|Chapter Thirty Three|Bella's Point of View
Tinawagan ako ni Dave dahil gusto daw niya ako makausap ng personal tungkol kay Sandro. Malamang, nasabi na sa kanya ni Adriana ang nangyaring pagtatalo sa pagitan naming dalawa.
Nang mai-detalye na ni Dave kung saan kami mag-kikita ay agad na akong umalis. Nabanggit niya rin kasi na pabalik na si Adriana dito sa hotel at ayoko muna mag-abot kaming dalawa.
"Dave!" Tawag ko sa kanya ng makita ko siyang nakatayo at nakasandal sa sasakyan niya. Mabilis akong sinalubong ni Dave at nagulat ako sa bigla niyang pag-yakap saakin ng mahigpit.
"Bella" usal niya sa pangalan ko.
I felt awkward sa way ng pagkakayakap ni Dave saakin kaya marahan ko siyang itinulak palayo.
"A-Ano pag-uusapan natin?"
"Sa loob tayo" yaya ni Dave saakin. Ang tinutukoy niya ay ang condo unit niya.
"B-Bakit kailangan sa loob?" Nagtataka kong tanong.
"Mas makakapag-usap tayo ng maayos sa loob. Isa pa, kailangan ko kasi kumuha ng mga damit ko. Kailangan kong bumalik agad sa hospital"
"A-Ah okay, sige" ngumiti si Dave saakin at nauna maglakad papasok ng building. Naka-sunod lang ako sa kanya habang nililingon-lingon niya ako.
Nang makarating kami sa unit niya ay inalok niya ako ng maiinom. Infairness, malinis sa bahay si Dave. Inikot ko ang mga mata ko sa kabuuan ng unit niya at namangha ako sa linis at aliwalas nito.
"Make yourself at home, Bella. Ayusin ko lang yung mga damit na dadalhin ko"
"Sige" tipid kong sagot. Pumasok na si Dave sa kwarto niya at nag-hintay lamang ako dito sa kanyang mini living room. One bedroom ang unit ni Dave. Pagpasok mo unang bubungad sa 'yo ang kabuuan ng unit niya. Sa right side ang dining niya at sa left side naman ang kitchen at bathroom. Sa bandang unahan naman ang living room niya na may malaking window. Sa left side ang kanyang kwarto. Black ang white lang ang makikita mong kulay sa loob ng unit niya.
Hindi naman ako nag-hintay ng matagal kay Dave dahil maya-maya ay lumabas na ito.
Lumapit si Dave saakin at umupo sa couch malapit sa kinauupuan ko. He smiled at me at hinawakan ang kamay ko.
"Bella, about kay Sandro..."
"W-What about him?" Tanong ko. Sa totoo lang medyo hindi ako kumportable kay Dave. Yes, we're friends. But there's something about him that makes me feel awkward lalo pag kami lang ang mag-kasama.
"D-Do you still wanna be with him?" Tanong niya saakin habang nakahawak sa mga kamay ko. Dahan-dahan kong binawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak niya at bahagya akong umatras.
BINABASA MO ANG
LUNA (A Sandro Marcos Fanfiction)
Fanfic"You came to me, just like a dream. Now I can't let you go" Matapos iwan ni Bella si Sandro sa altar ay nag-pasiya ang binata na lumayo at hanapin ang kanyang sarili. Nag-tungo ito sa kanilang resort sa Zambales at doon niya makikilala ang babaeng m...