|Chapter Thirty Four|
Other Person's Point of View
"Where's Bella, Adi?"
Napatingin si Adriana kay Sandro nang marinig niyang nagtanong ito tungkol kay Bella. Kasalukuyan siyang nakaupo sa couch katabi ni Simon.
Kaaalis lang din nina Liza, Bong at Vinny para makapag-pahinga kaya tinawagan siya ni Simon para samahan siya dito sa hospital.
Tumayo si Adriana at lumapit kay Sandro na kasalukuyang nakaupo at at nakasandal sa headboard ng hospital bed.
"S-Si Bella?" Lumingon si Adriana kay Simon na tila humihingi ng tulong kung paano sasabihin kay Sandro na hindi na sila mag-kasama ni Bella at hindi na sila nakapag-usap pa pagkatapos ng kanilang pagtatalo.
"Yeah, where is she? Bakit hindi niya man lang ako pinupuntahan dito? Wala na ba talaga siyang pakialam saakin?" Himig pagtatampong tanong ni Sandro.
"Ahhm, actually.. h-hindi na kami mag-kasama sa hotel ni Bella. U-Umuwi na siya sa kanila"
"She doesn't really care about me" mapait na ngiti ni Sandro.
"H-Hindi naman sa ganun, Sandro. B-Baka nasaktan lang din si Bella sa nalaman niya"
Nagtatakang napatingin si Sandro kay Adriana "Nalaman na ano?"
"N-Na ayaw mo na siya maging parte ng buhay mo, that you're actually planning to go back to London"
"When did I even say that?" Takang tanong ni Sandro. Napatingin ito kay Simon na tila nagulat din sa sinabi ni Adriana "Simon, may alam ka ba sa sinasabi ni Adi?"
Tumayo si Simon at lumapit sa dalawa "No, Sandro. Hindi ko alam 'yan" sagot niya "Adi, kanino mo nalaman 'yan?" Baling ni Simon kay Adriana.
"K-Kay Dave" gulat na sambit ni Adriana. Sakto naman na bumukas ang pinto at pumasok si Dave. Sabay na napatingin ang tatlo kay Dave at nagulat naman ang huli sa tingin ng tatlong kaibigan.
"Why are you staring at me? You're creeping me out" natatawang tanong ni Dave.
"Dave, bakit sinasabi mo na ayoko na maging parte ng buhay ko si Bella? And the London thing, kailan ko sinabi 'yun?" Salubong ang kilay na tanong ni Sandro.
Dave was caught off-guard. Isa-isa niyang tiningnan sina Simon na naghihintay sa sagot niya.
"B-Bago kita isalang sa ECT mo, Sandro" nauutal na sagot ni Dave.
"What? I can't remember anything na may sinabi ako about Bella" naguguluhang sambit ni Sandro.
"K-Kasi nga 'di ba. May mga memories kang mabubura after the session. Baka isa 'yun sa nawala sa isip mo" hindi makatinging sagot ni Dave.
BINABASA MO ANG
LUNA (A Sandro Marcos Fanfiction)
Фанфик"You came to me, just like a dream. Now I can't let you go" Matapos iwan ni Bella si Sandro sa altar ay nag-pasiya ang binata na lumayo at hanapin ang kanyang sarili. Nag-tungo ito sa kanilang resort sa Zambales at doon niya makikilala ang babaeng m...