|Chapter Twenty|
Sandro's Point of ViewNaging masaya ang mga sumunod na araw na mag-kasama kami ni Luna. Wala kaming ibang ginawa kundi ang alagaan at mahalin ang isa't isa.
Maging ang pamilya niya ay naging maayos ang pakikitungo saakin. May mga boses pa rin akong naririnig, but I just ignored them.
Itinuon ko kay Luna ang lahat ng atensyon ko. Sa kanya ngayon umiikot ang mundo ko. Dahil kay Luna nakalimutan ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko para kay Bella.
Si Luna ang nag-bigay saakin ng pag-asa na kaya kong bumangon at mag-mahal muli.
"Kuya Sandro!"
Napalingon ako mula sa pagkaka-upo ko sa bubanginan sa tapat ng beach house nang marinig kong tinawag ni Maia ang pangalan ko.
Kumakaway na tumakbo si Maia papalapit saakin kasunod si Luna.
"Gusto ka daw niya makita kaya sumama saakin" bungad ni Luna. I just smiled at them with wide arms open para mayakap ko ang batang tumatakbo palapit saakin.
"Na-miss kita, Kuya Sandro. Ang tagal mo hindi bumalik" Maia said habang nakayakap saakin
"Sorry, Maia. Medyo naging busy lang kami ni Ate Luna mo"
"Kuya Sandro, sana hindi ka na umalis dito"
"B-Bakit naman ako aalis? Masaya ako dito, Maia." I smiled at her and she hugged me once again.
"Nako, Sandro. Lagi niya bukam-bibig 'yan" sagot ni Luna bago ito tumabi saakin. Ngumiti ako kay Luna at hinawakan ko siya sa kamay.
"Masaya ako dito sainyo, Luna" ang tanging sagot ko.
Sa totoo lang nahahati ang puso ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. This past few days okay naman ako, masaya ako palagi lalo kapag kasama ko ang pamilya ni Luna. But since that day in the hospital, nagkaroon na naman ng kalituhan sa isip ko.
"Iyon naman ang palagi namin gusto, Sandro. Ang maging masaya ka. At nagpapa-salamat ako na naibibigay namin sa 'yo 'yun" nakangiting sagot ni Luna.
Luna became the woman I want to have with in my life. Sa hindi ko ma-ipaliwanag na dahilan, pinag-kukumpara ko ang Luna na nakilala ko noon sa ngayon.
Call it weird pero, nahuhulma si Luna sa babaeng pinapangarap ko. Kilos niya, salita, pagmamahal, pang-unawa, pag-aalaga, lahat ng iyan ang pinapangarap ko kay Bella. Pero lahat ng iyan, nabuo lahat kay Luna.
I felt guilty dahil si Luna na ang ka-relasyon ko pero hindi pa rin nawawala ang alaala ni Bella saakin.
Palagi pa rin siya sumasagi sa isip ko.
BINABASA MO ANG
LUNA (A Sandro Marcos Fanfiction)
Fanfiction"You came to me, just like a dream. Now I can't let you go" Matapos iwan ni Bella si Sandro sa altar ay nag-pasiya ang binata na lumayo at hanapin ang kanyang sarili. Nag-tungo ito sa kanilang resort sa Zambales at doon niya makikilala ang babaeng m...