Chapter 13: Dare

425 51 23
                                    

    "G-Gusto mo ako?" utal na tanong ko kaya napalingon siya sa akin at ngumiti.

    "Oo. Gusto kita as a person." aniya sabay iwas ng tingin sa akin. Hindi ko alam pero para akong nabunutan ng tinik nang bawiin niya yung sinabi niya kanina.

    "Pwe. Akala ko naman friendship over na kami ni Nicole." aniya Seana na siyang kinatawa naming lahat.

    "Oh next na. Nanggigigil ako sa'yo eh." ani Jah kay Josh at inambahan pa ng batok.

    "Sige subukan mo." banta ni Josh na siyang nginiwian ni Jah. Bumunot na ng papel si Josh at daretsong tumingin sa nabunot niya.

    "Jhaq, Truth or Dare?" tanong ni Josh na siyang kinagulat ni Jhaq.

    "Truth." tipid na sagot niya.

    "Bakit kayo naghiwalay ni Ken?" gulat akong napalingon kay Josh at Jhaq. Teka? Naghiwalay? N-Naging sila?

    "Hoyyy ano yun? Naging kayo kuya Ken?" hindi makapaniwalang tanong ni Cyrille kay Ken pero hindi naman siya sinagot ni Ken at nakatingin lang din kay Jhaq.

    Hindi ko alam pero bigla kong naalala yung unreleased song niya na pinarinig niya sa akin noong isang araw. Si Jhaq ba yung tinutukoy niya dun? Siya ba yung babaeng gusto niyang makasama ulit?

    Napaiwas ako ng tingin kay Ken nang magtama ang paningin naming dalawa. Hindi ko kayang tignan siya sa mata ngayon.

    "Pwede bang ibang tanong nalang?" tanong ni Jhaq sabay tingin kay Ken.

    "Sige, naging kayo ba talaga ni Ken?" muling tanong ni Josh. Napapanganga nalang talaga kami sa daretsong tanong ni Josh kay Jhaq.

    "Yes." nagulat kami nang si Ken na yung sumagot. Ngumiti naman ng makahulugan si Josh kay Ken at bahagyang tumango-tango. "Jhaq bumunot ka na."

    Inabot na nila yung baso kay Jhaq at bumunot ito. Kinakabahan ako sa hindi ko alam na dahilan. Sinundan ko ang tingin niya nang makita niya yung pangalan na nabunot niya.

    "Ken." aniya kaya tumingin sa kaniya si Ken habang may nginunguya pa itong marshmallow. "Truth or Dare?"

    Nilibot muna ni Ken yung paningin niya sa paligid lalo na't nakatingin kaming lahat sa kaniya. Huminto ang tingin niya nang dumako ito sa akin.

    "Dare." daretsong sabi niya.

    "Hoy ano tapang ah." ani Stell sabay tawa. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko natatagalan yung tingin niya.

    "Kayo na ang magbigay ng dare, wala akong maisip eh." ani Jhaq kaya naman nagpresinta si Stell na siya nalang ang magbibigay ng dare sa kaibigan.

    "Nakikita mo yung cottage na yun?" tanong ni Stell saby turo sa isang bakanteng cottage na malapit lang sa mga rooms namin. Sinundan namin lahat ng tingin yung tinuro ni Stell.

    "Oh tapos?" tanong ni Ken na siyang tinawanan ni Stell.

    "Gusto kong pumili ka ng isa sa amin na makakasama mong malock doon ngayong gabi." nagulat kaming lahat sa sinabi ni Stell. Tumawa naman yung mga boys samantalang seryoso lang na nakatingin si Ken doon sa cottage.

    Umiwas ulit ako ng tingin sa kaniya. Alam ko naman na si Jhaq na ang pipiliin niya lalo na't mag-ex sila. Baka nga kapag nagsama sila ngayong gabi ay paniguradong magbabalikan na sila bukas. Paano naman ako? Paano yung nararamdaman ko?

Breaking the Golden RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon