Chapter 4: Familiar

358 12 0
                                    

    Ken Suson Point of View:

    "Isa pa." ani Pablo sabay ulit ng kanta. Asar akong tumingin sa kaniya. Ayaw ko na. Napapagod na ako sa paulit-ulit na ginagawa namin.

    "Ayaw ko na." sabi ko sabay upo sa sofa. Napalingon naman sa akin sina Josh at Stell na ngayon ay inaayos yung choreo nung sayaw namin.

    "Pagod ka na?" tanong ni Jah at umupo sa tabi ko.

    "Nagsasawa na." tipid na sabi ko at sumandal sa sofa. Alam ko. Pinili namin ito. Pangarap namin ito noon. Pero patagal nang patagal kasi ay nakakapagod na. Nakakasawa dahil sa ulit-ulit na ginagawa namin. Isama mo pa yung hindi makuntento yung mga tao sa pinapakita namin. Nakakapagod yung ginagawa naman namin yung kaya namin pero lagi pa rin silang may binabato sa amin.

    "Ken para sa A'tin to." paalala ni Pablo habang matamang nakatingin sa akin. Alam kong maging sila ay pagod na. Pero nilalaban nila kasi alam nilang may mga sumusuporta sa amin. Pero tao din naman kami. Napapagod.

    "Bigyan niyo ako ng 15 minutes hihinga lang ako." sabi ko at lumabas ng studio. Paglabas ko palang ay binati na ako ng mga staff na nakakasalubong ko. Hindi naman ako umimik at daretsong lumabas ng building. Pero bago pa man ako tuluyang makalabas at may kung sino ang sumalpok sa akin.

    "Aray!" daing niya habang sapo-sapo ang likuran niya nang makatayo sa pagkakasalpak sa sahig.

    "Ayos ka lang?" tanong ko pero para siyang natigilan nang marinig ang boses ko. Nagulat ako nang bigla siyang tumingin sa mukha ko na parang gulat na gulat. Sanay naman na akong makakita ng mga fans ko sa personal pero grabe naman yung gulat ng babaeng ito. Para siyang nakakita ng multo. "Ayos ka lang?" pag-uulit ko.

    Agad niyang inayos ang sarili at maging ang mga gamit niyang nagkalat sa paligid ay isa-isa niyang pinulot. Tutulungan ko sana siya pero sinenyasan niya akong huwag gagalaw kaya yun ang ginawa ko. Ang weird ng babaeng ito.

    Sa wakas, nang matapos siya ay muli niya akong nilingon. Tumingin daretso sa mata ko. Hindi ko alam pero parang pamilyar siya sa akin. Parang nakita ko na siya kung saan. Pero hindi ko maalala kung saan at kailan.

    "H-Hindi mo ba ako naalala?" tanong niya na siyang kinakunot ng noo ko. Sabi na e. Nakita ko na siya noon pero wala akong maalala. Unti-unti akong umiling na siyang kinabago ng ekspresyon ng mukha niya. She seems disappointed kasi hindi ko siya maalala. Sino nga ba siya?

    "Bakit? Nagkita na ba tayo noon?" tanong ko pero hindi man lang siya sumagot at tila asar na asar akong nilagpasan. Sinundan ko naman siya ng tingin. "Hoy, nagkita na ba tayo?" tanong ko ulit. Nilingon naman niya ako at tinignan ng masama.

    "Bahala ka! Kainis." aniya at tumakbo na papasok ng building. Naiiwan akong nakatanaw lang sa direksyon kung saan siya pumunta.

    "Mga babae nga naman." sabi ko at tuluyan nang lumabas.

    --

    Princess Nicole Morales Point of View:

    "Ang kapal naman ng mukha niya! Hindi man lang niya ako naalala gayung hinalikan niya ako noong huli naming pagkikita?!" asar na asar kong bulong sa sarili. Hindi ako makapaniwala na kahit katiting ay hindi man lang niya ako maalala, gayung para sa akin ay yun yung never kong makakalimutan.

    "Excuse me?"

    "Ano?!" nakasigaw na tugon ko atsaka palang ako lumingon sa nagsalita. Laking gulat ko nang makita kung sino yun.

    "Jah!" gulat na sabi ko na siyang nginitian niya.

    "Saan ka pupunta miss? Kasi papunta na yan sa office ni sir Charles." sabi niya kaya agad akong napatingin sa paligid. Shocks! Naligaw na ako. Mali na pala itong dinaanan ko.

    "Naku, naku pasensya na po. Hindi ko napansin na naligaw na pala ako." sabi ko habang tinitignan ang paligid at pilit inaalala kung saan yung studio para sa trainees.

    Nang mapansin siguro ni Jah na nawawala na talaga ako at hindi na alam yung pupuntahan ay bahagya siyang tumawa.

    "Ganyan din ako noong una. Hindi rin kais ako matanda sa mga lugar. Nag-audition ka ba for trainees?" tanong nya na siya naman nahihiya kong tinanguan.

    Nagulat ako nang bigla siyang lumapit sa akin at hinawakan ako sa likod para igaya kung saan. T-Teka lang naman Justin De Dios! Bakit may paalalay ka d'yang nalalaman!

    "Ihahatid na kita, since may kailangan din akong sabihin kay Kevin." sabi niya kaya nag-umpisa na kaming maglakad. Dahil sa nahihiya ako ay bahagya akong dumistansya sa kaniya.

    "Balita ko'y magaling daw ang batch ninyo kaya until now ay sampo pa kayong iniivalute nina Kevin." aniya na siyang ginantihan ko ng pilit na ngiti.

    "Magagaling nga sila." nahihiya kong sagot at yumuko.

    "Bakit sila? Kasama ka sa tinutukoy ko." agad akong umuling at tumingin sa kaniya.

    "Hindi naman ako magaling eh. I never consider my self as a talented as them. Wala akong confindence sa sarili ko." sabi ko. Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng lungkot sa puso ko. Nagulat ako nang tapikin ni Justin ang balikat ko.

    "May kilala akong ganyan." sabi niya na siyang kinakunot ng noo ko.

    "S-Sino?" tanong ko.

    "Si Ken." nakangiti nitong sagot. Nagulat ako nang bigla niyang kinabig ang balikat ko papuntang kaliwa at doon ko lang napansin na nasa harap na pala kami ng pinto ng studio. "Galingan mo ha. Gusto ko kapag nagreveal na sila ng final members ay kasama ka dun." aniya bago pa siya tuluyang pumasok sa loob.

    "Hoy babae ba't mo kasabay si Jah?" usisa ni Seana nang makaupo ako sa tabi nila. Lumapit naman agad sina ate Cassy at Cy sa aming dalawa.

    "Oo nga, ba't mo kasama ang bias ko?" ani ate Cassy. Napalingon ako sa gawi nila Jah at laking gulat ko nang nakatingin din pala ito sa amin at tinanguan ako.

    "Naks naman, kahapon si Ssob ang kuma-usap sa'yo, ngayon naman si Justin. Baka bukas si Stell or Ken na ha!" kung alam lang nila.

    "Bakit? Sigurado ba tayo na nandito pa ako bukas? Baka nga mamaya ay matanggal na ako." sabi ko na siyang kinakunot ng noo nilang tatlo. "Aray naman ate Cassy ba't ka nangungurot." asar na sabi ko habang hinihimas yung parte ng kinurot niya.

    "Para kang timang. Bakit ka naman matatanggal aber? Sigurado akong makakapasok ka sa finals." sabi niya na siyang kinangiti ko. Wala man akong confindence sa sarili ko ay atleast may mga nagtitiwala pa rin sa kaya kong gawin.

    "Thank you ate.." sabi ko at sinandal ang ulo ko sa balikat niya.

    "Tch. ang drama." nalingon kaming lahat sa kadarating lang na si Jhaq.

    "May sama talaga ng loob to sa mundo." asar na bulong ni Seana sa aming tatlo.

    "Okay girls, kumpleto na ba ang lahat? Let's start!" shocks heto na!

Breaking the Golden RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon