-13-

134 7 3
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


|Chapter Thirteen|

Other Person's Point of View



Pag-pasok ni Adriana sa kwarto nila ni Bella ay dumiretso siya sa kaibigan na nakaupo sa balkonahe ng hotel.



"Bella?" Tawag nito sa kaibigan. Agad naman tumayo si Bella para salubungin si Adriana pero pinigilan niya ito at pinaupo.



"Maupo ka, Bella. Dito na tayo mag-usap"



"Kamusta? Ano sabi ni Simon?" Tarantang tanong ni Bella.



"Sa ngayon, ayaw ka pa niya talaga makita at makausap" tila nanlumo si Bella sa narinig mula kay Adriana "Pero gagawa ako ng paraan, Bella. Makikita mo rin si Sandro" dagdag niya



Namuo ang luha sa mga mata ni Bella at tumitig kay Adriana "Kailan, Adi? Kailan?" Hikbing tanong niya.



Napayuko si Adriana dahil kahit siya ay hindi niya masagot ang tanong ni Bella. Kitang-kita niya ang galit at sama ng loob kay Simon dahil sa nangyari kay Sandro.



"B-Bella, hindi madali. It takes time bago humupa ang galit ni Simon. Mag-hintay pa ta---"



"Kailan pa tayo kikilos? Pag hindi na ako makikilala ni Sandro? Baka ako ang kailangan niya.. p-para bumalik sa realidad ang utak niya, baka ako, Adi"



"B-Bella please, hayaan mo akong mag-isip ng paraan paano tayo makakapunta kay Sandro"



"Hindi ko na kayang mag-hintay. Gusto ko makita si Sandro, gusto ko siyang yakapin. Gusto ko sabihin na nandito na ako, na hindi ko na siya iiwan ulit"



Bumuntong-hininga si Adriana at tumitig kay Bella "Sige, mag-handa ka. Aalamin ko kung anong oras walang nagbabantay kay Sandro. Pupuntahan natin siya"



Sumilay ang ngiti sa mukha ni Bella at niyakap ang kaibigan "Salamat, Adi"



Tumayo si Adriana at naglakad patungo sa loob ng kanilang kwarto at kinuha ang celphone niya na ipinatong niya sa bedside table pagdating niya kanina.



Pagkakuha niya ay agad siyang lumabas kay Bella. "Tatawagan ko si Dave, hihingi tayo ng tulong sa kanya"



"P-Pero, posibleng galit din sa 'kin si Dave ngayon. Baka hindi niya tayo tulungan, Adi"



"Susubukan pa rin natin" sagot ni Adriana at dinial niya na ang number ni Dave para matawagan.




"Dave?"

"Yes, speaking! Who's this?"

"Si Adriana 'to, pwede ba tayo magkita?"

"Hey, Adi! What's up? Kailan ka pa dumating?"

LUNA (A Sandro Marcos Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon