Chapter 24: Spotted

337 58 9
                                    

    "Ayos ka lang?" tanong ni Josh nang mapansing natigilan ang dalaga. Agad na umiwas si Nicole ng tingin sa binata at umakto pang naiinitan.

    "Grabe ang init ng panahon ngayon no? T-Tara na?" ani Nicole na siyang kinakunot ng noo ni Josh. Kahit pa nawiwirduhan ay sumunod nalang ang binata at pumasok na sila ng Enchanted.

    Since  nakadisguise ang dalawa ay madali lang silang nakapasok ng amusement park.
Manghang-mangha ang dalaga sa mga rides at halata mong masaya siya sa oras na yun.

    "Josh, sakay tayo dun oh." turo ni Nicole sa Flying Fiesta habang hila-hila ang binata. Napapailing nalang si Josh pero hinayaan lang si Nicole na hilain siya papalapit sa rides.

    "Siguro ka bang yan yung unang rides natin? Pwede naman dun tayo muna s carousel." ani Josh na siyang nginiwian ng dalaga.

    "Pambata yun." aniya na siyang kinatawa ng binata.

    "Romantic kaya yun." sagot naman ni Josh na lalong nginiwian ni Nicole.

    "Romantic kung si Ken ang kasama ko." pambabasag nito na siyang inirapan ni Josh.

    "Hindi naman masakit no." ani Josh na kunwari ay nagtatampo pa.

    "Hehe sorry na pero totoo naman kasi. Kailan kaya ako maalala ni Tangi?" malungkot na ani Nicole. Agad naman siyang tinapik ni Josh at hinila na sa pila ang dalaga.

    "Kaya kita dinala dito para magsaya. Kalimutan mo muna yang problema mo at mag-enjoy ka." ganun nga ang ginawa ni Nicole. Halos buong oras na kasama niya si Josh ay wala siyang ginawa kundi ang tumawa, magpakasaya. Sa maikling sandali ay hindi na muna niya inisip nag sitwasyon nila ni Ken. Kung ano na ang mangyayari sa relasyon nila at sa career nila kung sakali mang malantad ang katotohanan.

    --
    "Ken magfocus ka." sita ni Pablo dahil halata mong wala sa sarili si Ken habang nagttraining ang mga ito.

    "Sorry." tipid na anang binata at inulit yung step. Pero dahil okopado ang isip ay hindi niya magawa ng tama ang dapat gawin.

    "Break muna." ani Pablo at umupo sa gilid. Kinuha naman ni Ken ang binpo sa tabi at pinunasan ang butil-butil niyang pawis dahil sa kakasayaw.

    "May problema ba dre?" tanong ni Stell at tumabi kay Ken. Bumuntong hininga naman ang binata. Maging siya kasi ay hindi niya maunawaan ang sarili. May kung ano sa kaniya ang parang kulang.

    "Di'ba sabi niyo may amnesia ako?" ani Ken na siyang kinakunot ng noo ni Stell. Pero dahil mukhang seryoso ang kaibigan ay unti-unti itong tumango.

    "So may mga bagay talaga akong nakalimutan at tanging naalala ko lang is yung nakaraan ko?" tanong niya na siyang tinanguan ni Stell.

    "Alam mo dre, halos lahat naman naalala mo eh, isang tao lang talaga ang di mo maalala." nangunot ang noo ng binata sa sinabi ng kaibigan.

    "Sino ba? Ramdam ko din naman na may kulang eh, na may mali. Pero hindi ko talaga maalala." anang binata na bahagya tinawanan ni Stell.

    "Malamang, kaya nga amnesia eh. May amnesia ba na naaalala mo lahat?" pilosopong anang binata kaya bahagya siyang hinampas ni Ken.

    "Di ka nakakatulong." inis na aniya. Sumeryoso naman ang mukha ni Stell at tumingin daretso kay Ken.

    "Hindi ako ang dapat magsabi kung sino ang nakalimutan mo kundi yang puso mo. Matagal ka din hinintay nun tas di mo man lang siya maalala?" ani Stell at tumayo na upang lapitan naman si Pablo na ngayon ay busy sa pagkalikot sa laptop. Marahil ay may inaayos na naman itong panibagong kanta.

Breaking the Golden RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon