Chapter 3: Busina

452 16 2
                                    

    Hindi ko alam kung maiihi ako o ano dahil sa tatlong daang auditionees kanina ay sampo nalang kaming natira. At sasabi kong ang gagaling nilang lahat. Lalo na si Jhaq! Siya nga pala yung si Putok labi kanina.

    Grabe sobrang competative niya dahil sobrang seryoso niya. Halos kaibigan ko na nga yung ibang auditionees lalo na't maghapon na kami magkakasama, pero ang tibay ng mukha niya men! Hindi naman lang kami kinakausap kahit pa kausapin namin siya.

    "Ang sungit naman niyang si Jhaq, laki siguro ng problema niyan sa mundo." tatawa-tawang ani Cassy na siyang tinawanan ko.

    "Uy grabe ka naman te, baka marinig ka n'yan." sabi ko at kunwari ay busy sa pagkalikot sa cellphone ko.

    "Bakit? Totoo naman eh. Kung tayo-tayo din naman ang magkakasama sa grupo, hindi magandang attitude 'yang pinapakita niya." taas kilay na aniya. Nagulat ako nang lingunin kami ni Jhaq at pinaningkitan ng mata.

    "Kung pag-uusapan niyo ako ay siguraduhin niyong hindi ko kayo naririnig. tch." aniya at sinalpak yung headset niya.

    "Ikaw kasi ate Cassy eh." sabi ko pero tinaasan lang siya ng kilay ni Cassy.

    "Girls!" napalingon kaming lahat kay sir Kevin na ngayon ay may hawak na list. Kinabahan ako bigla dahil baka magtanggal na naman sila ng mga auditionees at isa ako sa maalis.

    "I want you to know na bukas na natin itutuloy ang audition na ito, and I want to congratulate everyone dahil magaling ang ipinakita niyo ngayon. Rest well and see you tomorrow!" tila nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niyang iyon.

    "Grabe kinabahan ako!" sabi ko kay ate Cassy na ngayon ay kasalukuyang inaayos ang gamit niya.

    "Bakit ka naman kinakabahan? Ang galing mo kaya." ani Cyrille na isa din sa mga naging kaibigan ko nagyong araw.

    "Hoy hindi naman." nahihiyang sabi ko. Sa totoo lang ay wala akong confidence sa sarili ko. Naglakas loob lang talaga ako ngayong mag-audition and luckily natanggap pa ako sa top 10!

    "Sus pahumble ka pa girl! Sarap mong tirisin." ani Seana na siyang kinatawa namin dalawa ni ate Cassy.

    "Tch." napalingon kaming apat kay Jhaq na ngayon ay palabas na ng pinto.

    "Uuwi ka na?" habol na tanong ko pero walang emosyon niya kaming nilingon.

    "Obvious ba?" masungit na aniya at lumabas na ng pinto.

    "Pinaglihi siguro sa sama ng loob ang babaeng 'yun." ani Seana na siyang kinatawa namin.

    Sabay-sabay na kaming lumabas nina ate Cassy, Seana at Cyrille. Nakakatuwa lang na nagkaroon agad ako ng kaibigan sa audition na ito and hopefully, kung hindi man ako mapili ay kahit silang tatlo nalang masaya na ako dun.

    "What if tayong apat pala yung makuha ng showbt no? Tapos hala lagi na nating makakasama ang SB19!" animoy kinikilig na ani Cyrille. Bahagya namang hinila ni Seana ang buhok nito na siyang kinasimangot niya.

    "Ikaw talaga, hindi ko alam kung ang-audition ka ba dito dahil deam mong maging Idol o dahil dream mong makasama ang SB19." ani Seana na iiling-iling naming tinawanan ni ate Cassy.

    "Pwedeng both?" hirit na ni Cy kaya lalong nanlisik ang mata ni Seana. Agad naman nagpeace sign si Cy.

    "Pero partly, realtalk naman yung sinabi ni Cy. Maging ako naman mas ginusto kong ipursue yung music dahil sa SB19." ani ate Cassy na siyang tinanguan ko. Sa totoo lang ay maging ako naman ay ganun. Sobrang encouraging naman kasi ng music ng SB19. Yung feeling na nakakahiyang tamarin sa buhay dahil sa mga pinagdaanan nila sa buhay.

    "Oh ate Cassy na yan ha. Baka aangal ka pa." ani Cy na siyang kinatawa namin ni ate Cassy.

    "Ate naman kasi eh sumang-ayon ka pa." habang nakukulitan kami sa daan ay nagulat kami nang may kung sino ang bumusina sa amin.

    "Ano ba 'yan makabusina naman ito." sabi ni Seana at kunot noong nakatingin sa sasakyan. Hinintay naming bumaba ang bintana and shocks! Halos hindi kami makapagsalitang lahat.

    "J-Josh?!" ani Seana. Hindi ko maiwasang matawa dahil biglang nagbago yung timpla niya. Akala ko bang galit siya kanina?

    "Sorry girls, medyo tumabi kayo sa daan dahil baka mahagip kayo ng mga sasakyan." nakangiting aniya. Grabe naman yung visuals be! Sobranf grapo. Lalo na yung mata niya. Para kang hihimatayin kapag tinitigan ka. "Lalo ka na." nagulat ako nang lingunin niya ako.

    "A-Ako?" gulat na tanong ko.

    "Ikaw kasi yung nasa dulo kanaina kaya naalarma ako na baka mapano kayo. Lalo na't nakita ko kayong lumabas sa showbt new trainees kayo?" tanong niya na siyang tinanguan naming apat. Grabe naman yung concern ng isang Josh Cullen Santos. Akala ko bang si Stell lang ang pafall sa grupo?

    "Dre ano ba, tara na." nagulat ako nang marinig ko ang boses ni Ken. Otomatikong kumabog ng husto ang puso ko at hinanap ng mata ko si Ken sa loob ng sasakyan.

    "Atat ka naman makauwi tch." ani Josh sabay tingin sa amin.

    "Hoy Ssob si Ken ba yun?" ani Cy na siyang bahagyang tinawanan ni Ssob. Sumenyas siya na huwag maingay dahil natutulog si Ken sa likod kaya matik na napatikom ang bibig naming apat.

    The moment na makumpirma ko na si Ken yun ay parang sasabog ang puso ko. Bigla ko kasing naalala yung kiss namin kahapon. Gagi para akong hihimatayin.

    Hanggang sa makaalis sina Ssob ay hindi pa rin humuhupa yung kabog ng puso ko. Ngayon ko lang din kasi narealize na nasa iisang building nga lang pala kami ng SB19 kanina at anytime ay pwedeng magkrus ang mga landas namin.

    "Ayos ka lang Nicole? Namumula ka?" nag-aalalang ani ate Cassy. Agad ko namang inayos ang sarili ko at umiling.

    "A-Ayos lang ako ate." sabi ko na siyang tinanguan niya.

    "Sayang wala si Jah, siya pa naman din ang bias ko." ani ate Cassy.

    "Ay akala ko si Pablo ang bias mo ate." ani Cy na siyang inilingan ni ate Cassy.

    "Bias wrecker ko si Pau. Pero sobrang ina-idolize ko si Jah dahil sa ang positive ng aura niya and take note, si Jah lang ang nakagawa ng pinagsabay ang studies at pag-aaral niya during that time." ani ate na siyang hagalpak na tawa naming tatlo.

    "Hmm, dito na ako sasakay mga dre. See you bukas!" sabi ni Seana at pumara na ng jeep. Nagpaalam na naman kami sa isa't-isa.

    Sana maging okay kami bukas.

Breaking the Golden RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon