-11-

139 7 3
                                    

|Chapter Eleven|

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


|Chapter Eleven|

Other Person's Point of View

"I need to see him!"

Ibinaba ni Bella ang mga gamit niya pagbaba na pagbaba nila ng eroplano. Agad naman itong dinampot ng mga assistant niya at sumunod kay Bella.


"Bella, wait!" Habol ni Adriana sa kanya, si Adriana ang kanyang personal assistant at kaibigan na nakasama niya mula pa noong umalis si Bella ng Pilipinas.



"Bella..." Hinawakan ni Adriana si Bella sa braso dahilan para mapahinto ito sa kanyang paglalakad "Handa ka ba harapin ang pamilya niya? Bella, hindi madali ang gagawin mo" nag-aalalang sambit nito.



"Wala akong pakialam, Adriana! Sandro needs me!" Napakagat labi si Bella bilang pagpigil sa kanyang emosyon.


Nang malaman niya ang nangyari kay Sandro ay hindi na niya tinapos ang hollywood movie na ginagawa niya. Agad siyang nag-book ng flight para makauwi ng Pilipinas.


"B-Bella, tawagan muna natin si Simon. Ipaalam muna natin sa kanya na nandito ka na sa Pinas"


Napa-upo si Bella at tinanggal ang kanyang sunglasses at humagulhol ito ng iyak. Wala siyang pakialam sa mga taong dumadaan sa kinauupuan niya sa loob ng airport.


Umupo sa tabi niya si Adriana at hinagod si Bella sa kanyang likuran na patuloy sa pag-hagulhol.


"Adriana, please. Kailangan ako ni Sandro" umiiyak na sambit ni Bella.


"Alam ko, pero kailangan mo ihanda ang sarili mo, Bella. Sigurado ako hindi ka gugustuhin makita ng pamilya ni Sandro. Si Simon lang ang maaari mo makausap tungkol sa kanya" paalala ni Adriana sa kanya.


"C-Can you call him, please?" Umiiyak na pakiusap ni Bella. Agad naman kinuha ni Adriana ang phone  niya at tinawagan si Simon.


"Hello? Who's this?"

"Simon, si Adriana 'to"

"Adi, where are you? You're here in Pinas na?"

"Y-Yes, kararating lang namin"

"N-Namin!? Who's with you?"

"K-Kasama ko si... Si Bella"


Sandaling namayani ang katahimikan sa kabilang linya. Maya-maya ay nakarinig ng malalim na buntong-hininga si Adriana.


"S-Simon, still here?"

"Y-Yes, bakit kasama mo si Bella? I thought she was doing a movie"

"Where are you? Can we talk in person?"

"I can't walang makakasama si Sandro dito sa hospital"

"S-Si, Bella wants to talk to you. Gusto niya makita si Sandro"

LUNA (A Sandro Marcos Fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon