Chapter 1: Poster

1.1K 34 11
                                    

    "Excuse me, excuse!" sabi ko at pilit na hinawi yung grupo ng mga babae na nakatayo sa malaking poster ni Ken.

    "Aray na miss dahan-dahan naman." inis na sbi naman nung isa sa kanila. Agad akong yumuko at humingi ng pasensya.

    "Sorry talaga. Gustong-gusto ko kasi talaga makita si Ken." sabi ko pero nakatingin lang siya sa akin at iiling-iling na umalis. Napangiwi naman ako sa inasta niya.

    "Tch. Akala mo naman kung sinong maganda. Putok na putok naman yung nguso." bulong ko sa sarli habang inaayos ang buhok ko. Huminga muna ako ng malalim bago ko hinarap yung poster.

    "Grabe! Ang guwapo!" agad kong kinuha yung cellphone ko at pumwesto sa tabi ng poster at kinuhanan yung sarili ko.

    "Grabe naman Langga, kung sa litrato ay sobrang guwapo mo na what more sa personal?" kinikilig na sabi ko habang tinitignan yung litrato ko sa cellphone na kasama itong poster.

    Muli ay tumingin ako sa poster. Hindi ako makapaniwala na may ganito kagwapong nilalang. His eyes perfect tan skin at lalong lalo na yung manipis niyang labi! Ano na Nicole?! Kaya mo pa?

    Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa uatak ko. Lumingon ako sa kanan at kaliwa ko to make sure na walang makakakita ng gagawin ko. Nang masigurado kong walang tao ay agad akong umayos ng tindig at tumingin daretso sa litrato ni Ken.

    "Isang kiss lang Ken! Isa lang!" sabi ko at dahan-dahan na ipinikit ang mga mata ko. Hindi ko alam pero sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Kahit pa litrato lang ito ay kinakabahan ako. As if naman na lalabas si Ken Suson sa poster na ito para halikan ako di'ba?

    Konti nalang at mahahalikan ko na yung poster. Hayup, pati sa poster ay kinikilig ako! Malala na talaga ako.

    "Huminto ka!" agad akong natigil sa paglapit ng mukha ko naman may kung sino ang humila sa akin sa may likod ngf poster at pilit na nagtago sa likod ko. Dahil sa mabilis ang mga pangyayari ay hindi ko alam kung sino ito.

    "Nasaan na siya?" tanong nung reporter habang nililibot ang paningin sa paligid. Bigla tuloy akong kinabahan baka kasi itong taong nasa likod ko ang hinahanap nila.

    "Itago mo ako." bulong na aniya sa likod ko kaya wala na akong nagawa kun'di ang umayos ng tindig para hindi nila mahalata na may nagtatago sa likod ko.

    "Baka tumakbo siya sa gawing yun!" ana naman isa sa mga reporter at mabilis na tumakbo. Nasisunuran naman yung iba kaya parang nabunutan ako ng tinik nang nawala na sila sa harap namin.

    Ramdam kong bumitaw na yung lalaki sa braso ko at umayos na ng tayo. Hingal na hingal ito habang nakatanaw sa mga reporter.

    Dahil na rin sa suot niyang itim na jacket at sumbrero at halos hindi ko na makita ang mukha niya. Pero infairness ha, kahit na nakatalikod ito ay halata mong guwapo dahil sa tindig niya. Bigla ko tuloy naalala si Ken ko.

    Agad akong lumingon sa poster ni Ken.

    "Hala may dumi ka na sa mukha langga." sabi ko at pinunasan yung poster. Pero nagulat ako nang hilain ako nung lalaki paharap sa kaniya at sinandal ako sa poster. Parang tumingil ang mundo ko nang ramdaman ko ang malalambot niyang labi na dumapo sa labi ko.

    Y-Yung first kiss ko!

    "Saan kaya tumakbo yung Ken Suson na yun?" halata mo sa boses ang pagkawala nialng pasensya. Pero hindi na importante pa yung mga reporter.

    Alam niyo yung feeling na parang nagwawala yung puso ko? Ganun! ganun ang nararamdam ko ngayon! Buong oras na nakalapat ang labi niya sa labi ko ay dilat na dilat ang mata ko!

    "Ang galing talaga magtago kainis." anang isa sa mga reporter at umalis na.

    Nang maisgurado niyang awala nang tao ay doon palang siya humiwalay sa akin at doon ko mas napagmasdan ang mukha niya.

    "Si... si... Ken!" gulat siyang lumingon sa akin at agad na tinakpan ang bibig ko.

    "Ssshhh 'wag kang maingay!" aniya agad akong hinawakan ang kamay niya na nakatakip sa bibig ko at tinanggal ito.

    "Hindi ako maiingay promise! Hala Ken ikaw ba talaga 'yan?" sabi ko at hinawakan ang magkabilang pisngi niya at sinuri yung mukha niya. Simula sa mata, ilong at natigilan ako sa maninipis niyang labi. Doon ko lang naalala yung nangyari kanina. Hindi ko maiwasang pamulahanan dahil na isiping hinalikan ako ni Ken kanina!

    "Bitawan mo nga ako." masungit na aniya at binawi ang sarili sa akin. Agad niyang inayos ang sarili at tinalikuran ako na animoy wala lang yung nangyari kani-kanina lang.

    "G-Ganun lang yun? Hindi man lang siya masosorry sa ginawa niya kanina?" gulat na tanong ko sa sarili ko kaya agad akong tumakbo papalapit sa kaniya.

    "Sandali lang!" awat ko sa niya. Para akong nabato nang lumingon siya sa akin dahil ayun na naman yung malalamig niyang tingin. Akala ko ay sa camera lang siya ganun, pero iba pala talaga kapag nakita mo yun sa personal. Magkahalong pagkamangha at takot ang nararamdaman ko.

    "Ano pa bang kailangan mo?" maging ang boses niya ay nakakatakot din!

    "Y-Yung nangyari k-kanina." kung pwede lang na sabunutan ko ang sarili ko ngayon dahil sa pagsasalita ko ay ginawa ko na! Para kasing napalipit ang dila ko dahil presensya niya. "Ganun nalang y-yun?"

    Naningkit naman ang mata niya at bahagyang lumapit sa akin. Agad naman akong napaurong dahil sa lapit ng mukha niya.

    "Anong gusto mong gawin ko?" aniya at tumingin sa labi ko. Nalunok ko naman ang sariling laway ko dahil sa kaba! hayup na yan! Nicole umayos ka. "Gusto mo ba bawiin ko?"

TO BE CONTINUED...

    COMMENT YOUR REACTION, SUGGESTIONS, AND DO SHARE THIS STORY TO YOUR FRIENDS!

Breaking the Golden RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon