Chapter 11: Subo

443 43 20
                                    

    "Beh dalian mo!" rinig kong sigaw ni ate Cassy mula sa labas ng boarding. Mabilis kong kinuha ang lahat ng gamit ko at hirap na hirap ko itong hinila palabas ng bahay.

    "VIP yarn? Tagal mo ha." ani Seana habang nakasilip sa loob ng van. Bale ako nalang yung kulang sa aming lima.  Kung tinulungan sana nila ako edi sana kanina pa ako tapos diba? tch.

    "Ganda natin ngayon ah." napalingon ako kay Stell na ngayon ay nakasuot ng puting sando na pinatungan ng berdeng polo. Gagi ang pogi talaga.

    "Ngayon lang ba ako maganda Stell?" biro ko pero nagulat ako nang may kung sino ang umakbay sa akin.

    "Syempre araw-araw kang maganda." ani Josh daretso sa mukha ko. Gagi! Hindi ko kinakaya yung lapit niya sa akin. Akala ko bang si Stell lang ang pafall sa grupo? Ano to Roberto? Loyal ako kay Suson ano ba.

    "Tabe." nagulat ako nang bungguin kami ni Ken kaya nabitawan ako ni Josh. Nginiwian naman siya ni Ssob habang sinusundan ito ng tingin. Forda selos ba ang ferzown?

    Nagsipasok na kami sa van, bale sina kuya Pau, Stell, at Jah yung umupo sa pinakadulong bahagi nung van. Sumunod naman sina ate Cassy, Cyrille, Sean at Jhaq.

    Dahil nga late ako ay no choice ako kundi ang umupo sa tabi nina Josh at Ken. Weh? No choice? Bale nakapagitna ako sa kanila kaya jusko di ko alam kung paano kikilos dahil nahihiya ako sa kanilang dalawa.

    "Guys matulog muna tayo. Paniguradong mapapagod tayo sa byahe dahil mag airplane pa tayo nyan." ani Pinuno kaya nagsipwesto naman na sila. Nagulat ako nang isandal ni Josh yung ulo niya sa balikat ko na siyang kinaistatwa ko.

    "Patulog ako ha, di pa kasi ako nakakatulog." aniya sabay pikit ng mata. Hindi naman ako makasagot dahil natitigilan ako lalo na't katabi ko lang din si Ken na ngayon ay tinapunan lang kami ng tingin.

    Ken promise loyal ako sa'yo! huhu

    Tulad nga ng sinabi ni Pinuno ay nagsitulog muna kami dahil kailangan naming bumawi sa tulog. Maging sila din kasi ay puyat dahil anong oras na din sila umuwi kagabi sa boarding nila. Samantalang kami naman ay naninibago pa sa pagod ng training.

    --

    "Nandito na tayo guys." anunsyo ni ms. Tina na ngayon ay nakababa na ng sasakyan.

    Nangunot ang noo ko nang mag-unat ako ng likod dahil may neck pillow na ako. Napatingin ako kay Josh pero tulad kanina ay tulog pa rin siya  Lumingon naman ako kay Ken na ngayon ay nakasandal ang ulo sa may bintana.

    Dahan-dahan kong kinuha yung neck pillow. Teka? Kay Ken to di'ba? Pero paanong—

    Napaiwas ako ng tingin kay Ken nang bigla itong gumalaw. Halata mong sumakit ang batok niya gawa ng posisyon niya kanina. Nagkunwari nalang ako na hindi ko pansin yung neck pillow na naka kabit sa leeg ko.

    "H-Hoy Josh labas na, nasa airport na tayo." sabi ko at bahagya siyang niyugyog. Unti-unti naman siyang nagising at sumilip sa labas. Tumingin siya sa akin at sa neck pillow na nasa leeg ko. Hindi ko alam pero tila nawala yunh ngiti niya kanina at walang sabing lumabas ng sasakyan.

    Agad naman kami nagsilabasan lahat. Hanggang sa makasakay na kami ng Airplane ay hindi na ako kinibo ni Josh. Maging si Ken ay hindi rin ako pinapansin.

    Ano bang ginawa ko? Ba't nila ako pinapansin? huhu

    "WELCOME TO PALAWAN!" ani teacher Tina nang marating namin yung hotel na tutuluyan namin.

Breaking the Golden RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon