-38-

96 6 2
                                    

|Chapter Thirty Eight|

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

|Chapter Thirty Eight|

Other Person's Point of View


"You need to tell him the truth, Dave"


Napatingin si Dave kay Adriana habang inaayos nito ang mga gamit niya sa kanyang opisina. Mula ng lumabas si Sandro sa hospital ay hindi pa sila nagkakausap tungkol kay Bella.

"P-Paano kung magalit sa 'kin si Sandro?"

"Then be it! You need to face the consequences, Dave. From the start, dapat inisip mo 'yan."

"I know. Nadala ako masyado ng nararamdaman ko kay Bella. Wait have you talk to her?" Binitiwan ni Dave ang hawak niyang chart mula sa table niya at lumapit kay Adriana na nakaupo sa couch.

"Not yet. I'm not even sure kung andito pa sa Pilipinas si Bella. Ayaw niya na makipag-communicate"

"It's all my fault" malungkot na sambit ni Dave.

Tinapik ni Adriana si Dave at ngumiti "Do what is right. Talk to Sandro. Maybe then, makakagawa si Sandro ng move para mag-kausap sila ni Bella. Hindi siya kumikilos kasi akala niya kusa siya nilayuan ni Bella" suhestyon ni Adriana.

Tumango si Dave at tinapik ang kamay ni Bella na nakapatong sa balikat niya "I will. Thanks, Adi!"

"I'm sure maiintindihan ka ni Sandro, magagalit siya sa umpisa but you know him. Napakabait ng taong 'yun. Kung may course at masteral ang GMRC iisipin kong nag-take si Sandro sa sobrang kabaitan" natatawang sambit ni Adriana


"Sira!" Natatawang sagot din ni Dave. "But, thanks! Kakausapin ko si Sandro about this" dagdag niya.

"Oh siya, mauna na ako. Magkikita pa kami ni Simon"

"Congrats, Adi. You both deserve each other" nakangiting bati ni Dave.


"Thanks, mahahanap mo din ang sa'yo, Dave! I need to go now" tumayo si Adriana at bumeso kay Dave bago siya lumabas ng pintuan. Kumaway lang si Dave sa kanya saka nito kinuha ang phone at sinubukan tawagan si Bella. Hindi alam ni Bella ang bagong number ni Dave kaya hindi niya malalaman kung sino ang tumatawag sa kanya.


"Answer the phone, Bella. Please!" Bulong ni Dave habang hinihintay may sumagot sa kabilang linya.

"Hello"


Bumilis ang tibok ng puso ni Dave ng marinig niya ang boses ni Bella sa kabilang linya.

"B-Bella, Dave here" narinig niya ang buntong-hininga ni Bella sa kabilang linya "wait!!! 'huwag mo muna ibaba pakiusap. We need to talk"

"Wala na tayo dapat pang pag-usapan, Dave. I've already said what I wanted to say. Stop calling me"

"Bella wait. It's about, Sandro"

LUNA (A Sandro Marcos Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon