"Josh? Gising na." sabi ko habang bahagya siyang inaalog upang magising. Doo'y lumingon sa amin ni Ken at daretsong nakatingin sa natutulog na si Josh sa tabi ko.
"Inaantok pa ako." mahinang ani Josh at nagulat ako nang bigla niya akong yakapin tuloy ay nakahiga na siya sa sofa samantalang ako naman ay umusog pa abante upang magkaroon ng espasyo si Josh sa likod ko.
"Taray may pa yakap yarn? Parang gusto kong manabunot." banat ni Seana na siyang tinawanan naman ng iba pa naming kasama.
"Josh bangon na aalis na kayo oh." sabi ko pero hindi nakinig si Josh at mas hinigpitan pa yung yakap sa bewang ko. Nangunot naman ang noo ni Ken sa ginawa ng kaibigan.
"Para-paraan ka d'yan Josh ah. Tumayo ka na d'yan." ani Jah at tinapik ng malakas ang hita ni Josh. Nakangiwi namang bumangon si Josh at inayos ang nagulo niyang buhok.
"Inaantok nga kasi ako." aniya na siyang kinatawa nila maliban kay Ken na seryosong nakatingin pa rin sa'kin. Bakit parang kasalanan ko?
Hindi nga nagtagal at dumating na ang oras ng pag-alis nila. Iniwan muna namin si Jhaq sa kwarto kasama si ate Cassy at inihatid muna ang boys sa baba.
"Ingat kayo sa pag-uwi mga kuya." ani Cyrille at isa-isang nakipag-apir sa kanila.
"Nako, kayo ang mag-ingat dito ha. Huwag na lumabas-labas." paalala ni Pablo na siyang tinanguan namin. Isa-isa na silang pumasok sa van. Halata mong nagpahuli si Ken dahil halos ayaw niya pang sumakay talaga ng sasakyan.
"Can we talk." aniya daretso sa akin. Tinitigan ko siya ng sandali. Bakit parang siya pa ang galit? Eh siya nga yung nang-iwan sakin kanina.
"Aalis na kayo tsaka nalang tayo mag-usap." sabi ko at tinalikuran na siya. Sumilip ako ulit sa van at isa-isang nagpaalam sa kanila.
"Nicole." sambit ni Ken sa pangalan ko at hinawakan ako sa balikat. Lumingon ako sa kaniya pero wala akong ano man reaksyon. Bakas sa mukha niya na ayaw niyang umalis nang hindi kami nag-uusap dalawa.
"Sige na. Mag-ingat kayo." sabi ko at marahang tinanggal yung kamay niya sa braso ko. I was about to turn back nang yakapin niya ako mula sa likod.
"Namimiss kita." bulong niya sa tenga ko at mas hinigpitan yung yakap. Hindi ko maiwasang mamula dahil sa ginawa niya. Hayup na to tinatanggal niya yung angas ko.
"S-Sige na. Malelate na kayo oh." sabi ko at marahang tinanggal ang kamay niya.
"Tumingin ka muna sa akin." aniya at iniharap ako sa kaniya. Dahil sa namumula ako ay iniwas ko yung tingin ko sa kaniya.
"Ken naman. Sige na umalis na kayo." hindi niya nakinig at hinawakan ang baba ko upang iangat ito.
"Tumingin ka muna sa akin tangi." aniya na siyang kinakunot ng noo ko.
"Tangi?" takang tanong ko. Medyo napataas yung kilay ko dahil medyo tunog mura kasi. hayup na yan.
"Tangi, tinatangi." nakangiting aniya at daretsong nakatingin sa mata ko. Alam mo yung feeling na kanina ko pa piniipigilan yung ngiti ko? Dre hindi ko kaya! Tinatangi daw! "Namumula ka Tangi."
Agad akong napahawak sa pisngi ko at sinamaan siya ng tingin.
"Ang dami mong alam. Sige na umalis na kayo." sabi ko at bahagya siyang tinulak papasok ng van. Pero bago pa siya tuluyang pumasok ay hinila niya ako papalapit sa kaniya at muli niya akong niyakap at ginawaran ng halik sa tuktok ng ulo ko.
BINABASA MO ANG
Breaking the Golden Rule
FanfictionSlow Update due to busyness of the Author. use #LSDeVeraStories in all social media platforms.