-24-

139 9 2
                                    

|Chapter Twenty Four|

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

|Chapter Twenty Four|

Other Person's Point of View

Nang mahimasmasan si Sandro ay pinilit ni Dave na huwag mawala ang atensyon sa kanila nito. Isa ito sa pangunahing proseso ng therapy na gagawin sa kanya kung kaya kailangan ay hindi ito mawawalan ng kausap at kung maaari ay iiwas siya sa makakapagpa-trigger sa kanya para bumalik sa mundo ni Luna.

"Paano yun, Dave? Hindi muna pwede pumunta si Bella dito?" Tanong ni Simon "Akala ko siya ang dahilan ng pagbalik ni Sandro sa realidad" dagdag niya.

Mag-kausap sila ni Dave sa couch ng halos pabulong habang abalang nag-kkwento si Sandro sa pamilya niya tungkol kay Luna.

"Oo, pero siya din ang magiging dahilan para bumalik si Sandro sa hallucination. Because of the trauma and pain na nangyari sa pagitan nila ni Bella" sagot ni Dave

"So, paano natin uumpisahan ang therapy ni Sandro? Can we do it now?"

"Yes, but we need to tell him first. Excuse me, Si" tumayo si Dave at lumapit kay Sandro.

Agad naman sumunod si Simon at pumwesto sa paanan ng higaan ni Sandro.


"Sandro, can I talk to you for a minute?" Tanong ni Dave. Lumingon sa kanya si Sandro at ngumiti saka ito marahang tumango.


"Sandro, do you know what really happened to you? I mean, why you're here at the hospital?"


Napalingon si Sandro sa pamilya niya at muling ibinalik ang tingin kay Dave "B-Bakit nga ba ako nandito sa hospital?" Takang tanong niya.


Nagkatinginan ang buong pamilya niya hinihintay na si Dave ang mag-paliwanag ng lahat.

"Dude, you've been here for almost two weeks already. Muntik ka malunod sa resort"


Tumagilid ang ulo ni Sandro na tila ba hindi naniniwala sa sinasabi ni Dave.


"Pangatlong beses ko na rin nakwento sa 'yo kung bakit ka nandito. Wala ka ba maalala?"


Yumuko si Sandro at pilit inaalala ang mga nangyari. Napailing siya at muling tumingin kay Dave "I--I can't remember anything"


"Ano ang naaalala mo nangyari sa 'yo mula ng dumating ka sa Zambales?"



Nanatiling nakatahimik ang pamilya ni Sandro at pinagmamasdan lamang ang binata sa mga magiging reaksiyon nito.


"I--I'm with Luna. That's it."



"Sandro, I have to tell you something, okay?" Tumingin si Dave kay Simon na tila humihingi ng pahintulot. Tumango naman si Simon at tumingin kay Sandro.



"W-What happened to me? I--Is there something I need to know?" Palit-palit na tingin ni Sandro kay Dave at Simon.



"The reason you can't remember anything is because you're in a verge of hallucination"


LUNA (A Sandro Marcos Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon