ni Bella



"3 months or baka mas mahaba pa, Bella. Dito mananatili si Sandro sa hospital hanggang sa gumaling siya"



"Pwede ba siya dalawin habang ginagawa ang treatment?"



"We'll see, Bella. Depende kasi sa magiging reaction ng katawan at isip ni Sandro"



"G-Gusto ko puntahan si Sandro" ani Bella. Nagkatinginan naman si Adriana at Dave habang humihigop ng kape.




"Bella, hindi sa ayaw kong puntahan mo si Sandro.. pero kasi---"


"....naiintindihan ko, Dave. Hindi ako pwede makita ni Tita Liza at ng buong family ni Sandro" malungkot na sagot ni Bella.




Hinawakan ni Adriana si Bella sa kamay at pinisil ito "Mapupuntahan mo din siya, soon"




Tipid na ngiti lamang ang sagot ni Bella at marahan itong tumango.




Hindi nila namalayan ang pagpasok ni Simon ng coffeeshop na matamang nakatitig sa kanila. Dahan-dahan lumapit si Simon sa table nila Dave   at tumayo mismo ito sa harapan ni Bella.




"S-Simon..." Utal na sambit ni Dave




"What are you doing here, Bella?" Seryosong tanong ni Simon




"Simon, we're just catching up and having so---"




".....I'm not talking to you, Dave!" Sagot ni Sandro  na hindi tumitingin kay Dave at nakatuon lamang ang tingin kay Bella.




Tumayo si Adriana at hinawakan si Simon sa braso ngunit iwinaksi nito ang kamay ni Adriana.




"S-Simon, wag ka magalit sa kanila" sagot ni Bella  habang dahan-dahan tumatayo.




"Ang kapal naman ng mukha mo magpakita rito, pagkatapos ng ginawa mo sa kapatid ko"




"Simon not here" suway ni Dave at tumayo ito para awatin si Simon.




"It's okay, Dave" suway naman ni Bella kay Dave.




Tiningnan ng masama ni Simon si Dave at Adriana bago ito muling humarap kay Bella.




LUNA (A Sandro Marcos Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon