Kasalukuyan namin ngayong nagpapraktis ng sayaw. Sobrang hirap ng mga routine pero masasabi kong worth-it lahat ng pagod at sakit ng katawan.
"Nicole you seems distracted. Ayusin mo." sigaw nung teacher namin kaya agad akong yumuko at humingi ng pasensya.
Totoo naman na distracted ako at hindi ako makafocus sa ginagawa namin dahil sa nangyari kanina. Kahit kasi noong matapos silang kumain ay matagal pa nag-usap si Ken at Jhaq na siyang kinaiinis ko.
Alam ko wala naman silang ginagawang masama at wala din akong karapatan, pero dzai crush ko yun! Kagabi lang ay pinakilig ako tapos kanina may kausap siyang iba? Ano to?
"Pasensya na po talaga teacher." sabi ko na siyang tinanguan ni teacher Tina at nagpatuloy lang siya sa pagtuturo sa amin ng steps.
"Ayos ka lang? Kanina ka pa ganyan." ani ate Cassy na siyang nginitian ko.
"Yes ate okay lang ako don't worry." sabi ko at nagpatuloy kami sa ginagawa namin.
Hindi naman nagtagal ay natapos din kami sa pagsayaw kaya kani-kaniyang kaming pwesto para magpahinga.
Bigla ko tuloy naalala yung daan na pinuntahan ko nung naligaw ako dito sa showbt. Kasi malapit lang yung office ni sir Charles sa studio ng SB19.
What if sumilip kaya ako dun? Gusto ko makita si Ken!
Dahil buo ang loob ko ay agad na akong tumayo sa kinauupuan ko kaya napatingin silang lahat sa akin. Maging si teacher Tina ay napalingon sa akin.
"Saan ka pupunta Nicole?" tanong niya. Napakamot naman ako ng ulo. Nakakahiya namang sabihin na 'Ah teacher pupunta lang po ako sa SB19, magpapacute po ako kay Ken Suson' ganon?!
"Ah magpapahangin lang ako sa labas teacher."pagdadahilan ko. Agad naman tumango si Teacher Tina at may iniabot sa aking papel. Naguguluhan akong tumingin sa kaniya
"Since lalabas ka naman, pwede bang idaan mo ito sa The Zone? Kailangan na kasi ng SB yan this afternoon kaso di ako makapunta dun." aniya na siyang kinatuwa ko. Gagi di ko na pala kailangan magdahilan kasi dun din naman niya ako papapuntahin.
"Mam ako nalang!" pagpiprisinta ni Cy pero tinignan ko lang siya na sinabing tumahimik siya kung ayaw niyang sabunutan ko siya mamaya.
"Ako na." mariing sabi ko na siyang kinatawa ni Teacher Tina.
"Oh siya lumakad ka na at kanina pa hinihintay ni Pablo yan." sabi ni teacher kaya agad akong lumabas ng studio. Syempre inayos ko muna yung sarili ko habang naglalakad ako papuntang the Zone.
"Paano ko kaya iaabot ito? Kuya Pau pinabibigay ni teacher Tina ito— ay ano ba yan! Mag-aabot lang ng papel kinakabahan pa ako." sabi ko sa sarili. Hindi ko alam kasi isipin ko palang na nandun si Ken ay kinakabahan na talaga ako.
Nang nasa tapat na ako ng pinto ng The Zone ay kinakabahan kong hinawakan yung doorknob. Katakatakang hindi ito nakasarado at may isang tsinelas ang nakaharang sa pinto.
Kanino kaya tsinelas to? Agad kong tinabi yung tsinelas sa gilid at pumasok sa studio nila. Walang tao?
Nilibot ko ang paligid at nakita kong may lalaking nakahiga sa sulok na animoy tulog. Pero kinabahan ako nang mapagtanto kong si Ken pala yun.
Dahil sa taranta at sa isiping kami lang ngayon ang nandito ay nasagi ko yung table sa gilid kaya nagsipaghulugan yung mga bote. Sanhi nun ay ang pagkagising niya.
BINABASA MO ANG
Breaking the Golden Rule
FanficSlow Update due to busyness of the Author. use #LSDeVeraStories in all social media platforms.