Chapter 9: Breakfast

350 33 14
                                    

    Halos hindi ako nakatulog kagabi dahil bukod sa namamahay ako ay dumagdag pa yung weird incounter ni Ken at ni Jhaq.

    Ano ba kasi yung koneksyon nilang dalawa? Bakit sila natitigilan kapag nagkikita? Hayst! Nakakabaliw ang mag-isip sa totoo lang.

    Kasalukuyan ako ngayong nakaupo sa may upuan dito sa labas ng boarding. Dahil sa antok ay nakatulala lang ako. Wala akong pakielam kung gulo-gulo pa ang buhok ko at wala akong ayos.

    "Bakit parang puyat ka naman?" napalingon ako at laking gulat ko nang makita si Stell na nakasuot ng pulang jersey at halata mong kakagaling lang magjogging.

    "H-Huy goodmorning." nahihiyang bati ko at inayos yung buhok ko. Gagi nakakahiya.

    "Ang cute mo." natatawang ani Stell at nilapitan ako. Ewan ko pero be natutulala ako habang nagpupunas siya ng pawis. Alam mo yung parang nakikita mo sa tv na nagslowmo habang nagpupunas. Gagi! Ken patawarin mo ako!

    "What time kayo natulog ni Ken kagabi?" gulat akong napalingon sa kaniya at tinignan niya ako nang pang-asar.

    "P-Paano?" pinatong niya ang kamay niya sa ulo ko at ginulo ang kanina pang magulong buhok ko. Gusto ko lang naman magmuni-muni kanina pero heto naman si Stell at inaasar ako.

    "Alam mo naman, nakita kayo ni sizmars." aniya at tinutukoy si Josh na siyang kinatawa ko.

    "Sumbong kita kay Ssob. Ang angas nun tinatawag mong sizmars." tatawa-tawang sabi ko na siyang nginiwian niya.

    "As if naman natatakot ako dun." taas kilay na ani Stell pero ewan ko ha, ang pogi pa din kahit nakataas ang kilay kainis! delikado talaga ang pagiging sisiw ko sa mga ito.

    "Goodmorning—hayup anong ginagawa mo dito Stell?" agad kaming napalingon ni Stelle kay Seana na tulad ko ay gulo-gulo din ang buhok at may tuyong laway pa yata.

    "Naku, magiging idol na kayo soon kaya dapat lagi layong ready sa mga stolen shots. Yare kayo kapag nakita kayong ganyan, magiging memes kayo ng di oras." aniya na siyang kinatawa namin.

    "Teka lang Stell kumain ka na ba? Maaga pa naman so pwede pa naman akong magluto. Dito ka na kumain." sabi ko at agad na tumayo sa kinauupuan ko. Napahawak naman sa tyan niya at tatango-tangong sumang-ayon sa akin.

    "Siguraduhin mong masarap yan ha." aniya kaya bigla akong nakaramdam ng pressure. Oo nga pala! Magaling ito magluto.

    "Narinig ko na may magluluto. Makikikain ako." nagulat ako nang sumulpot sa likod ko si Josh at umakbay sa akin. Be! Pahingi ng oxygen! Di ako makahinga! Josh ano ba!

    "Tara pasok kayo. Si Nicole na bahala sa'tin." tatawa-tawang ani Seana.

    "Teka, sina Ken tawagin ko na din. Ako yung tagaluto dun kaya kawawa naman sila kung di sila makakain kasi nakikain kami ni Josh." ani Stell at mabilis na tumakbo papunta sa boarding nila. Samantalang naiwan naman ako mag-isa dito sa labas dahil pumasok na si Seana at Josh sa loob ng boarding namin.

    Tama ba yung ginawa ko na inalok ko si Stell? Gagi naman kasi ang lakas ng pakiramdam ni Josh huhu. Sana masarapan sila sa luto ko.

    --

    KINAKABAHAN ako habang hinahapag ang mga niluto ko sa harapan nilang lahat. Ito yung unang araw na kakain kami magkakasama nina ate Cassy tapos kasama pa namin ang buong SB19!

    Napalingon ako kay Ken na ngayon ay nakapikit pa rin kahit na nakaupo na siya sa hapag kainan. Napailing ako dahil alam ko kung gaano siya kahirap gisingin base sa mga vlogs nila noon.

    "Mukhang masarap ah." papuri ni Pinuno habang tinitignan isa-isa yungga niluto ko. Take note, hindi lang tingin kundi parang sinusuri niya isa-isa! Naalala ko bigla na mapili nga pala siya sa pagkain kaya nakakatuwa lang na nagustuhan niya yung presentation ng luto ko.

    "Mukha lang?" banat ni Jah na siyang nginiwian ni Pinuno. "Joke lang." bawi naman agad ni Justin na siyang kinatawa ni ate Cassy.

    "Ang cute mo talaga Bujah." papuri ni ate Cassy na siyang kinahiya ni Jah. Hindi naman ganun katanda si ate Cassy siguro ay kasing edad lang din niya si Josh.

    "Oo nga eh. Sa sobrang cute niya minsan ginagawa ko yang keychain." sabat ni Stell na siyang tatawa-tawang inilingan ko. Kahit kailan talaga bentang-benta itong si Tey sakin.

    Dahil sa tapos na akong maghain ng pagkain ay hinubad ko na yung apron ko at pumasok muna ako sa kusina para iwan doon yung apron. Pagbalik ko ay sabay na tumayo si Ken at Josh.

    "Dito ka na umupo." sabay nilang sabi na siyang kinatigil nilang lahat. Maging ako ay natigilan dahil sa inakto nilang dalawa. Nagkatinginan pa sila na animoy nag-uusap sila sa isip.

    "Hay naku! Nicole dito ka na sa upuan ko. Ako na ang mag-adjust. Josh tabi na tayo hehe." ani Seana na siyang kinailing ko. Sus Mag-a-adjust pero gustong-gusto naman na tabihan si Josh. Galawan talaga eh.

    Nang makaupo na kami ay nagdasal muna kami bago kumain. Pinuno lead the prayer at hindi ko alam pero sobrang saya ng puso ko. Para kasi kaming buong pamilya.

    Matapos magdasal ay kani-kaniyang kuha na sila ng niluto ko. Kinakabahan ako kaya hindi muna ako sumandok ng pagkain.

    Pero nagulat ako nang may biglang kumuha ng plato at pinalitan ng plato na may pagkain na. Paglingon ko sa likod ko at laking gulat ko nang makita si Josh doon at nakangiting nakatingin sa akin.

    "Ikaw ang nagluto tapos di ka kakain?" ewan ko pero matik akong napalingon kay Ken at para akong hihimatayin nang makita na nakatingin siya sa amin ni Josh.

    "S-Salamat." utal na sabi ko at nag-umpisa nang kumain. Bumalik naman agad si Josh sa kinauupuan niya kanina at tulad ko ay binigyan niya rin ng pagkain si Seana.

    "Magtatampo na sana ako eh." ani Seana kay Ssob na siyang tinawanan ni Josh.

    "Syempre bibigyan din kita. Kain na." aniya at nag-umpisa na din kumain.

    "Jhaq kamusta?" agad umangat ang ulo ko nang biglang magsalita si Ken at daretsong nakatingin kay Jhaq. Maging sina Pinuno ay gulat na nilingon si Ken.

    Natigilan naman si Jhaq at animo'y nasamid pa. Agad siyang inabutan ng tubig ni ate Cassy dahil magkatabi lang naman silang dalawa.

    "A-Ayos lang." utal na tugon ni Jhaq. Ewan ko ba pero para akong nawalan ng ganang kumain. Nag-usap silang dalawa ng bisaya kaya kahit isa sa amin ay walang nakaintindi ng pinag-uusapan nila.

    "Teka lang naman. Parang nanunood lang kami ng KDrama ah. Wala bang subtitles dyan?" ani Stell na siyang kinatawa nung dalawa.

    Ode kayo na ang happy. tch.

AUTHORS NOTE:
HEYYYYY sorry bitin ulit HAHAHA
KEEP VOTING! TARGET TODAY IS 12.12! 12 votes (stars) and 12 comments!

Breaking the Golden RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon