-32-

136 7 2
                                    

|Chapter Thirty Two|

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

|Chapter Thirty Two|

Other Person's Point of View



"Bakit ka aalis?"



Huminto si Bella sa pag-aayos ng kanyang gamit ng marinig ang tinig ni Adriana na nakatayo sa may pintuan ng kanilang kwarto.




Isang linggo na ang lumipas mula ng huli silang pumunta sa hospital. Mula ng malaman ni Bella kay Dave  ang nangyari kay Sandro ay nag-desisyon siyang huwag na muna puntahan ang binata.




"Kailangan ko munang lumayo, Adi" mahinang sagot ni Bella at nagpatuloy ito sa pag-liligpit ng mga gamit niya.





"Susukuan mo na si Sandro? Napapagod ka na?"





Napayuko si Bella at sandaling namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Dahan-dahan napaupo si Bella sa gilid ng kama at napa-kapit sa mag-kabilang tuhod niya.






Lumapit si Adriana at tumayo sa harapan ni Bella. Nag-hihintay ito ng maayos na sagot mula sa dalaga.





"Adi, hindi ko na alam kung ano gagawin ko. Naguguluhan ako" sagot ni Bella na nakayuko pa rin.





"So, susukuan mo na nga? For God's sake, Bella! Walong taon! Walong taon nanatili sa tabi mo si Sandro. Ni minsan hindi siya napagod sa 'yo. Kahit mukha na siyang tanga sa relasyon niyo na hindi alam kung bakit ganun ka sa kanya!"






Napatingala si Bella kay Adriana at tumitig ito sa kaibigan. "Bakit, Adi? Sa walong taon na 'yun sa tingin mo hindi ako napagod? Sa sitwasyon na meron ako sa pagitan niya at ng Nanay niya?"






Hindi naka-kibo si Adriana at umiwas ng tingin kay Bella. Tumayo si Bella at nag-lakad patungo sa pintuan ng balkonahe at tumingin sa kalangitan.





"Pagod na ako, Adi. Hindi ko na alam kung paano ko pa ipaglalaban ang meron saamin ni Sandro. Oo okay na ako sa pamilya niya, sa Nanay niya. Pero kay Sandro? Sa tingin mo ba magiging maayos si Sandro pag nanatili ako sa tabi niya?"






"Bakit ba pala-desisyon ka, Bella?" Iritang tanong ni Adriana habang palapit ito kay Bella. "Palagi mo pinangungunahan ang isip at damdamin ni Sandro" dagdag niya.






"Dahil alam ko kung ano mangyayari, Adi! Nakikita ko na kung ano mangyayari pag nanatili ako. Gugulo ang buhay ni Sandro. Gugulo ang relasyon nilang mag-ina!" Baling ni Bella kay Adriana sa mataas na tono.





"Ay, wow! Kailan ka pa nagkaroon ng kapangyarihan na ma-predict ang mga mangyayari?!?" Sigaw ni Adriana habang nakataas ang dalawang kamay. "Bella, damdamin ang pinag-uusapan dito. Damdamin ni Sandro na matagal na nag-tiis sa 'yo!"



LUNA (A Sandro Marcos Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon