"Congrats!" masayang bati ni Stell sa akin at ginulo ang buhok ko. Agad naman akong yumuko at nagpasalamat sa kaniya.
"Hindi ko ineexpect na makakapasok ako kuya Stell." sabi ko na siyang kinakunot ng noo niya. "B-Bakit?"
"Bakit mo ako kinukuya? Stell lang." aniya na siyang tinanguan ko. Tumingin naman ako sa paligid at nakita kong nakikipagkwentuhan ang ibang members sa mga kasama ko.
Napatingin ako sa dako ni Jhaq at Pinuno na parang may seryosong pinag-uusapan. Hindi ko maiwasang mapatanong tuloy kay Stell since parang kilala naman niya si Jhaq.
"S-Stell." Nahihiyang tawag ko. Napalingon naman siya agad sa akin. "Kilala niyo pala si Jhaq?" tumingin siya sa direksyon nina Jhaq at bahagya siyang tumango.
"Ang totoo ay mas kilala siya ni Ken." hindi ko alam pero nakaramdam ako ng konting selos. Oo. Nagseselos ako pero konti lang naman. Alam mo yun, yung para bang kapag shiniship yung crush mo sa iba. Ganun!
Sobrang crush ko kasi talaga si Nek.
"Huy, ayos ka lang?" napalingon ako kay Stell. Hindi ko napansin na nakasimangot na pala ako habang nakatitig kay Jhaq.
"Y-Yeah ayos lang. Kuha lang ako ng tubig." agad akong pumunta sa may water depenser para maiwasan ko si Stell. Nakakahiya yung reaksyon ko kanina. Para tuloy akong possesive na fan sa ginawa ko.
"Congrats." para akong nabato nang marinig ko ang boses ni Ken mula sa likod ko. Agad akong napalingon at ganoon nalang ang gulat ko nang sobrang lapit lang pala niya sa akin.
"S-Salamat." parang gusto kong sumigaw dahil sobrang lakas ng tibok nito ngayon. Gagi umayos ka Nicole. Huwag mo naman ipahiya ang sarili mo sa harap ni Ken.
"Bakit hindi mo sinabing ikaw pala yung babae--"
"Hala Ken saglit lang natatae nga pala ako. Dyan ka na!" sabi ko sabay takbo palabas. Pero teka? Ano nga ulit yung dinahilan ko?
Halos mapahandusay ako sa sahig nang marealize ko kung ano yung dinahilan ko kay Ken. Gagi! Bakit ko sinabing natatae ako sa harap ni Ken Suson? Baliw ba ako? Shunga? Ahh! nakakainis!
--
Kinakabahan kong buksan yung pinto dahil natatakot ako na baka nasa loob pa ang SB19. Nahihiya talaga ako sa nangyari kanina. Bakit ko kasi sinabi yun?
"Gurl saan ka galing? Kanina pa umalis ang SB." ani Cyrille na siyang kinaluwag ng paaghinga ko. Pwe, buti naman at wala na sila.
"Eh si sir Kevin nasaan na?" tanong ko at umupo na sa upuan ko kanina.
"Ah, kinuha lang niya yung contract natin at orientation na din natin ngayon." gulat naman akong panalingon kay ate Cassy.
"Weh? Bakit parang ang bilis naman?" tanong ko na siyang kibitbalikat niya akong tinugunan.
"Girls." napalingon kaming lima sa may pinto at doon ay pumasok si sir Kevs na dala-dala yung mga papers n kinuha niya. Shemay! Ito na yun! Legal na legal na yung pagiging trainee namin.
"Okay girls, please read the contract bago kayo pumirma. Intindihin niyo ang bawat clauses at kung may tanong kayo ay feel free to ask me." aniya habang inaabot niya sa amin yung kontrata namin. Mabilis ang mga pangyayare pero sino ba naman ang hihindi kung showbt na itong papasukan namin hindi ba?
"Hm? May boarding po kami?" gulat na sabi ni ate Cassy kaya agad kong hinanap yung sa kontrata at tama nga siya. May free boarding nga kami.
"Yes. Since daily ang magiging training ninyo mas maganda kung sa ShowBT boarding house kayo titira." ani sir Kevin.
"Excuse me sir." ani Cy kaya agad siyang nilingon ni sir Kevs. "Malapit lang po ba yung boarding namin sa boarding house ng SB19?" tanong niya habang humahagikhik ng tawa. Tatawa-tawa namang umiling si sir Kevs dahil sa tanong niya.
"Actually, magkatapat lang ang boarding ng trainees sa boarding ng boys." halos tumili kaming apat dahil sa isiping possible na everyday namin makita ang SB19. Heto na talaga yung naiimagine ko noon pa! Mangyayari na gosh! Excited akong magising sa umaga tapos masisilayan ko agad ang mukha ni Suson!
"Huwag kayo masyadong magsaya." ani sir Kevs na siyang kinahinto namin. ''Tignan niyo yung pinaka last part ng contract niyo."
Agad naman naming hinanap yung huling parte ng kontrata namin tulad ng sinabi ni sir Kevin.
"Don't break the Golden Rule as an Idol." sabay-sabay naming basa sa huling clause ng contract.
"Ano yung Golden Rule?" tanong ni Jhaq. Napalingon kaming lahaat sa kaniya dahil parang ito yung unang beses na nagtanong siya kay sir Kevin.
"Akala ko naman ay alam mo na yung Golden Rule." makahulugang ani sir Kevin na siyang kinaiwas ng tingin ni Jhaq.
"Golden Rule: Idols are not allowed to date most specially co-artist. Inshort, bawal kayong magjowa lalo na kung SB19 yung gusto niyong jowain." natatawang ani sir Kevs na siyang kinawindang namin.
Ano?! Paano na yung naimagine ko? Paano na yung feelings ko kay Suson? Hindi pwede to! huhu
"Ibig sabihin pati ang SB19, bawal magjowa?" tanong ni Seana na siyang tinanguan ni sir.
"Like what i've said, 'Idols' so it means pati SB19 ay hindi ligtas na rules na yan. Diba Jhaq?" ani sir Kevin na siyang kinakunot ng noo ko. Bakit ba lagi nalang niya pinapatamaan si Jhaq sa mga sinasabi niya? May hindi ba kami alam tungkol kay Jhaq?
--
"Akala ko ito na yung chance ko para mapalapit kay Josh huhu." ani Cyrille na siyang kinatawa namin.
"Ayan, harot pa. Magreasign ka na habang maaga pa." pambabara naman ni Seana sa kaniya.
"Bakit hindi ikaw ang magreasign, ang hirap nung naging audition antin tapos gusto mo akong umalis." asar na ani Cy sa kaniya.
"Kaya pala laging sinabi ni Stell na ang A'TIN ang jowa nila kasi bawal pala talaga sa kanila." ani ate Cassy. Hindi ko talaga maiwasang madismaya sa Golden Rule na yan! Konti nalang eh!
"Pero kung tutuusin tama lang pala yung Golden Rule no? Kasi imaginin niyo nalang yung mararamdaman nung mga fans nila na sobrang gustong-gusto sila tapos malalaman lang nila na may Jowa naman pala silang iba." ani Seana. Sabagay may punto naman siya sa sinabi niyang yun.
"Hoy walking red flag yung mga fans na ganun. Kung fan talaga sila ng SB19 okay lang sa kanila na magkaroon ng jowa si Josh lalo na kung ako yun." ani Cyrille na siyang tinaasan namin ng kilay.
"Aray naman!" asar na ani Cy nang bahagya siyang sinabunutan ni Seana.
"Gagi ikaw yung red flag kung ganyan yung mindset mo."
"Hay nako tumigil na nga kayong dalawa. Nandiyan yang rule na yan for a purpose." ani ate Cassy at pumara na ng jeep. "Kita-kita nalang tayo bukas ha. Magdala kayo ng chips para may snacks tayo sa boarding."
"Takaw." natatawang sabi ko na siyang tinawanan niya rin at nagpaalam na sa amin. Isa-isa naman na kaming naghiwahiwalay.
Dahil nga ito na yung last day namin na may free time pa kami ay pumunta muna ako sa mall. Pupuntahan ko ulit yung poster ni Ken. Hindi pa rin ako makapaniwala na makikita ko na sila araw-araw.
Pero nang malapit na ako sa may poster ni Ken ay natigilan ako nang makita ko si Jhaq na nakatayo sa tapat niyon. Ano kayang ginagawa ni Jhaq dito?
BINABASA MO ANG
Breaking the Golden Rule
FanfictionSlow Update due to busyness of the Author. use #LSDeVeraStories in all social media platforms.