"Ken please parang-awa mo na. Huwag mo akong iwan." pagsusumamong ani Jhaq at paluhod na yumakap sa binti ni Ken.
Sa oras na yun ay sobrang galit ni Ken sa dalaga. Pakiramdam kasi niya'y sinamantala ni Jhaq ang sitwasyon niya para sa sarili niyang kagustuhan. Pero sa kabilang banda ay hindi niya ito magawang saktan o ano man dahil kahit papaano'y may pinagsamahan silang dalawa.
"Jhaq tumayo ka d'yan." ani Pablo at pilit na tinatayo ang dalaga. Nasasaktan siyang nakikitang miserable ang babaeng minamahal niya. Kahit pa paulit-ulit siya nitong baliwalain ay hindi nagbabago ang nararamdaman niya para rito.
Umiling lang si Jhaq at mas hinigpitan pa ang yakap kay Ken.
"Hindi ako bibitaw. Mahal na mahal kita Ken." hagulgol na ani Jhaq.
"Jhaq please lang bumitaw ka na hangga't kaya ko pang magpigil. Ayaw kong dumating ang oras na masaktan pa kita." ani Ken at pilit na binabawi ang sarili sa dalaga. Hindi naman nagtagal ay nakawala na rin siya sa kapit ni Jhaq.
"Bakit Ken sa tingin mo ba ngayon hindi mo ako nasasaktan?" punong-puno ng galit ni Jhaq. "Ken ako yung nandun noong panahong walang-wala ka pa. Ako yung nandyan noong nangangarap ka palang. Pero ano? Dahil sa pangarap mo binitawan mo ako. Sa pangarap mo na pareho nating pinaghirapan!" panunumbat ni Jhaq sa binata.
Nakatingin lang si Ken sa kaniya. Hindi siya makapaniwala sa mga lumalabas sa bibig ng babaeng minsan na niyang minahal. Pakiramdam niya ay biglang naging istranghero ang babae sa harapan niya.
"Naririnig mo ba ang sinasabi mo Jhaq?" seryosong tanong ni Ken sa dalaga. Nanginginig na ito sa galit pero nilalakasan niya ang pagpipigil sa sarili. "Bakit mo sinusumbat lahat 'yan ngayon? At anong binitawan? Jhaq nakakalimutan mo bang ikaw ang bumitaw? Ikaw yung naghanap ng iba habang pansamantala tayong magkahiwalay. You cheated on me aren't you?"
"Ken..." lumuluhang turan ni Jhaq at sinubukang yakapin muli si Ken pero napigilan siya ni Pablo dahil ito na mismo ang yumakap sa dalaga.
"Ken nagmamakaawa ako." ani Jhaq habang pilit na inaabot si Ken. Pero dahil nga nakayakap si Pablo sa kaniya ay hindi niya malapitan ang binata. "Ako nalang ulit."
Umiling si Ken at tinalikuran na silang lahat. Pero hindi pa man nakakalayo si Ken ay biglang sumigaw si Jhaq.
"Sige umalis ka!" galit na aniya. "Sa oras na umalis ka ay magpapakamatay ako!"
"Sige gawin mo." ani Ken na siyang kinagulat ng lahat. Lalo namang nanlumo si Jhaq wa narinig sa binata. "Sige gawin mo. Magpakamatay ka. Sayangin mo ang buhay mo. Jhaq hindi ganyan ang pagkakakilala ko sayo. Hindi na kita kilala." aniya at lumabas na ng boarding.
Jhaq cried all night. Hindi kumain o tumayo man lang ng higaan. Para siyang nawalan ng buhay sa mga oras na yun. She questioning her worth. Hindi niya lubos maiisip na kayang sabihin ni Ken sa kaniya ang mga ganung bagay. Buong akala niya ay babalik ito sa kaniya pero nagkamali pala siya.
"Jhaq please kumain ka na." pag-aalo ni Pablo sa dalaga. Hindi naman siya pinansin ni Jhaq at nakatulala lang ito sa kisame.
Sa sobrang pag-aalala ay namuo ang luha sa mga mata ni Pablo. Nasasaktan siyang makita na nasasaktan ang taong matagal na niyang minamahal. Kung maaari nga lang ituro sa puso ang taong dapat niyang mahalin ay paniguradong ginagawa na ni Pablo iyon sa babaeng pinakamamahal niya.
"Pau..." Jhaq murmured. Agad namang hinawakan ni Pablo ang kamay ng dalaga upang iparamdam na hindi ito nag-iisa.
"Mali bang magmahal ako?" muli ay pumatak ang luha sa mga mata ng dalaga. Agad namang umiling si Pablo.
BINABASA MO ANG
Breaking the Golden Rule
FanfictionSlow Update due to busyness of the Author. use #LSDeVeraStories in all social media platforms.