"Maupo ka muna dito. Kukunin ko lang ang gitara ko." ani Ken at tinuro yung upuan sa may mini garden nila.
Tahimik akong umupo sa upuan at sinundan siya ng tingin habang siya naman ay papasok ng boarding nila.
Grabe totoo ba ito? Si Ken Suson kasama ko ngayon? Gagi hindi makakapaniwala si Lance kapag kinuwento ko ito sa kanya!
"Hoy may bisita pala kami." napalingon ako at doon ay lumabas mula sa dilim si Josh. He is wearing a oversized jacket at may sando siya sa loob niyon. Hindi ko maiwasang mapatitig sa mukha niya kasi dzai hindi pa siya nag-aahit ng balbas kaya napaka manly niyang tignan. Hayup na yan magsuswerve pa yata ako ng di oras dito ah.
"Goodevening Ssob." nahihiyang bati ko at bahagyang lumuko. Tumabi naman siya sa upuan na kinauupuan ko at pareho kaming tumingala sa langit.
Grabe ang ganda! Forda dami naman ng stars ngayon.
"Bakit ka pala nandito? Sinong nagpapa—" hindi na niya natapos ang sasabihin niya nang makabalik na agad si Ken at bitbit ang gitara niya. "Ikaw pala ang nagpapasok sa kanya." ani Josh at agad na tumayo sa kinauupuan niya. Simpleng tango lang ang ginanti ni Ken at siya naman ang umupo sa tabi ko ngayon.
Hayup nagwawala yung puso ko.
"Gusto mong sumali sa'min? Jamming lang." umiling naman si Josh at ngumiti sa akin.
"Ayaw ko naman sirain yung moment ninyong dalawa." ani Josh na siyang kinamaang ng bibig ko. Ngumiwi naman si Ken at nagsimula nang patugtugin yung gitara.
"Pagkatapos niyo d'yan uwi na agad Nicole ha." paalala niya na siyang tinanguan ko.
"Sure Ssob! Goodnight sa'yo!" sabi ko at tinalikuran na niya kami.
"May gusto ka bang kantahin? Baka alam kong gitarahin." ani Ken kaya agad akong napalingon sa kaniya.
"Ah eh, nahihiya akong kumanta." natatawang sabi ko na siyang nginiwian niya.
"Eh bakit ka pa sumama dito kung di ka pala kakanta." aniya at iiling-iling na tumingin sa akin. Aba syempre sasama ako sa'yo kahit saan mo pa ako dalhin!
"S-Syempre niyaya mo ako." sabi ko na siyang kinatawa niya. Tama bang tawanan ako?
"Pero marunong ka naman maggitara?" tanong niya na siyang kinakamot ng ulo ko. Bakit ba panay ang tanong nito?
"Konti lang eh. Hindi ako bihasa." pagtatapat ko. Nagulat ako nang iabot niya sa'kin yung gitara niya. Hindi ko alam kung tatanggapin ko yun pero dzai! Chance ko na to na mahawakan yung gamit ni Ken Suson!
Nanginginig man ay inabot ko yung gitara at pinusisyon iyon sa akin. Lalo akong kinakabahan kasi nakatitig talaga si Ken sa'kin habang inaayos ko yung gitara.
Alam mo yung feeling na sobrang lapit lang namin sa isa't-isa tapos nakaharap pa siya sa'kin! Tapos be yung amoy niya gagi! Ang bango!
Okay self, kalma lang. Hindi ka pwedeng pahalatang patay na patay ka sa kaniya. Kunwari isa tayong babaeng may paninindigan at hindi rumurupok kahit na sobrang rupok mo talaga sa kanya.
Huminga ako ng malalim at inumpisahan ko nang tipain yung intro ng Higa by Arthur Nery. Paburito ko kasing gitarahin 'to kasi nga may hawig yung boses ni Arthur sa boses ni Ken.
"Kailangan mong malaman
Kung kailan ka kailangan
Parang 'di na naranasang
Ikaw naman ang ipaglaban hmm." nagulat ako nang biglang kantahin ni Ken yung first verse kaya lalo tuloy akong na-pressure kasi be ang ganda ng boses! Napaka manly kainis!
"Bakit palaging isinasantabi
Ang iyong sarili para sa iba
Naghahangad sa taong 'di babalik
Subukan mo namang magpahinga." ewan ko pero saa mga linyang iyon ay napatingin ako sa kanya. I don't know pero may something talaga sa mata niya habang nakatingin siya sa malayo. Parang may longing? Ewan for the kabag lang to.
"At dahan-dahang ihiga ang katawan
Nang 'yong malamang 'di ka nag-iisa
Halika na't 'di kailangang pilitin
Dahil para sa 'kin ika'y mahalaga." napatingin siya sa akin nang bigla akong pumasok sa kanta. Alam kong sinabi ko kanina na nahihiya ako pero dzai sakto kasi yung lyrics sa gusto kong sabihin kay Ken. I just want him to know na hindi siya nag-iisa. Nandito kaming mga sisiw para sa kanya.
Hanggang sa matapos ang kanta ay hindi na naalis sa akin yung tingin ni Ken. Oo, nahihiya ako pero sobra akong natutuwa dahil nagkaroon ako ng chance para makabonding si Ken. Kahit sa simpleng pagkanta lang.
"Nicole." napalingon ako sa kanya.
"Bakit hindi mo sinabing ikaw yung babaeng yun?" daretsong tanong niya na siyang kinagulat ko.
"A-Ang alin?" pagmamaang-maangan ko pero alam kong alam niya na alam ko yung tinutukoy niya.
"Gusto mo ulitin ko para matandaan mo?" agad kong natakip ang kamay ko sa bibig ko na siyang kinatawa niya. "See! Alam mo naman kasi ang tinutukoy ko."
Halos gusto kong sabunutan yung sarili ko dahil sa katangahan na ginawa ko. Oo nga naman! Bakit ako nagpahalata?
"Kasi naman eh!" pagmamaktol ko na siyang kinatawa niya. "Alangan naman sabihin ko sa'yo na 'hoy Ken Suson ako ito. Yung babaeng hinalikan mo para tumakas sa press' ganun?" pareho kaming natigilan dahil napalakas yata yung pagkakasabi ko nun. Kahit kailan talaga pahamak itong bibig ko.
"About that, sorry pala." aniya na siyang kinagulat ko. "Dapat hindi ko ginawa sa'yo yun that day. Wala na kasi akong maisip na way para makatakas sa mga humahabol sakin nung araw na yun." hindi ko alam kung matutuwa ba ako kasi humingi siya ng sorry o maiinis dahil kung hindi pala ako yung babaeng nandun ay malamang sa malamang sa ibang babae niya ginawa yun.
Ilang minuto din kaming natahimik dalawa. Nangangapa kung ano pa ba ang pwede naming pag-usapan.
"Ihahatid na kita, 12:00 am na at kailangan mo pang magising ng maaga bukas." sabi niya at kinuha na yung gitara sa akin at nilagay iyon sa isang sulok.
"Thank you sa oras Ken ha." sinserong sabi ko. Tipid niyang ngumiti at hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at pinihit na ako paharap sa boarding namin.
"Hindi ka kasi natutulog agad kaya hindi ka tumatangkad e." aniya na siyang kinamaang ng bibig ko.
"Hoy anong sabi mo?" asar na sabi ko sa kanya pero siya naman ay tatawa-tawa lang sa likod ko habang tinutulak ako papuntang boarding. Pero bago pa man niya ako tuluyang mahatid ay natigilan kami nang biglang lumabas si Jhaq.
Nagkatinginan silang dalawa ng ilang minuto na siyang kinakunot ng noo ko. Heto na naman yung tensyon sa pagitan nilang dalawa. Napapansin ko kasi na natitigilan sila kapag aksidenteng magtagpo yung tingin nila.
Ano bang meron sa dalawang ito?
"Goodnight Nicole. Matulog ka na." mabilis na ani Ken at patakbong umuwi sa boarding nila.
Ang weird.
AUTHOR'S NOTE!
CONGRATULATIONS TO US! We reach the #1 spot on SB19 Category!
Keep voting and commenting guys kasi malaki ang factor nun sa pag-angat niya sa rankings.
So for today's update CHAPTER 9 we need 10 votes and 10 comments bago ako mag update! thank youuuy
BINABASA MO ANG
Breaking the Golden Rule
FanfictionSlow Update due to busyness of the Author. use #LSDeVeraStories in all social media platforms.
