|Chapter Twenty Two|Sandro's Point of View
"Gusto ko makilala ang pamilya mo"
Nakangiting sambit ni Luna habang nakapatong ang ulo niya sa dibdib ko. Hinaplos ko ang buhok niya at dinampian ko ng halik habang mag-katabi kaming nakahiga sa kama ko.
Halos mag-damag ko siyang kinuwentuhan tungkol kila Mom and Dad. Pati na rin kay Vinny at Simon.
"Makikilala mo rin sila soon" sagot ko. Mas humigpit ang yakap sa 'kin ni Luna at ramdam na ramdam ko ang init ng katawan niya.
"Marry me, Luna"
Napaangat ang ulo ni Luna at tumitig sa mga mata ko "seryoso ka ba?" Tanong niya
"Mukha ba akong nag-bibiro?"
Umupo siya paharap saakin at hinawakan ako sa kamay "Sandro, hindi biro ang mag-pakasal"
"Nakahanda ako, Luna. And you think nag-bibiro lang ako? Do you want me to propose in front of your family para maniwala ka?" I said in a serious voice.
"No, Sandro. Naniniwala naman ako sa 'yo. Nabigla lang ako, I'm sorry"
Umupo na rin ako at kinabig ko si Luna palapit saakin. Hinaplos ko ang maamo niyang mukha at dinampian ko siya ng halik sa malalambot niyang labi.
"I love you, Luna" I said habang nakatitig ako sa mga mata niya "kung mayroon man ako gusto makasama ngayon, habang-buhay. Ikaw 'yun" I added.
"I love you, Sandro" nakangiting sagot niya saakin at yumakap siya ng mahigpit. I can't explain this kind of feeling. Ramdam na ramdam ko ang init ng pag-mamahal ni Luna.
Sa tuwing kayakap ko siya pakiramdam ko para akong hinehele. Sigurado na ako sa sarili ko, pakakasalan ko si Luna at siya na ang gusto ko makasama habang-buhay.
********
"Love, have you seen my phone?"
Tanong ko kay Luna habang hinahanap ko ang celphone ko. Kasalukuyan siyang nag-luluto ngayon ng hapunan namin.
"Hindi ko napansin. Baka nandiyan lang 'yan" she answered.
Patuloy akong nag-hanap pero hindi ko talaga makita. Halos halughugin ko na ang mga cabinet at drawers ng beach house pero hindi ko talaga makita.
Pati si Mang Ernie, hindi na nag-pupunta saakin. Buti na lang halos wala pang bawas ang mga stocks ng food dito sa beach house.
Dahil hindi ko mahanap ang phone ko ay pinuntahan ko na lamang si Luna sa kusina. Napaka-ganda niya sa suot niyang pink dress na hanggang tuhod ang haba. Nakalugay lang ang hanggang bewang niyang buhok at may nakalagay lamang na clip sa gitnang parte ng buhok niya.
BINABASA MO ANG
LUNA (A Sandro Marcos Fanfiction)
Fanfiction"You came to me, just like a dream. Now I can't let you go" Matapos iwan ni Bella si Sandro sa altar ay nag-pasiya ang binata na lumayo at hanapin ang kanyang sarili. Nag-tungo ito sa kanilang resort sa Zambales at doon niya makikilala ang babaeng m...