"You came to me, just like a dream. Now I can't let you go"
Matapos iwan ni Bella si Sandro sa altar ay nag-pasiya ang binata na lumayo at hanapin ang kanyang sarili. Nag-tungo ito sa kanilang resort sa Zambales at doon niya makikilala ang babaeng m...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
|Chapter Seven|
Sandro's Point of View
Naisipan namin ni Luna na pumunta sa isang abandonadong Isla. Ang kwento sa 'kin ni Luna bago daw bumagyo maganda ang Isla na 'to. Pero halos lumubog daw ito at nalugi ang may-ari ng resort kaya iniwan na lamang.
Dito daw siya madalas pumunta pag gusto niya mapag-isa. Akala ko nung una tatawirin namin ang Isla mula sa beach house. Pero may itinurong daan saakin si Luna na siya lang daw ang nakakaalam.
Tumutol pa ako nung una dahil ayoko mag-lakad ng malayo. Pero nung nagsimula na kami maglakad halos ang lapit lang pala.
Mula rito ay tanaw ko ang beach house na tinutuluyan ko. At katabi naman ang resort kung saan namamalagi si Luna.
Maganda ang abandonadong Isla. May mataas na bahay ito na kung iisipin mo ay parang isang mansion sa ganda at laki. Bago ka makarating sa dalampasigan ay dadaanan mo ang isang pathway na may mga bulaklak sa gilid. Sa bandang kaliwa nakatirik ang mansion at sa kanan naman ang maliliit na kubo.
Sa tingin ko dati itong rest house na ginawang resort din dahil may infinity pool ito sa gitna. Ang maliliit na kubo naman ay parang mga cottages. Nakaharap naman ang mga kubong ito sa infinity pool.
"Maganda pa ang Isla na 'to, Luna. Bakit iniwan na 'to ng may-ari?" Nagtatakang tanong ko habang lumilinga ako sa paligid.
"Hindi ko rin alam, Sandro. Pero sabi nila hindi na daw kaya i-maintain" sagot niya habang nakaupo siya sa malaking bato na nasa gilid ng dalampasigan.
"Nakakapang-hinayang. Kilala mo ba kung sino may-ari nito?" Tanong ko sa kanya.
Tumayo siya atsaka naglakad patungo sa dagat na hanggang tuhod niya ang lalim "Hindi ko kilala, bakit mo natanong?"
"Gusto ko 'tong lugar na 'to, Luna. Bibilhin ko 'to"
Napatingin sa 'kin si Luna atsaka ito ngumiti "Gusto mo na mamalagi dito?"
Humawak ako sa bewang ko atsaka muling luminga sa paligid "Bakit hindi, ang ganda dito, Mas maganda pa nga ito kesa dun sa beach house namin"
"Gusto mo talaga ng tahimik na lugar, ano?"
Napatingin ako kay Luna na seryosong nakatitig saakin. Sa hindi ko maipaliwanag na dahilan nakaramdam muli ako ng kalungkutan.
"O-Oo" tipid kong sagot.
"Ang ganitong lugar Sandro, malayo sa realidad ng buhay"