|Chapter Thirty One|Other Person's Point of View
"Nurse!!!"
Halos magkagulo ang mga nasa loob ng ECT room sa biglaang pagbagsak ng mga vital signs ni Sandro.
Naging mahaba rin ang panginginig ng katawan niya na ikinabahala ni Dave.
Patuloy si Dave sa pag-monitor hanggang sa unti-unting bumalik ito sa normal.
"What happened, Doc?" Tanong ng isang nurse na nag-taka sa nangyari kay Sandro.
"This is a rare case, ngayon lang nangyari ito during the procedure" takang sagot ni Dave.
"Evelyn, can you call Simon" utos ni Dave sa isang nurse. Agad naman itong tumalima at dali-daling lumabas ng ECT room.
"Dave, mukhang matindi ang schezophrenia ni Sandro. Ngayon lang nangyari 'to sa dami ng pasyenteng hinawakan ko" usal ng isang Doctor na kasama ni Dave.
"I know. I need to know kung ano nangyari bago ang therapy ni Sandro para maiwasan natin sa next session niya"
"Dave! What happened?!?" Tarantang bungad ni Simon nang makapasok na siya sa loob ng kwarto.
"Simon, let's talk" sagot niya rito "Andrew, ikaw muna bahala kay Sandro. Any minute gigising na siya. Just call me if something strange happen again" baling ni Dave sa isang Doctor.
"Okay, Doc Dave" sagot nito.
"Let's go outside, Si" tapik niya kay Simon bago ito mag-lakad patungo sa pintuan.
Pag-labas nila ay kinakabahang nagtanong si Simon kung ano talaga ang nangyari kay Sandro.
"Bumaba ang vital signs niya during the procedure. Ngayon lang nangyari ito. Usually, sa ECT tumataas ang BP ng pasyente, pero kay Sandro bumagsak lahat kanina"
Napatutop si Simon sa bibig niya habang nakatitig kay Dave.
"Even his seizures, Simon. Seizures during ECT will only last for about 10 to 60 seconds. But his seizures lasted more than that"
"A-Ano mangyayari kay Sandro?"
"We will be conducting some series of tests para makita ang naging epekto nito sa kanya"
"What the hell is going on? I thought okay na siya? He doesn't even talk about Luna anymore" napasandal si Simon sa pader at napatingala.
"May nangyari ba kay Sandro bago ang therapy niya?" Seryosong tanong ni Dave.
"W-Wala naman. Pero, ilang araw siyang malungkot. Umiiyak"
"Iwasan muna natin ang mga bagay na mag-ttrigger kay Sandro. He needs a healthy and positive environment habang nag-uundergo siya ng therapy"
BINABASA MO ANG
LUNA (A Sandro Marcos Fanfiction)
Fanfiction"You came to me, just like a dream. Now I can't let you go" Matapos iwan ni Bella si Sandro sa altar ay nag-pasiya ang binata na lumayo at hanapin ang kanyang sarili. Nag-tungo ito sa kanilang resort sa Zambales at doon niya makikilala ang babaeng m...