-19-

174 7 5
                                    

|Chapter Nineteen|

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


|Chapter Nineteen|

Other Person's Point of View


"Sandro!"




Napalingon ang lahat sa pintuan ng bumungad si  Bella at kasunod naman si Adriana. Kitang-kita ang pagbabago ng itsura ni Liza ng makita ang dating nobya ng anak.



"What are you doing here?!?" Sigaw ni Liza sa nakatayong si Bella sa may pinto.




"T-Tita, Please po. Gusto ko makita si Sandro" tila nanginginig na pakiusap ni Bella.



"Wala kang karapatan makita ang anak ko! Lumayas ka dito, Bella! Layas!!!!"




Nilapitan ni Bong si Liza at pilit itong pinapakalma "Ano ginagawa mo dito, Bella?"




"T-Tito, hayaan niyo po ako makita si Sandro kahit sandali lang po" nakikiusap na sambit ni Bella.



"Ate Bella, umalis ka na lang" singit ni Vinny. Nananatiling nakatayo si Simon at nakamasid lamang sa kanila.



"Bella, let's go" bulong ni Adriana sa kaibigan habang dahan-dahan itong hinihila palabas.



"Adi, sandaling-sandali lang talaga. Please"



"Ang lakas ng loob mo magpakita pa rito pagkatapos ng ginawa mo kay Sandro. Saan ka kumukuha ng kapal ng mukha, Bella?"



"Tita, kahit sandali lang po"



Dahan-dahan naglakad si Liza palapit kay Bella at hinawakan ito sa buhok. Kinaladkad niya si Bella palapit kay Sandro na hindi binibitawan ang buhok nito.



"Mom stop it!!!" Sigaw ni Vinny



"Pagmasdan mo! Pagmasdan mo si Sandro ngayon dahil sa ginawa mo. Pagmasdan mo!!!!"



"T-Tita nasasaktan po ako"



"Kulang pa ang sakit na nararamdaman mo sa sakit na ginawa mo sa anak ko. Ang kapal ng mukha mo magpakita rito. Lumayas ka!" Muli niyang hinila si Bella sa buhok nito at itinulak dahilan para matumba ang dalaga.



Agad naman itong nilapitan ni Dave at Adriana. Nananatiling walang imik si Simon sa kabila ng gulong nangyayari sa harapan niya.



"Adriana, ilabas mo na si Bella. Pakiusap" tinig ni Bong



"Halika na, Bella"



"Walang lalabas!" Walang emosyong sambit ni Simon.



"K-Kuya--" gulat na lingon ni Vinny kay Simon.



"S-Simon..." Anas ni Bella. Nagkatinginan naman sina Dave at Adriana na nasa likuran ni Bella.



LUNA (A Sandro Marcos Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon