Chapter 23: Substitute

393 48 10
                                    

    "Be careful Ken." ani Jhaq habang inaalalayan si Ken sa pagbaba ng sasakyan. na-discharge na kasi ang binata lalo na't okay naman na ito at wala naman na siyang injury sa katawan. Although sinabihan na ng doctor ang mga kasama nito na hangga't maari ay huwag munang mastress ang binata dahil makakasama ito sa kundisyon niya.

    "Bakit hindi mo ako tinatawag na love? Galit ka pa ba sa akin? Alam mo naman na hindi ko pinapansin yung mga babaeng yun." ani Ken at tinutukoy yung naging pag-aaway nila ni Jhaq noon pa.

    "Ken matagal nang panahon yung sinasabi mo." ani Jhaq pero umiling lang si Ken sa kaniya. Napaiwas naman ng tingin si Nicole sa dalawa dahil hindi niya maipagkakailang nasasaktan siya. To think na ang naalala ni Ken ay si Jhaq pa rin ang nobya niya. Na parang hindi siya nag-eexist sa buhay ng sarili niyang nobyo.

    Napalingon si Nicole nang may pares ng kamay ang humawak sa magkabilang balikat niya. Doo'y nakangiti si Josh habang nakatingin sa dalaga.

    "Pahinga ka na. May training pa kayo bukas hindi ba?" anang binata na siyang kinabuntong hininga nito. Muli ay nilingon ni ang nobyo kasama si Jhaq.

    "Sige na." masuyong anang binata at bahagya pang tinulak si Nicole sa gawi ng boarding ng mga ito. Napalingon naman si Ken sa gawi ng dalawa. Kahit pa hindi niya maalala ang totoo, hindi maitatanggi na hindi nakalimutan ng puso niya ang kung ano ang tunay na nararamdaman niya para sa dalaga. Ngunit dahil nga sa isiping si Jhaq ang nobya niya ay agad niyang winaksi sa isipan ang nararamdaman niya.

    "Ken?" agad napalingon ang binata kay Jhaq. Ginaya siya nito papasok ng boarding ng lima.

    "I can handle this love. Thank you." ani Ken at binawi na ang sarili sa dalaga. Kunot noo siyang sinundan ng tingin ni Jhaq. Tahimik itong umupo sa sofa at nakasilip pa rin sa gawi ng boarding ng girls.

    "You need to go now Jhaq, may training kayo bukas." simpleng ani Pablo habang nakasandal ito sa may pader na animo'y hinihintay niya talagang makauwi ang dalaga.

    "I can stay, ako ang mag-aalaga—"

    "Jhaq." seryosong awat ni Pablo. Hindi siya sang-ayon sa gustong mangyari ni Jhaq. Kahit na gustong-gusto nang sabihin ni Pablo ang totoo kay Ken ay hindi niya magawa. Pero awang-awa na ito kay Nicole, lalo na't saksi siya sa paghihintay ng dalaga sa paggising ng nobyo. Kaya ganoon nalang din ang lungkot niya nang hindi maalala ng kaibigan ang kaniyang nobya.

    Wala naman nagawa pa si Jhaq at nilapag na ang mga gamit ni Ken sa may coffee table sa harapan nito. Hindi naman nagsasalita ang binata at pinanood lang si Jhaq habang inis na inis siyang inaayos ang kagamitan ni Ken.

    Bago pa man makaalis ang dalaga ay bumalik na si Josh. Nakangiti itong pumasok na siyang kinakunot ng noo ni Ken.

    "Anong nginingiti-ngiti mo d'yan?" asar na tanong ni Ken kahit na hindi niya alam ang rason kung bakit siya nakaramdam ng ganun.

    "Wala naman." parang nang-aasar pa na tugon ni Josh na siyang inilingan ni Pablo. "By the way Pau, mag-off muna ako bukas." aniya na siyang pinagtaka ni Pau.

    "At bakit? Alam mo naman na busy tayo bukas." aniya pero nginitian lang siya nito.

    "Sige na. Bukas lang naman e." aniya wala naman ns nagawa si Pablo at pinayagan na ang kaibigan, pero may kung ano sa kaniya ang nakakaramdam ng hindi maganda.

    --

    Halos magdamag na hindi makatulog si Ken. Hindi niya alam pero mawala sa isip niya si Nicole at sobra siyang naiinis kapag naalala niya kung paano ngumiti si Josh sa dalaga.

Breaking the Golden RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon