Today is the day kung saan magkakaroon kami ng pre-debut live. We don't have official announcement about our group name yet pero nakakatuwa lang na ang dami nang sumusuporta sa amin.
"Kinakabahan ako." sabi ko habang tumatalon-talon para mawala ng kaunti yung kaba ko.
"Huwag kang kabahan. Ako nga dapat kasi ako yung madalas na magsasalita." ani Jhaq na siyang kinatawa ko. Oo nga pala, since malapit na yung debut namin ay may kani-kaniyang group position na kami.
Seana is our lead rapper, Cyrille is our lead dancer, si ate Cassy is our main vocalist and Jhaq will be our main dancer and our leader as well. Kung tatanungin niyo naman ako kung ano ang ambag ko sa grupo, wala. Ganda lang talaga ang ambag ko char. Ako yung main dancer, sub-vocalist ng grupo.
"Gagi kinakabahan din ako." ani Cy
"Let's go girls, position na kayo. We're going live within 3 mins." ani sir Kevs at inasikaso yung script na sasabihin namin mamaya.
Pumwesto na kaming lima sa harap ng kamera. Since nakabukas ang pinto ng studio namin ay makikita mo kung sino-sino ang mga dumadaan.
Napalingon ako sa labas nang mapansin kong may nakatayo sa may pinto. Daretso itong nakatingin sa akin at kinindatan pa ako.
"Ang harot mo." sabi ko sa hangin habang natatawang nakatingin sa kanya.
"Oh sir Ken nandiyan ka pala." ani sir Kevin ay nilapitan si Ken na ngayon ay nakasandal lang sa may pinto.
"Ah napadaan lang ako. Goodluck girls." aniya pero nasa akin pa rin ang tingin. Hindi ko maiwasang pamulahanan dahil sa inaasta niya. Alam mo yung feeling na kinakabahan ako kasi alam kong naka monitor na sila ngayon kay Ken dahil doon sa issue, pero it seems like he doesn't bother at all.
Nag-usap pa sila ng kaunti at bumalik din agad si sir Kevin dahil mag-uumpisa na yung live. Halos magyelo na yata ang kamay ko dahil sa lamig nito. Bakit ba kasi napakalakas ng aircon ngayon? hayup na yan!
"We are now live in 3, 2, 1." ani sir Kevin at sumemyas na na nag-uumpisa na yung live. Since may phone naman na maka-connect sa may tv sa harap namin ay nakikita namin yung mga comments at kung ilan yung nanonood.
Lalo akong kinabahan nang makita kung gaano karami yung viewers kaya naman tahimik lang ako sa gilid habang sila ay nag-uusap-usap na.
"Hi guys! We are so happy na finally nakaka-usap na namin kayo kahit sa live lang muna." pangunguna ni Jhaq na siya namang sinundan ni ate Cassy.
"Yes at sobrang nagpapasalamat po kami sa lahat ng suporta, sa mga nilalabas naming teasers, concept photos, and even sa hashtag namin sa Twitter grabe yung support ninyo." tumingin silang lahat sa akin bilang hudyat na ako naman yung magsasalita. Pero anong sasabihin ko? Bigla akong nablanko! huhu
"Nicole may sasabihin ka ba?" ani Jhaq pero nakatingin lang ako sa kanya. Bigla akong nagpanic pero mabuti nalang at napalingon ako ulit sa may pinto at nakita kong nandun pa rin si Ken.
Sumenyas siyang kumalma lang ako at huminga ng malalim na siya namang ginawa ko. Pinikit ko saglit ang mata ko at himinga ng malalim.
"Yeah, since malapit na nga ang debut namin ay syempre irereveal namin ngayon yung group name namin." daretsong sabi ko na siyang kinangiti ni Ken. Marahil ay natywa siya dahil effective sa akin yung sinenyas niya.
"Ay ngayon ba natin irereveal yung group name natin?" kunwaring tanong ni Seana na siyang kinatawa ko.
"Oo naman, paano tayo magde-debut kung wala tayong pangalan diba? Hindi naman pwedeng ShowBT trainees yung group name natin." sabi ko na siyang tinanguan nila.
"So paano nga ba natin irereveal yung group name natin Jhaq?" tanong ni Cyrille. Tumingin naman si Jhaq kina sir Kevin to confirm if ready na ba yung pag-reveal namin ng name. Sumenyas naman agad sila na ready na kaya umayos ng upo si Jhaq at daretsong tumingin sa camera.
"ShowBT will be posting our official group name in 3, 2, 1!" with that signal ay sabay-sabay na nagpost sina sir Kevin ng official name namin sa lahat ng social media platforms. Nakakatuwa na makita yung mga comments nila at curious kung bakit ganun yung name namin.
"Sabi ni @_lsdevera_ Bakit po Hiyara yung group name niyo?" basa ni Cyrille sa isang comment.
"Bakit nga ba Hiraya?" ani Seana at tumingin kay Jhaq. Tumingin naman sa akin si Jhaq na para bang humihingi ng tulong para ipaliwanag yung name namin.
"Actually, ang nag-isip kasi talaga ng name ng group namin ay si Nicole. Diba?" ani Jhaq na siyang kinangiwi ko. Hayup pinasa talaga sakin yung pagpapaliwanag.
"Actually, Hiraya is an ancient Filipino word meaning the fruit of once hope, dream and aspiration. In short ibig sabihin ng Hiraya is 'sana'." sabi ko na siyang tinanguan naman ng iba naming kagrupo.
"So parang tinutukoy ng group name natin yung journey natin as a trainee?" kunwaring tanong ni ate Cassy.
"Exactly ate." sabi ko at umakbay pa sa kaniya dahil siya ang katabi ko sa sofa. "At alam niyo ba na ang salitang Hiraya ay kadalasang ginagamit from the popular phrase Hiraya Manawari which means 'may the wishes of your heart be granted'." paliwanag ko pa na siyang kinamaang ng bibig nila.
"Uy hindi mo nasabi sa'kin yan nung nag brainstorming tayo." ani Jhaq na siyang tinawanan ko.
"Ay hindi ko ba nasabi? Parang kanina ko lang din kasi niresearch yan." tatawa-tawang sabi ko.
Nagpatuloy pa ang mga usapan namin about sa debut namin and all. Nakakatuwa lang na sobrang active ng mga viewers namin to the point na nag-extend na kami ng oras para lang masagot ang lahat ng tanong nila about our group.
"Oh ito last question." ani Jhaq at itinaas pa yung phone. Umayos naman kami ng upo dahil sa totoo lang ay kanina ko pa gustong matapos ito. "May jowa na ba kayong lima?"
Hindi ko alam pero otomatikong napalingon ako sa may pinto. Nandun pa rin si Ken at nakatingin lang sa amin. Kinabahan ako biglang sumagot.
Pero teka? Bakit ako kinakabahan? Kami na ba ni Ken?
"Oh sinong unang sasagot?" tanong ni Jhaq at tumingin sa amin.
"Syempre wala akong jowa." confident na ani ate Cassy sa camera. Maging sina Seana at Cyrille ay ganun din ang tugon.
"Oh ikaw Nicole? May jowa ka ba?" tanong ni Jhaq na siyang pasimple kong sinamaan ng tingin. Tumawa naman siya dahil sa reaksyon ko. Dahan-dahan akong umiling bilang tugon na wala akong boyfriend.
Bukod sa hindi pa naman malinaw kung ano ang meron sa amin ni Ken ay bawal ko din naman sabihing may boyfriend ako dahil nga sa golden rule na yan.
"Oh wala daw jowa si Nicole. So sa mga fanboy d'yan available po silang apat." tatawa-tawang ani Jhaq na siyang kinamaang ng bibig naming apat.
"Hoy anong kami lang? Single ka din ah." ani Seana na siyang kinatawa naman ni Jhaq.
Habang abala ang iba sa pakikipagbagdagulan ay napalingon ako ulit sa may pinto. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o matatakot dahil sa tingin ni Ken sa akin.
Pero isa lang sigurado ko. Yare ako mamaya nito.
AUTHOR'S NOTE:
Hi guys. sorry for late update.
I'll make bawi nalang next week 😅
Target: 30 comments and 30 votes
BINABASA MO ANG
Breaking the Golden Rule
FanfictionSlow Update due to busyness of the Author. use #LSDeVeraStories in all social media platforms.
