"Five, four, three, two, on- ano ba!" asar na anas ko sa sarili habang inaaral yung dance step na tinuro sa amin kanina. Napatingin ako kina ate Cassy na ngayon ay abala din sa pagpapractice.
Paano kaya ito? Ilang minuto nalang at malapit na kaming sumalang pero until now ay hirap na hirap pa rin ako sa step na yun.
"Mali kasi yung position ng paa mo kaya ka nagkakamali." napalingon ako at laking gulat ko nang si Jhaq pala ito. Medyo napaatras ako nang lumapit siya sa akin at pinakita niya yung tamang position ng paa habang ginagawa yung step. Hindi ko maiwasang mamangha dahil ang galing niya talagang sumayaw.
Alam yung bawat galaw niya parang may pitik. Ganun!
"Salamat." sinserong sabi ko pero hindi man lang niya ako kinibo at umupo na siya sa isang sulok. Kahit hindi siya mag-effort tulad ko ay paniguradong makukuha siya.
--
"Times up! Lets go girls." ani sir Kevin at tumayo na sa gitna. Agad naman kaming pumwesto sa harapan niya at tuwid na nakatayo.
"Okay girls, I have special announcement." aniya na siyang kinakaba ko. Ewan ko pero the moment na sinabi niyang announcement ay kumabog ng husto ang puso ko.
"After this dance routine ay pipili na tayo ng top 5 natin. Alam kong mabilis lang ang naging audition natin pero this will serve the first step sa dreams ninyo--" natigilan si sir Kevin nang bumukas ang pinto. "Nandiyan na sila?" tanong niya doon sa babaeng sumilip. Agad naman itong tumango.
"And one more thing girls, may mga makakasama ako na pumili ng top 5 sainyo." agad kaming napalingon sa pinto nang niluwa nito si Pinuno. Gulat kaming lahat nang isa-isang pumasok ang SB19 dito sa studio.
"Oh my! Yung bias ko!" ani Cyrille habang nakatingin kay Pablo.
"Hala si Jahjah ko." ani ate Cassy habang sinusundan ng tingin si Jah. Lahat lahat sila ay nagkakagulo maliban sa amin ni Jhaq na nakatayo lang sa pwesto namin.
Hindi siya apektado sa presensya ng SB19?
"Uyy! Nandito ka rin pala." nagulat ako nang lapitan ako ni Stell at hinawakan ako sa braso na animo'y sobrang close namin. Kunot noo naman lumingon si Ken sa aming dalawa.
"H-Hello." utal na sabi ko at marahang tinanggal yung kmaay niya sa braso ko. "N-Naaalala mo pa ako?" utal pero gulat na tanong ko. Marahan naman siyang tumawa at ginulo yung buhok ko.
"Ofcourse. Di ba ikaw yung girl na kausap ni Ken nung isang araw." agad akong napalingon kay Ken at laking gulat ko nang nakatingin pala siya sa akin. Tuloy ay agad kong binawi ang tingin ko at tumingin nalang ako kay Stell.
"Hi Jhaq!" agad na ani Stell at lumapit naman ngayon kay Jhaq. So magkakilala sila ni Stell? Pero paano kaya?
"Uy loka ka! Ba't di mo sinabi sa'min na kilala ka na pala ni Stell at Ken? At ano yung pag-uusap na sinasabi ni Stell?" sunod-sunod na tanong ni Seana.
"W-Wala yun." sagot ko at umiwas ng tingin sa kanila. Sigurado kasi ako na namumula na naman ako dahil naalala ko na naman yung kiss namin ni Ken. Pero nakakainis lang kasi hindi man lang niya ako maalala, samantalang itong si Stell ay kilalang-kilala pa ako.
Hindi naman nagtagal ang kamustahan at maikling kwentuhan namin sa SB19 dahil may hinahabol pa daw silang oras. Mabilis naman natapos ang bawat isa lalo na't sunod-sunod naman na kaming nagperform.
"Ay sampo ba yun? Parang nabitin kami." ani Pablo na siyang kinatawa naming lahat.
"Ayan si Jah nalang daw sasayaw." ani Josh na siya namang sinamaan ng tingin ni Jah.
"Bakit hindi ikaw? Dinadamay mo pa ako." ani Jah na siya namang nginiwian ni Josh. Kahit pala off cam ay ganito magbardagulan ang dalawang ito.
"So, tulad nga ng sinabi ni Kevin kanina. Pipili na kami ng top 5 na magpapatuloy sa training na ito. At sa mga hindi naman mapipili, huwag kayong mawalan ng pag-asa." mahabang saad ni Stell sa aming lahat. Napayakap ako kay ate Cassy dahil ngayon palang na iniisip kong hindi ako makukuha ay nalulungkot na ako.
"Guys, just to clarify. Lahat kayo ay magagaling ha." ani Josh sabay tingin sa akin. Hindi ko alam kung tumingin ba talaga siya o nagkataon lang. hays kinakabahan talaga ako.
Isa-isa nang tinawag yung mga matatanggal at dzai! Bawat pangalan na tinatawag ay halos hinatayin ako dahil pakiramdam ko ay anytime pwede akong maalis!
"Ano? Itutuloy na ba namin yung huling tatawagin namin? Parang hihimatayin na to oh." ani sir Kevin habang tinuturo ako. Nagtawanan naman sina Seana sabay tapik ng balikat ko.
"Sige na sir, pinapahaba mo pa yung kaba namin eh." saad naman ni Cyrille na siyang tinawanan nila Pinuno.
"Sige ang tatawawin ko ay siya ang maalis sa grupo. So technically, kapag hindi natawag ang pangalan ninyo it means kayo ang top five." ani sir Kevin habang nakatingin sa list. Sobrang nanlalamig na yung kamay ko dahil sa kabang nararamdaman ko. Dagdag mo pa yung mga tingin ni Suson!
Oo dzai! Nakatingin si Ken sa akin kanina pa. Simula noong nalaman niyang ako yung babaeng nakausap niya nung isang araw ay hindi na ako nilubayan ng mga tingin niya. At hindi lang basta-basta tingin ha! Titig be! Titig!
"Ang maalis ay si..." ayan na! Ready na akong maalis. "Sure ba kayo na sasabihin ko na?" parang nahulog ang balikat ko dahil sa pambibitin niya sa amin.
"Sir naman eh!" ani Seana na siyang kinatawa ng lahat. Hayup! Kinakabahan talaga ako.
"Heto na, heto na." aniya habang nagpipigil ng tawa. Napapikit ako habang hinihintay na matawag ang pangalan ko.
"Ang maalis ay si..."
"Sure na kayo ha?" napamulat ako at nakangiwing tinignan si Stell. Sakto naman na nakatingin din pala ito sa akin kaya tumawa siya ng malakas. Hayup na yan.
"Kaya mo pa? Medic gusto mo?" tatawa-taang tanong niya sa akin.
"Kung may sakit ako sa puso, paniguradong hinatake na ako." sabi ko na kinatawa nilang llahat maliban kay Ken at Jhaq na kanina pa tahimik sa kinauupuan nila.
"Si Camille Soriano yung naalis." ani Pinuno habang nakadungaw sa listahan ni sir Kevin. Nakatulala lang ako kay Pinuno samantalang nagyayakapan na yung ibang kasama ko.
"Hala, kj sinabi agad." ani sir Kevin na siyang kinatawa ni Pinuno.
"Pinapatagal mo pa kasi kinakabahan na nga yung isa oh." aniya at nginuso pa ako.
Pero t-teka? Kung si Camille yung naalis. Ibig sabihin...
"AHHH! PASOK AKO?!" hindi ko makapaniwalang sigaw. Agad akong niyakap ni ate Cassy.
"Pasok tayong apat!" mangiyak-ngiyak na sabi niya.
BINABASA MO ANG
Breaking the Golden Rule
FanfictionSlow Update due to busyness of the Author. use #LSDeVeraStories in all social media platforms.
