Chapter 26: Confrontation

408 60 46
                                        

    "Bakit ngayon lang kayo? Alam mo bang nag-alala ako? Akala ko kung ano na ang nangyari sainyo—" hindi na natapos pa ni Jhaq ang sasabihin nang yakapin siya ni Ken. Agad namang napaiwas ng tingin si Nicole dahil hindi naman niya maitatangging nakakaramdam ito ng selos.

    "Hush now, we're here." pag-aalo ni Ken kay Jhaq.

    "Papasok na ako." tipid na ani Nicole pero agad siyang pinigilan ni Jhaq.

    "Mag-usap tayo." aniya na siyang kinatigil ni Nicole at lumingon ito sa dalaga. Sa totoo lang ay ayaw na niya itong kausapin pa dahil sa pakikitungo niya sa nobyo nito. Bukod sa nakalimutan na siya ni Ken ay pakiramdam niya'y trinaydor siya ng tinuring niyang kaibigan.

    "Anong pag-uusapan ninyong dalawa?" kunot noong tanong ni Ken sa dalawa. Hindi naman sumagot si Jhaq at nauna nang umalis kaya walang ganang sumunod sa kanya si Nicole.

    Naglakad ang dalawa ng hindi naman nalalayo sa boarding nila. Tahimik ang paligid lalo na't maghahating gabi na rin ng mga oras na yun.

    "Ano bang gusto mong pag-usapan natin?" may halong inis sa boses ni Nicole. Lumingon naman si Jhaq, bakas sa mukha nito ang lungkot at animo'y anong oras lang ay maaring tumulo ang luha nito.

    "Ibalik mo na si Ken sa'kin." halos magmakaawang ani Jhaq at pilit na inabot ang kamay ng kaibigan. Tumawa naman ng pilit si Nicole at hinawi ang kamay ni Jhaq.

    "Naririnig mo ba ang sinasabi mo Jhaq?" galit anito. Sa oras na yun ay hindi na napigilan ni Jhaq na tuluan ng luha. Alam niyang hindi niya dapat sabihin yun kay Nicole pero ito nalang kasi ang naiisip niyang paraan. Alam niyang mali, pero hindi na yun inisip ng dalaga. Kahit pa kabayaran nito ay maaaring masira na ng tuluyan ang pagkakaibigan nila ay wala na siyang pakialam.

    "Mahal na mahal ko si Ken kaya please lang. Ibalik mo na siya sa'kin—"

    "Tang*na Jhaq ako din naman ah!" sigaw ni Nicole sabay turo sa sarili niya. "Mahal ko din si Ken Jhaq at alam kong alam ninyong lahat yan." lumuluhang dugtong nito.

    "Kaya nga nagpapaalam ako sa'yo na kung pwedeng ibalik mo nalang siya sa akin. Nicole hindi ka na naaalala ni Ken. Ako na ngayon yung—"

    "Hindi pa!" pagputol nito kay Jhaq. "Hindi pa niya ako naalala pero naniniwala ako na kahit hindi ako makilala ng utak niya, alam kong ako pa rin ang laman ng puso ni Ken."

    "Una siyang naging sa'kin Nicole." mariing ani Jhaq na siyang mapait na tinawanan ni Nicole.

    "Ayun na nga eh  una siyang naging sa'yo. Nakalipas na. Tapos na. So bakit mo kailangan mabuhay sa matagal nang tapos?" nawawalan pasensyang ani Nicole.

    "Paano mo nasabing tapos na kung dinudugtungan namin ngayon—" hindi na natapos ni Jhaq ang sasabihin nang sampalin siya ng napakalakas ni Nicole. Sobrang nasasaktan na kasi ito sa sinasabi ni Jhaq. Bukod sa mga sinasabi ni Jhaq ay nasasaktan siya dahil galing ito mismo sa bibig ng babaeng tinuring na talaga niyang pamilya, kaibigan.

    "Nicole!" napalingon ang dalawa sa pinanggalingan ng boses. Agad naman na umarteng nasasaktan si Jhaq at tila aping-api nang lapitan siya ni Ken.

    "K-Ken." utal na usal ni Nicole sa pangalan ni Ken.

    "Bakit mo ginawa yun? Bakit mo sinaktan ang girlfriend ko?" may halong galit na ani Ken sakanya. Hindi na napigilan pa ni Nicole ang emosyon niya. Sobra-sobra na ito sa kaya niyang tiisin. Sa oras na ito ay hindi na niya kaya pang itago ang lahat. Tila sasabog na siya.

    "Girlfriend?" mariing tanong ni Nicole at tumingin daretso sa mata ni Ken. Hindi naman maunawaan ni Ken pero sa tono ni Nicole ay may kung ano sa kanya ang bumagbag sa puso niya.

    "Hanggang kailan ako magtitiis para sa'yo Ken?" sa oras na yun ay tuloy-tuloy ang pagbuhos ng luha ng dalaga. "Naiintindihan kong hindi nakakaalala 'yang utak mo, pero kahit sana ito." sabay turo sa parte ng puso niya. "Sana kahit ito lang maalala mo ako. Nakakapagod ka din palang mahalin." ani Nicole at tumakbo palayo sa dalawa.

    Hindi maunawaan ni Ken ang nangyayari. Sa una'y nakaramdam siya ng galit dahil sa ginawa ni Nicole, pero sa oras na napakinggan niya lahat ang sinabi ng dalaga ay may kung ano sakanya ang nasasaktan.

    "Langga." tawag ni Jhaq.

    "Anong ibig sabihin ni Nicole?" naguguluhang tanong ni Ken sa dalaga. Hindi naman alam ni Jhaq ang sasabihin. Natatakot siya na baka bigla nalang mawala sa kanya si Ken kapag nalaman ang totoo.

    "H-Hindi ko alam." utal na aniya. "Sinusubukan ka niyang agawin sa akin kaya siguro ginugulo niya ang utak mo."

    "Sino nga ba si Nicole sa buhay ko? Hindi ko siya maalala pero alam kong hindi siya ordinaryong tao sa buhay ko." ani Ken at humawak sa ulo niya. Sa oras na yun kasi ay nakakaramdam na ito ng pananakit ng ulo.

    "Are you okay?" nag-aalalang ani Jhaq sa binata. Agad naman binawi ni Ken ang sarili sa kanya.

    "Bukas na tayo mag-usap." aniya at tinalikuran na ang babae.

    --

    KINABUKASAN, umiiyak na pumasok si Cassy sa boarding ng SB19. Agad naman siyang sinalubong ni Stell at pilit na pinapakalma.

    "What happened love?" tanong ni Stell at pinaupo ang nobya sa couch sa may sala. Sumunod namang pumasok ang ibang miyembro ng Hiraya na halata mong kagagaling lang din sa iyak ng mga ito.

    "Si Nicole kasi." umiiyak pa rin na ani Cassy. Agad na napalingon si Josh at Ken sa dalaga.

    "Anong nangyari kay Nicole?" halos sabay pang tanong ng dalawa kaya nagkatinginan pa ang mga ito.

    "Umalis na siya sa grupo." ani Cassy at inilabas ang sulat na iniwan ni Nicole kagabi bago ito umalis ng boarding. "Paggising ko kasi ay nakaugalian ko nang gisingin silang lahat kaya nang pumasok ako sa kuwarto nila ni Jhaq ay nagtaka ako kung bakit walang tao. Tapos nakita ko yan sa side table ni Nicole." mahabang kwento ni Cassy. Niyakap naman siya ni Stell bilang pagpapatahan sa nobya.

    "Let me see." ani Pau at kinuha yung letter. Binasa niya ito at tumingin isa-isa sa mga kasama.

    "She needs time to search for herself. Masyado na siyang nauubos sa mga nangyayari." agad na tumayo si Seana at lumapit kay Ken. Nagulat ang lahat ng nagpakawala ng malakas na sampal ang dalaga.

    "Hey!" saway ni Pablo pero hindi natinag si Seana. Daretso pa rin ang tingin niya kay Ken. Kahit hindi nauunawaan ni Ken ang nangyayari ay tinanggap lang niya yung sampal ni Seana.

    "Masakit ba? O baka kulang pa yan para maalog yang utak mo?" matapang na aniya na siyang kinalingon ni Ken sa kanya.

    "Akala ko noong inaya mo akong sundan sila sa Enchanted ay sa wakas ay naalala mo na. Pero ano na naman to? Kasalanan mo kung bakit umalis si Nicole!" agad naman siyang pinakalma ni Cassy at Cy.

    "Enough Seana!" napalingon silang lahat sa pagsaway ni Josh sa babae. Tumawa ng mapait si Seana at umiling-iling pa.

    "Isa ka pa. Sinasaway mo ako dahil natatakot ka na baka sabihin ko na kay Ken ngayon kung sino ba talaga si Nicole sa buhay niya?" sarkastikong ani Seana.

    "Magtigil ka na Seana. Hindi biro ang sitwasyon natin ngayon. Hindi namin kailangan ng opinyon ng isang bata—"

    "Tang*nang yan." mariing mura ni Seana. "Yan ang hirap sayo Josh Cullen. Hindi na ako bata at nagsasalita ako ngayon dahil umalis yung kaibigan ko dahil d'yan sa kaibigan niyo. Bakit hindi mo nalang aminin na kaya mo ako pinigilan dahil ayaw mo din namang maalala ni Ken si Nicole. Dahil hanggang ngayon umaasa kang mapapasayo si Ni—" hindi na natuloy ni Seana ang sinasabi niya nang sumigaw ng napalakas si Ken.

    "Ken!"

TARGET: 45 VOTES AND 45, COMMENT.

Breaking the Golden RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon