-8-

155 11 2
                                    

|Chapter Eight|

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


|Chapter Eight|

Sandro's Point of View


"Luna! Luna nasaan ka?!"


Halos maikot ko na ang Isla kakahanap kay Luna ngunit hindi ko pa rin siya matagpuan. Unti-unti na ako nawawalan ng lakas.


"Luna..." Hinihingal kong sambit sa pangalan niya. Napaupo ako sa buhangin atsaka tumingala. Malapit na mag takip-silim ngunit hindi ko pa rin nakikita si Luna.


Napahiga at napapikit ako sa sobrang pagod at hinayaan ang hampas ng alon sa buong katawan ko. Pakiramdam ko mauubusan na ako ng lakas. Pagod na pagod ang pakiramdam ko.


"Sandro, anak! Mom is here"



Mabilis kong idinilat ang mga mata ko ng marinig ko ang boses ng Mommy ko. Umupo ako at luminga sa paligid.


"Mom?!" Kahit pagod na pagod ang katawan ko ay pinilit kong tumayo "Mom??? What the hell is happening?"


"Sandro!"


Mabilis akong lumingon ng marinig ko na ang boses ni Luna.



"Sandro nandito ako!" Muling sigaw niya ngunit hindi ko siya makita sa buong paligid ng Isla.


"Luna nasaan ka? This is not funny anymore" sigaw ko.


"Sandro, Anak!"



"Mom! Where are you????" Patuloy kong linga sa paligid. Napapagod na ako. Nasaan kayo? Hindi ko na halos ma-hakbang ang mga paa ko. Napaluhod ako sa tubig na parang ano mang oras ay mawawalan na ako ng malay. Shit!



"Sandro" nag-angat ako ng tingin ng maramdaman ko ang palad na dumampi sa balikat ko.




"L-Luna" tumayo ako at niyakap ko siya ng mahigpit "Oh, God! Kanina pa kita hinahanap" bulong ko habang nakayakap ako sa kanya.




"Halika na, uuwi na tayo. Gabi na" sagot niya saakin na para bang walang nangyari.




"T-Teka sandali, saan ka galing? B-Bakit bigla ka nawala kanina?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.




"Ha?! Hindi naman ako umalis" nakatawa niyang sagot saakin.




"L-Luna this is not funny. Stop playing around" seryoso kong sagot. Biglang gumaan ang pakiramdam ko at nawala ang nararamdaman kong pagod kanina.





What the fuck is going on?!? Bulong ko sa sarili ko. Naguguluhan ako sa nangyayari.





"Sandro ano ba nangyayari sa 'yo, ha?" Haplos niya sa pisngi ko "Halika na, pa-dilim na baka mahirapan tayo sa dadaanan natin" hinila niya ang kamay ko atsaka kami nag-lakad palabas ng Isla na magka-hawak ang kamay.






LUNA (A Sandro Marcos Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon