Chapter 12: Truth or Dare

507 43 25
                                        

    Kasalukuyan kami ngayong nakasakay sa isang bangka papuntang kabilang isla. Hindi kami masyadong nag-iingay dahil kasalukuyan silang nagvvlog para sa official YouTube channel nila. Lalo na't hindi pa naman kami napublic kaya hindi muna kami pwedeng ipakita sa mga videos nila.

    "Nicole." paglingon ako kay Josh nang marinig kong tinawag niya ang pangalan ko. Sumemyas siya na umusog ako sa kinauupuan ko kaya kahit naguguluhan ay sumunod nalang ako  Nagulat ako nang bigla siyang lumipat sa tabi ko.

    "Nag-eenjoy ka ba?" he ask na siyang tinanguan ko naman. Nagulat ako nang hawiin niya yung buhok ko na kasalukuyan ngayong nililipad dahil sa lakas ng hangin.

    "Bakit ka lumipat dito Ssob? Di ba nagvvlog kayo?" tanong ko na siyang nginitian niya.

    "Hayaan mo sila, kaya na nila yan matatanda na sila." tatawa-tawang aniya.

    "Sino kaya pinakamatanda sainyo?" buwelta ko na siyang kinanguso niya haha hayup tanggal angas niya dun!

    "Nicole takot ka ba sa heights?" bigla niyang tanong na siyang kinakunot ng noo ko.

    "Ha? Hindi naman. Gusto ko nga matry na magcliff diving mamaya." excited na sabi ko. Kita ko siyang tumango-tango at tumingin sa malayo.

    "Gusto ko din sana itry yun, kaso natatakot ako sa heights." aniya na siyang bahagya kong tinawanan.

    "Edi samahan kita mamaya. Sabay tayong tumalon. Para maovercome mo din yung fear mo." gulat siyang lumingon sa akin.

    "Sure ka? Sasamahan mo ako?" tanong niya na siyang tinanguan ko. Kinuha ko yung kamay niya at pinagsakop ito sa kamay ko.

    "Hindi kita bibitawan mamaya." sabi ko at sinubukan kong bawiin ang kamay ko. Pero nagulat ako nang higpitan ni Josh ang hawak dito at ayaw nang bitawan pa.

    "Ngayon palang huwag mo na akong bitawan please?" sabi niya daretso sa mga mata ako. Hindi ko alam pero sobrang laaks ng kabog ng puso ko. Para skong mababaliw dahil sa mga tingin niya. Slbrang ganda talaga ng mata ni Josh lalo na sa malapitan.

    "O-Okay." utal na sabi ko at umiwas na ng tingin sa kaniya. Pero dahil sa ginawa kong pag-iwas ay dumapo ang tingin ko kay Ken ngayon ay walang emosyong nakatingin sa kamay namin ni Josh.

    Hindi ko alam kung babawiin ko yung kamay ko o hindi. Para akong naiipit sa dalawang bato ngayon. Pero bakit naman magseselos si Ken sa amin ni Josh e wala naman sila parehong gusto sa akin di'ba? Josh is just trying to be friends with me right?

    Tulad nga ng sabi ni Josh ay hanggang sa makakababa kami ng bangka ay magkahawak ang kamay naming dalawa. Tinutukso na kami nila Stell at iba pa naming kasama pero hindi yun pansin ni Josh. He just holding my hands as if isa akong bata na anytime pwedeng mawala.

    "Daddy Josh can you hold my hands too." parang batang ani Stell habang inaasar si Josh.

    "Humanap ka ng pwedeng ka-holding hands dun. Wag ako." ani Josh at tatawa-tawa pa niyang nilingon si Stell.

    Dahil nga sa magkahawak ang kamay naming dalawa at bibihirang itapat kay Josh yung camera. Minsan nga ay kahit itapat sa kaniya ay sinasadya lang nila na hindi ako hagipin sa cam pero magkahawak pa rin ang kamay namin.

    "Girl di pa ba namamawis yang kamay mo? Sobra na paghawak mo sa bias ko." ani Seana na siyang kinatawa naman ni Josh.

    "Nagtatampo ka na Seana?" tanong ni Josh pero inirapan lang siya nito.

    "Ewan ko sa'yo Ssob pinagseselos mo ako." banat ni Seana pero tinawanan lang siya nito.

    "Sobrang ganda naman ng paligid." papuri ko habang nililibot ang paligid. Sobrang gaganda ng mga rock formations. To think na hindi gawa ng tao yan ha. Sobrang galing lang talaga ni Lord. Nakakarefesh ng utak yung tanawin grabe.

Breaking the Golden RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon