"You came to me, just like a dream. Now I can't let you go"
Matapos iwan ni Bella si Sandro sa altar ay nag-pasiya ang binata na lumayo at hanapin ang kanyang sarili. Nag-tungo ito sa kanilang resort sa Zambales at doon niya makikilala ang babaeng m...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
|Chapter Six|
Sandro's Point of View
It's been two days, pero hindi pa rin bumabalik si Luna. Palagi ako nag-aabang sa kanya pero kahit sa malayo hindi ko siya matanaw.
Where are you, Luna?
Parang sumasabay din ang buwan, dalawang gabi ko na rin siyang hindi nasisilayan. Pakiramdam ko nagtampo siya kay Mar. Nag-away kaya sila?
Napailing ako at natawa sa sarili ko. Tumatak kasi saakin ang kwento ni Luna. Kaya sa tuwing nandito ako sa veranda bumubuo ako ng kung anong usapan oh scene ni Luna at ni Mar.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
It's already 10 o'clock in the morning pero wala pa rin Luna na bumubungad sa pinto.
Napagalitan kaya siya nung gabing hindi siya nakabalik sa resort? Is it my fault, Luna?
Sa dalawang araw na hindi ko nakita at nakasama si Luna bumabalik yung pakiramdam ko nung unang beses akong dumating dito sa resort.
Okay lang sana kung hindi ako madalas puntahan ni Luna dito. Naiintindihan ko naman na may mga ginagawa rin siya dun sa kabilang resort. Kaso pati mismong buwan hindi ko nasisilayan.
Muli na naman akong binalot ng lungkot. Isinara ko ang main door ng beach house atsaka ako naupo sa sofa.
Pagkalipas ng ilang minuto ay narinig kong may kumakatok sa pinto. Dali-dali akong tumayo at nagtungo sa pintuan.
"Luna?!"
I was dismayed. Hindi si Luna.
"Sir, pasensiya na po. Ako po ang pinapunta ni Mang Ernie para iabot po sainyo itong package. Galing po kay Sir Vincent"
"Ah yeah, thank you" kinuha ko ang maliit na balot na inabot saakin ng isang katiwala ni Mang Ernie. Ito yung pinabili ko kay Vinny.