Chapter 21: With You

525 49 15
                                        

    "Do you like it?" tanong ni Ken sa akin habang pinapanood akong lantakan yung pizza na in-order niya online.

    "Yes, masarap po." sabi ko naman habang sarap na sarap sa kinakain. Hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwala na boyfriend ko na ang isang Ken Suson! Hayp na yan.

    "Hindi ako marunong magluto katulad ni Stell pero may pera naman akong pambili kaya okay na yun." aniya na siyang kinatawa ko.

    "Yabang ah. Edi ikaw na ang CEO." natatawang sabi ko. Tumabi naman siya sa akin sa may sofa at pinalupot ang sarili sa akin.

    "I love you Tangi." aniya na siyang kinagulat ko. Hindi ko alam kung ano ang iaakto ko dahil ito ang unang beses na sinabi niyang mahal niya ako.

    "Thank you?" nahihiyang sabi ko. Natigilan ako nang bigla niyang binawi ang sarili niya at kunot noo niya akong nilingon.

    "Thank you? Anong thank you?" aniya habang pinandidilatan ako ng mata. Hindi ko alam kung matatakot ba ako o matatawa dahil sa kakyutan niya.

    "Bakit kasi nang gugulat ka Tangi." sabi ko at muling lumantak ng pizza. Napanguso ako nang takpan niya yung pizza at bahagya pa itong nilayo sa akin. "Ken kumakain ako." nakangusong sabi ko.

    "Pizza o ako?" natigilan ako at hindi ko mapigilang matawa. Hayp na yan pati ba naman sa pizza?

    "Syempre... pizza." sabi ko sabay bawi ng pizza sa kanya. Napamaang siya ng bibig at disappointed na nakatingin sa akin. Hindi ko siya pinansin at kumain lang.

    Hindi naman na kailangan papipiliin pa ako kung ano ang pipiliin ko kasi siya at siya lang naman lagi ang gusto ko. Pero syempre hindi pwedeng magpahalatang masyado tayong patay na patay sa kaniya. Baka lalong yumabang haha.

    Tumayo siya at kinuha yung gitara. Umupo siya sa may coffee table katabi ng pizza.

    "Kaya ka bang haranahin niyang pizza mo?" taas kilay niyang sabi na siyang kinatawa ko. Pati ba naman sa pizza nakikipagbardagulan itong lalaking ito?

    He started strumming his guitar. Hindi ko maiwasang mapatitig sa kaniya. Bakit nga ba nakakagwapo sa lalaki yung magaling sa instrumento? Lalo na Ken Suson na to ha.

    Hirap kong pigilan ang ngiti ko habang tumutugtog siya ng gitara niya. Doon ko napagtanto kung ano ang kakantahin niya. Parang kahapon lang ay imagination ko lang lahat ng ito. Pero ngayon?

    "Oh, ey

    You don't know, babe

    When you hold me

    And kiss me slowly

    It's the sweetest thing." seryoso siyang tumutugtog ng gitara niya. Nagulat ako nang bigla niyang iangat ang paningin niya sa akin.

    "And it don't change

    If I had it my way

    You would know that you are." I don't know what happen pero parang pakiramdam ko ay lumabo ang lahat sa paligid namin. Alam mo yung parang sa kanya lang naka-focus yung paningin ko ngayon. Yung katulad sa kamera na naging blur lahat ng bagay.

    "You're the coffee that I need in the morning

    You're my sunshine in the rain when it's pouring

    Won't you give yourself to me

    Give it all, oh

    I just wanna see

    I just wanna see how beautiful you are

    You know that I see it

    I know you're a star." tinigil niya ang pagstrum ng gitara at inabot yung kamay ko.

Breaking the Golden RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon