"You came to me, just like a dream. Now I can't let you go"
Matapos iwan ni Bella si Sandro sa altar ay nag-pasiya ang binata na lumayo at hanapin ang kanyang sarili. Nag-tungo ito sa kanilang resort sa Zambales at doon niya makikilala ang babaeng m...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
|Chapter Twelve|
Simon's Point of View
Halos liparin ko ang kwarto ni Sandro sa sobrang pag-mamadali ng sabihin ni Mom na hinahanap ako ng kapatid ko.
"Sandro!!!"
Tawag ko sa pangalan niya pagbukas na pagbukas ko ng pinto.
"S-Simon, saan ka galing?" Nakangiting tanong saakin ni Sandro.
Tumakbo ako palapit kay Sandro at niyakap ko ito ng mahigpit.
"You're back, Sandro. You're back" umiiyak kong sambit habang nakayakap ako sa kanya.
"Simon, sumama ka saakin. Ipapakilala ko sa 'yo si Luna" sagot niya habang nakayakap pa rin ako sa kanya.
Dahan-dahan akong kumawala kay Sandro at laking gulat ko ng makita kong nag-iiyakan sina Mom, Dad and Vinny.
"Simon, sumama ka sa 'kin. Masaya sa lugar ni Luna" patuloy na sambit ni Sandro.
"S-Sandro, walang Luna. Hindi totoo si Luna"
Nakita kong nag-dilim ang mukha ni Sandro at tumayo ito sa kanyang higaan. Palapit ng palapit saakin si Sandro habang paatras naman ako ng paatras. Galit na galit ang mukha niya na para bang anumang sandali ay sasaktan niya ako.
"S-Sandro, 'wag!" Sigaw na pakiusap ko sa kanya ngunit tila wala siyang naririnig.
"Mom, Dad, Vinn! Tulungan niyo ako!!!" Sigaw ko ngunit nakatayo lamang sila at pinapanuod kami ni Sandro.
Napahinto ako ng marating ko ang pader ng kwarto. Wala na akong aatrasan. Patuloy pa rin si Sandro sa pag-lapit saakin.
Napapikit na lamang ako at naghintay ng gagawin saakin ng kapatid ko.
"Simon! Simon gising!"
"Huwaaaag!"
"Simon! Binabangungot ka"
"Adi?!?" Halos basang-basa ako ng pawis at hinihingal ng gisingin ako ni Adi. Shit! Panaginip!
Luminga ako sa paligid at nakita kong nasa loob kami ng sasakyan. Oo nga pala, paglabas namin ng coffeeshop nag-volunteer si Adi na samahan ako sa condo ko para makapag-palit ng damit at kumuha ng ilang piraso para sa bihisan ko sa hospital.
Nakatulog pala ako sa byahe ng 'di ko namamalayan dahil sa sobrang kawalan ko ng maayos na pahinga.
"Here, take some water" abot ni Adi sa'kin ng tubig.