"Sandali lang!" rinig kong awat ng isang babae sa'kin. Seryoso ko siyang nilingon at walang ano mang pinakita ng reaksyon. Pinilit kong linawan ang paningin ko pero sadyang napakalabo ng mukha niya. Kahit na hindi ko siya lubusang makita ay ramdam kong medyo natigilan siya sa inakto ko.
"Ano pa bang kailangan mo?" inis na sagot ko. Para ako ngayong nanonood ng pinikula na ako ang bida at ang babae sa harapan ko. Ramdam ko ang lahat. Parang nasa sitwasyon talaga ako. Pero hindi ako sigurado kung nangyari ba talaga ang mga ito.
"Y-Yung nangyari k-kanina." utal na sabi niya. Habang patagal na patagal ay medyo may naaaninag ako sa mukha niya. "Ganun nalang y-yun?"dugtong pa ng babae. Sino ka ba? Bakit pamilyar ang boses niya sa akin.
Naningkit naman ang mata ko at bahagyang lumapit sa kanya. Agad naman siyang napaurong dahil sa paglapit ng mukha ko sa kanya.
"Anong gusto mong gawin ko? Gusto mo ba bawiin ko?" maangas na sabi ko. Hindi ko na talaga alam ang nangyayari. Para akong naipit sa realidad at sa alaala, alaala nga ba ito? Hindi ko na alam.
"H-Hindi naman 'yun ang ibig kong sabihin!" natatarantang sabi niya. Paulit-ulit kong tinatanong yung babae kung sino siya sa utak ko. I know she's important to me. Alam ko yun. Ramdam ko.
"Then what?" kunot noong tanong ko at tumingin sa relos na suot ko na tila ba inip na inip na akong makausap siya.
"Hindi ka man lang ba magsosorry dahil ninakawan mo ako ng halik?" tanong niya na bahagya kong kinatawa. "Anong nakakatawa sa sinabi ko?" tugtong pa niya. I tried to touch her pero tumatagos lang ako.
"Ikaw." sagot ko sa kanya na siyang kinagulat niya. "Ikaw mismo ang nakakatawa. Bakit ako hihingi ng pasensya? Kung hindi nga ako dumating ay hahalikan mo sana 'yan litrato ko."
"H-Hoy hindi ah!" utal na sabi niya. Hindi ko alam pero biglang lumiwanag ang paligid. Sa sobrang liwanag ay natakip ko ang mata ko dahil sa silaw na dala nito.
"Aray!" rinig kong pagsigaw ng babae. Nagulat ako dahil biglang nasa lobby na ako ngayon ng showbt. Kita ko ang isang babae habang sapo-sapo ang likuran niya nang makatayo sa pagkakasalpak sa sahig.
"Ayos ka lang?" tanong ko pero para siyang natigilan nang marinig ang boses ko. "Ayos ka lang?" pag-uulit ko.
Agad niyang inayos ang sarili at maging ang mga gamit niyang nagkalat sa paligid ay isa-isa niyang pinulot.
"H-Hindi mo ba ako naalala?" biglang tanong niya na siyang kinakunot ng noo ko sa oras na yun. Gusto kong makita ang mukha mo. Unti-unti akong umiling na siyang kinabago ng ekspresyon ng mukha niya. She seems disappointed kasi hindi ko siya maalala. Sino nga ba siya?
"Bakit? Nagkita na ba tayo noon?" tanong ko pa pero hindi man lang siya sumagot at tila asar na asar akong nilagpasan. Sinundan ko naman siya ng tingin. "Hoy, nagkita na ba tayo?" tanong ko ulit. Nilingon naman niya ako at tinignan ng masama.
"Bahala ka! Kainis." aniya at tumakbo na papasok ng building. Naiiwan akong nakatanaw lang sa direksyon kung saan siya pumunta. At ayun na naman ang matinding liwanag.
Alaala ko nga ba ang mga ito? Bakit pakiramdam ko ay totoong nangyari ang lahat ng ito. Kasabay ng mga alaalang iyon ay ang matinding pagsakit ng ulo ko. Hindi ko na talaga alam. Naguguluhan na ako.
Nagulat ako nang may marinig akong malakas na kalabog. Nilingon ko ang paligid at nasa The Zone ako ngayon. Kita ko din ang sarili ko na nakahiga sa sulok at ayun na naman yung babae. Kinabahan ako dahil unti-unti nang lumilinaw ang mukha niya sa akin. Sino ka nga ba talaga?
![](https://img.wattpad.com/cover/316646517-288-k297387.jpg)
BINABASA MO ANG
Breaking the Golden Rule
FanfictionSlow Update due to busyness of the Author. use #LSDeVeraStories in all social media platforms.