-40-

119 8 1
                                    

|Chapter Forty|

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

|Chapter Forty|

A/N: We're now at the end of our story. I would like to thank everyone who gives time to read Luna (A Sandro Marcos Fanfiction) especially to Fmkrainbow na hindi talaga bumitaw since day 1. I really really appreciate you guys. From the bottom of my heart. Maraming maraming salamat po. Wavyu!



"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo?"





Nagpa-kawala ng malalim na buntong-hininga si Bella at lumingon sa Ina na kasalukuyan nakatayo sa pintuan ng kanyang kwarto. Malungkot ang mga mata ni Bella na tumitig sa Ina.





"May oras ka pa, anak. Pwede pa magbago ang isip mo" sambit nito habang papalapit kay Bella.





"I--I'm leaving, Ma. And that's final" sagot ni Bella saka ito tumayo at kinuha ang ilang gamit na nasa ibabaw ng kanyang dresser.





"Paano si Sandro? Hindi ka ba mag-papaalam ng maayos sa kanya?"





Huminto si Bella sa pag-dampot ng kanyang mga gamit at humarap sa Ina.





"Ilang beses ko po tinanong ang sarili ko, Ma. Ano ba naging papel ko kay Sandro sa pag-balik ko? Pakiramdam ko lalo lang gumulo ang lahat"





Tumayo ang Ina ni Bella at lumapit sa kanya. Hinawi nito ang buhok ng anak at hinawakan sa pisngi si Bella. "Anak, walang mali sa naging desisyon mo na bumalik. Huwag mo iisipin ang mga negative na nangyari sa pagbalik mo. Isipin mo ang mga nangyari na pabor sa 'yo. Hindi ba nag-kaayos na kayo ni Liza? Nasabi mo na sa kanila ang totoo kung bakit mo iniwan si Sandro sa araw ng kasal niyo. Kung hindi ka umuwi, hindi lalabas ang katotohanan" mahabang paliwanag ng Ina.






Nag-simulang mangilid ang luha ni Bella dahil sa mga sinabi ng kanyang Ina. Niyakap niya si Bella at hinaplos ang buhok ng anak.






"Palagi mo titingnan ang parehong dulot sa 'yo, Anak. Huwag ka tumingin sa negatibo oh sa positibo lang. Ang mga nangyayari sa buhay natin palaging nagbibigay saatin ng aral, negatibo man 'yan oh positibo"






"T-Thanks, Ma. I really need that right now" hikbing sagot ni Bella.






"Hindi ba't ang turo sa 'yo ng Ama mo, huwag ka magtatanim ng sama ng loob sa kapwa. Palagi mo iisipin na minsan, kaya nagagawa nila sa'yo ang mga bagay na ikasasakit mo, kasi may aral ka na mapupulot rito. Katulad nung kay Sandro, natuto ka maging matatag. Sa walong taon na nagtiis ka, napatunayan mong kaya mo ano man ang ibato sa'yo ng kanyang Ina. Kay Adriana, nagkasamaan kayo ng loob pero hindi ba, pagkatapos nun napatunayan mong totoong kaibigan siya sa'yo. Si Dave, natuto ka maging bukas sa nararamdaman mo. Maraming aral anak, kaya huwag mo iisipin na mali ang naging desisyon mo na bumalik" patuloy ng kanyang Ina.






LUNA (A Sandro Marcos Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon