|Chapter Twenty One|Other Person's Point of View
"Bella, umuwi at mag-pahinga ka na muna"
Napalingon si Bella ng marinig niya nag-salita si Simon. Nakaupo ito sa couch habang siya naman ay nasa tabi ng higaan ni Sandro nakaupo at hawak niya ang kamay ng binata.
"Okay lang ako, Si. Thank you" nakangiting sagot ni Bella. Tumayo si Simon at lumapit sa kanya.
"Wala ka pa maayos na pahinga. Ipapahatid kita sa driver. Balik ka na lang mamaya, sabay kayo ni Adriana"
Tumungo si Bella at muling tumingin kay Sandro "Hanggang kailan siya ganito, Simon?" Malungkot na tanong niya.
Hinawakan siya ni Simon sa balikat bago ito umupo sa paanan ng kapatid "He'll get better soon. For now, kailangan natin maging malakas para sa kanya. So that means, umuwi ka muna at mag-pahinga. You need to rest, Bella."
Napatingin si Bella kay Simon at ngumiti "Mukhang wala naman ako magagawa kundi sumunod" sambit niya habang marahang tumatayo. Hinaplos niya lamang si Sandro sa kamyang ulo bago ito nito inayos ang sarili at nag-lakad patungo sa bandang pintuan.
"Tinawagan ko na ang driver. He's waiting for you outside. Nag-text na din ako kay Adi, sabi ko sabayan ka na lang mamaya pag-punta dito"
"Salamat, Simon. Ano man ang mangyari, tawagan mo kami agad ni Adi, ha?"
"Of course, Bella. Mom and Dad will be here later"
Tumango lamang si Bella at ngumiti. Liningon niya sandali si Sandro bago ito lumabas ng pintuan.
Hindi na siya nagpa-hatid kay Simon dahil walang kasama si Sandro sa kwarto. Kumaway lamang siya kay Simon bago siya tuluyang pumasok ng elevator.
Palabas na siya ng hospital ng maka-salubong niya ang magulang ni Sandro. Hindi pa rin malaman ni Bella kung paano niya i-aapproach ang mga ito lalo na si Liza.
"Bella, uuwi ka na?" Tanong ni Bong. Nakatingin lamang sa kanya si Liza
"O-Opo, Tito. Pinauwi muna po ako ni Simon"
"Tama yun, para makapag-pahinga ka na muna. We'll go ahead na" ngiting sagot at paalam ni Bong.
"Mauna ka na hon, I just need to talk to Bella" ani Liza.
Napatingin si Bong kay Bella at muling binaling ang tingin sa asawa "Okay, mauna na ako"
Nang nakalayo na si Bong ay hinawakan ni Liza si Bella sa kamay nito. "We need to talk"
BINABASA MO ANG
LUNA (A Sandro Marcos Fanfiction)
Fanfiction"You came to me, just like a dream. Now I can't let you go" Matapos iwan ni Bella si Sandro sa altar ay nag-pasiya ang binata na lumayo at hanapin ang kanyang sarili. Nag-tungo ito sa kanilang resort sa Zambales at doon niya makikilala ang babaeng m...