-10-

151 8 2
                                    

|Chapter Ten|

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


|Chapter Ten|

Sandro's Point of View


Nagising akong wala na si Luna sa tabi ko. Oo, magkatabi kami natulog kagabi. At sa totoo lang, ito ang pinaka-masarap na tulog na naranasan ko mula ng dumating ako dito sa beach house.


Bumangon ako at nagbaka-sakali ako na makikita ko si Luna sa labas. Pumunta ako ng sala, wala siya. Sunod kong pinuntahan ang kusina, wala rin siya.


"Luna?"


Lumabas ako ng veranda at nakita ko si Luna na nakaupo at nakamasid sa lawak ng karagatan.


"Luna" lumapit ako sa kanya at niyakap ko siya mula sa likuran niya "Akala ko nawala ka na naman" bulong ko sa kanya.


Hinawakan niya ako sa braso at marahang hinaplos "Sabi ko naman sa 'yo, hindi ako mawawala sa tabi mo. Nagugutom ka na ba?"


Kumawala ako sa pagkakayakap sa kanya at umupo sa katabi niyang upuan "Hindi, okay lang ako. Ikaw? Kumain ka na?"


"Hinihintay kita magising, 'saka hindi naman ako nagugutom" nakangiti niyang sagot saakin.


Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan ko ito ng mahigpit. Ngumiti lang siya saakin 'saka tumingin sa lawak ng karagatan.


"Sandro, gusto mo sumama saakin?"


"Saan?"


"Ipapakilala kita sa pamilya ko" tumayo siya sa harapan ko at hinawakan ako sa dalawang kamay na para bang inaakay ako makatayo.


"T-Teka magpapalit ako ng damit"


"Wag na, Sandro. Kahit ano suot mo gwapo ka" pabiro niyang sagot


"Nakakahiya haharap ako sa pamilya mo naka sando at boxers lang ako"


"Okay lang 'yan. Nasa beach ka"


Oo nga naman. Natawa ako sa sinabi ni Luna. Tama nga naman, nasa beach ako. Hindi ko kailangan mag-suot ng formal.


"Sige, isasara ko lang ang beach house tapos punta na tayo 'dun"



Tumango lang si Luna at inalalayan akong tumayo mula sa pagkakaupo ko. Kinuha ko lang ang susi ng beach house na nakapatong sa side table ng sofa at mabilis akong lumabas.



Pagkasara ko ng pinto ay magkahawak kamay na kami bumaba sa veranda at naglakad patungo sa kabilang resort.



Habang nag-lalakad kami ay napansin kong parang nag-iba ang dinadaanan namin. Hindi ito ang tipikal na view na nakikita ko sa tuwing hinahatid ko si Luna ng tanaw sa tuwing babalik na siya sa resort kung saan siya namamalagi.



LUNA (A Sandro Marcos Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon