Chapter 15: Weird

401 48 40
                                    

    Kasalukuyan kami ngayon papasok sa hotel galing sa galaan. Sobrang nakakapagod lalo na't medyo maiinit pa noong umalis kami ni Ken. Pero sulit naman kasi tulad nga ng sabi niya ay hindi namin alam kung kailan pa namin mauulit to o kung mauulit pa ba namin ito.

    "Samahan mo ako mamayang bumili ng souvenir Ken. Iuuwi ko sa amin pag-uwi ako sa bahay." sabi ko na siyang nakangiting tinanguan ni Ken. He held my hands kaya hawak kamay kaming naglakad papasok sa hotel.

    Bago pa man kami makapasok ay nagulat kami ng patakbong lumalabas si Seana kasama si Jah. Bakas mo sa mukha nila yung pagkataranta.

    "Jah saan kayo pupunta?" tanong ni Ken.

    "Kayo ang saan galing? Papunta kami ngayon sa hospital naaksidente si Jhaq kanina." sabi ni Jah na siyang kinagulat namin ni Ken. Agad binitawan ni Ken yung kamay ko at tumakbo palabas ng hotel.

    Hindi ko alam pero napatulala nalang ako sa kanya at pinanood siyang lumabas ng hotel.

    "Tara na Nics." ani Seana at hinila na ako palabas. Nakita pa namin humarurot yung motor ni Ken kanina kaya sumabas nalang ako kina Jah sa sasakyan nila.

    Bukod sa nag-aalala ako kay Jhaq sa kung ano ang nangyari sa kaniya at nagulat din ako sa inakto ni Ken kanina. Nagulat ako nang bigla niya akong binatawan.

    "Grabe naman si Ken hindi man lang alam kung ano ang nangyari kay Jhaq tumakbo agad." ani Seana na ngayon ay naka-upo sa passenger seat samantalang ako naman ay tahimik lang dito aa backseat ng sasakyan.

    "Hindi mo naman masisisi si Ken. Naging sila ni Jhaq for almost 5 years." ani Jah na siyang kinalingon ko sa kanila.

    Ganoon katagal yung naging relasyon nila?

    "B-Bakit sila naghiwalay Jah?" nahihiyang tanong ko.

    "Same reason kung bakit single kami ngayon." aniya at tumingin sa salamin para makita ako. "We can't break the golden rule."

    "Paanong we can't break Jah? Ano yung eksaktong nangyari ba?" usisa ni Seana. Sa totoo lang ay maging ako ay gusto kong malaman.

    Hindi ko kasi magawang magtanong kay Ken. Nahihiya kasi ako na baka isipin niyang wala akong tiwala sa nararamdaman niya for me. Pero at the back of my head sobrang curious ako sa kanilang dalawa.

    "Jhaq is there noong nag-uumpisa palang buuin yung SB19. Kasa-kasama ni Ken lagi si Jhaq noon sa mga rehearsals at training namin noong trainee palang kami. But when the time came na pumirma na kami ng kontrata, one of the rules ay bawal talaga ang magka girlfriend sa amin. That's why they cool-off." hindi ko alam kung paano ipoproseso ang lahat sa isip ko.

    "So until now wala silang official break-up?" wala sa sariling sabi ko. Nagkibit-balikat naman si Jah.

    "The moment kasi na naghiwalay sila ay umuwi sa Cagayan si Jhaq. Then nalaman nalang namin na nagkaroon na ng ibang boyfriend si Jhaq." hindi ko ma-imagine kung ano ang naramdaman ni Ken ng mga oras na yun.

    To think na naghiwalay lang naman si dahil sa golden rule, so it means mahal pa ni Ken si Jhaq that time. Then bigla niyang malalaman na may iba na pala si Jhaq?

    Hindi ko na napansin ang byahe at nasa hospital na nga kami. Kumaretso kami sa Emergency room at doo'y naabutan namin sila Ken na kausap na yung doctor.

    "Mabuti at minor injury lang ang nakuha ni ma'am. Kailangan lang natin siyang pagpahingahin ng magdamag at pwede na siyang ma-discharge." anang doctor ay iniwan na kami.

    Lalapitan ko sana si Ken kaso nung tumabi na ako sa kaniya ay siya namang paglakad niya ng pabalik-balik. Animo'y hindi siya mapakali sa iisang sulok.

    "Ken can you please stay sa isang sulok nahihilo na ako." ani Pinuno kaya bumuntong hininga lang siya at tumabi kay Stell. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniya. He look so worried. Pati tuloy ako ay nag-aalala na sa kanya.

    "Paano yung flight natin mamaya Pabs?" tanong ni Stell. Lumingon naman si Pinuno sa kaniya at iniangat ang phone niya.

    "I already told ms. Tina kung ano ang nangyari. But the thing is kailangan na nating tumuloy sa Manila ngayon dahil may schedule tayo bukas."

    "Paano si Jhaq? Wala siyang kasama dre." ani Ken pero tinapik lang siya sa balikat ni Josh.

    "Nandito naman sila Nicole pre. Extend muna sila dito hanggang sa ma-discharge si Jhaq." tinapunan naman kami ng tingin ni Ken pero ganun pa rin siya. Balisa at hindi mo malaman kung ano ang ikikilos niya.

    "But I want to stay." mahinang bulong niya at tumingin sa pinto ng ER. Lumapit ako kay Ken at hinawakan siya sa magkabilang braso. Tumingin siya daretso sa mata ako.

    "Don't worry. Hindi namin siya papabayaan Ken." bahagya siyang natigilan. Marahil ay napagtanto niya ang mga kinikilos niya ngayon.

    "Oo nga naman Ken. Atsaka minor injury lang naman diba?" ani Jah na siyang kinabuntong hininga ni Ken.

    Hanggang sa malipat na sa room si Jhaq ay tahimik kaming lahat. Nagulat ako nang tapikin ni Josh ang balikat ko.

    "You okay?" he asked pero hindi ako agad sumagot at nakatingin lang ngayon kay Ken na nakaupo sa tabi ng kama ni Jhaq.

    "May rason ba para hindi ako maging okay?" sabi ko. Magkatabi kami ngayon sa sofa ni Josh samantalang nakatayo naman yung iba naming kasama at hinihintay yung oras ng pag-alis ng boys.

    "Bakit ako ang tinatanong mo? Hindi ba't ikaw lang ang makakasagot dyan?" aniya na siyang kinaiwas ko ng tingin.

    I know. Hindi tama itong nararamdaman ko pero nasasaktan ako. Hindi tamang nararamdaman ko ito lalo na't nasa hospital ngayon si Jhaq, pero anong magagawa ko?

    Ken is acting weird kanina pa. Para bang pakiramdam ko ay bigla niyang nakalimutan yung nararamdaman niya for me. I know it's sounds childish but yes, yun yung nararamdaman ko ngayon.

    "Mag-iingat kayo di'ba ha. Huwag na siguro kayo lumabas dito sa hospital kapag umalis kami, para wala nang maaksidente sa inyo. Lalo ka na." ani Josh sa akin at ginulo ang buhok ko.

    Alam kong sinadya ni Josh na lakasan yung boses niya kaya otomatikong napalingon ako kay Ken. Pero wala eh. Hindi man lang siya lumingon sa amin.

    "Thank you Josh." sabi ko at umiwas ng tingin. Nagulat ako nang hawakan ni Josh ang kamay ko at pumikit.

    "May 15 mins pa naman bago kami umalis. Let me charge first."

AUTHOR'S NOTE:
Hi guys I know nalate ako ng 30mins sa sinabi kong time sa GC. But yeah. Medyo sumakit kasi ang ulo ko hehe.
Short update again. Im sorry!
TARGET: 28 comments and 28 votes

thank you!!!

Breaking the Golden RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon