|Chapter Thirty Nine|
Bella
I feel betrayed!
Bakit pakiramdam ko pinaglalaruan nila akong lahat? The people where you should be able to get help and protection from the harms of life becomes the source of harm, at yun ang masakit.
From Tita Liza to Dave. Pareho nilang pinaglaruan ang isip at damdamin ko. Sa totoo lang hindi ko na alam kung ano iisipin ko ngayon. Mahal ko si Sandro, pero hindi ko alam kung kaya ko pa magtiwala sa mga nakapalibot sa kanya.
Pababa na ako ng sasakyan ng makita ko si Adriana na nakaabang sa mismong gate ng bahay namin. Nakasandal siya sa sasakyan niya na nakaparada sa harapan. Hindi na ako makakaatras pa. Nakita na niya ako.
Dahan-dahan kong binuksana ang pinto ng sasakyan at bumaba. Napatingin ako kay Adriana na nakatingin saakin. Nag-lakad ako papalapit sa gawi niya at agad niya akong sinalubong.
"Bella, can we talk?" She said in a calm voice.
"Is there something we need to talk about, Adi?"
"Y-You're not answering my calls and messages. What happened to you?"
I looked dow and sigh "Adi, if it's about what happened to us, wala ka na dapat isipin. Naunawaan ko ang nararamdaman mo. Let's just forget everything" mahina kong sagot.
"Bella please! Sandro is waiting for you. Hinahanap ka niya bago at pagkatapos niya lumabas ng hospital. Talk to him"
"For what, Adi? Please! Tigilan niyo na ako!" Sagot ko saka ako nag-lakad papalapit sa gate ng bahay para sana pumasok na. But Adriana pulled my hand.
"I know what Dave did" she said. Napatingin ako sa kanya at nagka titigan kaming dalawa.
"Alam mo naman pala, for sure alam mo din kung ano sa pakiramdam ko ang ginawa niya. Can you atleast leave me na lang? I don't wanna talk about it anymore" sagot ko.
"Wala ka na ba pakialam kay Sandro? Kahit kay Sandro na lang Bella. Huwag mo naman sana siya taliku---"
"...pagod na ako, Adi! Ayoko na!" sigaw ko. Hindi ko na kaya pigilan pa ang emosyon na nararamdaman ko. Maybe after this, makahinga na ako ng maluwag.
"B-Bella!"
"Fine! Gusto mo pag-usapan? Gusto mo marinig lahat ng sama ng loob ko? Lahat ng galit na nararamdaman ko? Pagod na ako, eh!" Garalgal kong sagot sa kanya. Dahan-dahan niya binitiwan ang braso ko at yumuko.
"Umpisa pa lang ng relasyon namin ni Sandro gusto ko na siya sukuan. Hindi dahil sa hindi ko siya mahal kundi dahil sa bigat ng pakiramdam na halos ipamukha sa 'yo ng nanay niya na ayaw ka maging parte ng pamilya nila. Tiniis ko yun at alam mo 'yan. Kasi mahal ko si Sandro. 8 years, Adi. Walong taon akong naging hindi ako. Ni hindi ko naipakita kay Sandro ang totoong ako, kung paano ako magmahal" bumuhos na ang emosyon ko at halos hindi ko na napigilan ang sunod-sunod na pag-agos ng luha sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
LUNA (A Sandro Marcos Fanfiction)
Fanfiction"You came to me, just like a dream. Now I can't let you go" Matapos iwan ni Bella si Sandro sa altar ay nag-pasiya ang binata na lumayo at hanapin ang kanyang sarili. Nag-tungo ito sa kanilang resort sa Zambales at doon niya makikilala ang babaeng m...