|Chapter One|
Sandro's Point of view
Pagdating ko sa resort namin dito sa Zambales ay agad kong ibinaba ang mga dala kong gamit. Ipinakiusap ko kay Dad na ipasara muna ang resort habang nandito ako. I just wanna be alone.
Kung hanggang kailan ako dito, hindi ko pa masasagot. Gusto kong kalimutan ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. And the only way to do that is to escape. Escape from reality.
Reality is my family. Hanggat alam kong nakikita nila ako sa ganitong sitwasyon ko, hindi ko magagawang pakawalan ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Ayoko na sila bigyan pa ng pasanin dahil sa pinagdadaanan ko ngayon.
"Sir, Sandro. Welcome po" nakangiting bati sa'kin ni Mang Ernie. Ang katiwala namin dito sa resort. Lahat ng mga staff ay pinag leave ko muna with pay syempre. Ayoko naman na dahil sa kagaguhan ko mawawalan sila ng trabaho. Kaya sabi ko kay Dad bayad pa rin ang araw nila kahit hindi nag-ooperate ang resort.
May resthouse naman kami sa Tagaytay pero gusto ko talaga sa tabing-dagat. I just wanna hear the waves of the ocean. Manuod ng sunset and everything that can give me peace of mind.
"Salamat po, Mang Ernie. Pwede na rin po kayo mag-pahinga muna. Kaya ko na dito mag-isa" nakangiti kong sagot.
"Nako, Sir. Eh, ibinilin po kayo saakin ng magulang niyo" kamot ulong sagot ni Mang Ernie.
"It's fine. Ako na bahala sa kanila. I just wanna be alone here" pilit ko sa kanya.
"K-Kayo po bahala, Sir. Tawagan niyo lang po ako pag may kailangan kayo. Sa kabilang kanto lamang po ang bahay namin ng pamilya ko" sagot niya.
Kinuha ko ang wallet ko sa bag atsaka ko inabutan si Mang Ernie ng 50 thousand pesos. Sapat na siguro iyon para sa kanila ng pamilya niya hanggat nandito ako sa resort.
"Tanggapin niyo po" pilit kong inaabot kay Mang Ernie ang pera
"Nako, Sir. Para saan po ito. Sumasahod naman po ako buwan-buwan"
"Kunin niyo na po. Matagal tagal ako mamamalagi dito. Pag naubos yan puntahan niyo lang po ako dito sa resort"
Nahihiyang tinanggap ni Mang Ernie ang inabot kong pera sa kanya "M-Maraming salamat po, Sir Sandro"
"Don't mention it. Just let me know if kukulangin 'yan. All I want is my privacy habang nandito ako. Okay po?" I smiled at him para mawala na ang hiya niya saakin.
Tumango si Mang Ernie atsaka ito ngumiti saakin "Makakaasa kayo, Sir" sambit niya
"Again, thank you. Patulong na lang po muna ako maipasok ang ibang gamit ko" sagot ko habang binubuksan ko ang likuran ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
LUNA (A Sandro Marcos Fanfiction)
Fanfic"You came to me, just like a dream. Now I can't let you go" Matapos iwan ni Bella si Sandro sa altar ay nag-pasiya ang binata na lumayo at hanapin ang kanyang sarili. Nag-tungo ito sa kanilang resort sa Zambales at doon niya makikilala ang babaeng m...