"Congratulations girls, we've reached five thousand likes sa official page ng Hiraya!" anunsyo ni sir Kevin right after ng live. Nanlaki naman ang mata namin at nagyakapan dahil sa tuwa. We didn't expect na ganito ang suporta ng mga fans sa amin.
"Oh siya umuwi na kayo sa boarding at magpahinga. Bukas na bukas ay mag-uumpisa na kayo sa pagshoshoot ng music video ninyo." ani sir Kevin kaya agad kaming nagsitayuan at kinuha ang mga gamit namin.
"Mauna na kayo sa boarding guys, may nakalimutan ako sa locker ko e." sabi ko at na-una nang lumabas ng studio.
Habang naglalakad ay hinahagilap ko sa bag yung cellphone ko. Nasaan na kaya yon?
Nagulat ako nang may kung sino ang humila sa akin sa isang storage room. Sobrang dilim dito at nasisigurado kong ako at yung humila lang sa akin ang tao dito lalo na't sobrang sikip dito. Idagdag mo pa ang mga lumang upuan na nakatambak dito at mga walis na dito din tinatago ng mga janitor.
"S-Sino ka?" kinakabahan kong tanong. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko sa takot. Sino ba naman ang hindi matatakot kung may sino ang hihila sayo sa kung saan.
"It's me." halos manlambot ang tuhod ko nang mapagtantong si Ken pala ito.
"Ken naman eh. Bakit ba nananakot ka!" reklamo ko at hinampas siya sa kanyang dibdib. Pero nagulat ako nang saluhin niya ang kamay ko at ginamit niyang pagkakataon iyon para hilain ako papalapit sa kaniya.
Dahil sa ginawa niyang iyon ay konting kilos lang talaga namin ay magdidikit na ang labi namin. Gumalaw kaya ako? char! Syempre dalagang Pilipina tayo kaya behave Nicole. Konting pakipot kahit na gustong-gusto mo naman.
"May kasalanan ka sa akin." aniya na siyang kinakunot ng noo ko. Kasalanan? Doon ko lang naalala yung nangyari kanina sa live. Bigla akong napalunok at umiwas ng tingin sa kaniya. Dahil nga sobrang lapit namin sa isa't-isa ay dumampi ang labi niya sa pisngi ko.
Biglang bumagal ang tibok ng puso ko. Unang beses itong nangyari sa akin. Alam niyo yung feeling na parang bumagal yung mga nangyari. Maging ang ingay sa paligid ay unti-unting nawala. Tanging paghinga lang namin dalawa ang naririnig ko na siyang nagpapabaliw sa akin. Ano to?
"Wala ka palang boyfriend?" mahinang bulong niya na siyang nagpataas ng balahibo ko sa katawan. Hindi ako makapagsalita. Para akong mapipi at nakatulala lang sa paligid habang pinakikiramdaman kung ano ang mga susunod na gagawin niya.
"Kailangan mong bumawi sa'kin tangi." bulong niya sa tenga ko. Napapikit ako dahil sa sensasyong dala nito sa akin. Unti-unti akong tumango. Hayup! Ba't kinakabahan ako?
"A-Anong gagawin ko?" utal na tanong ko. Naging matunog ang pagngisi niya.
"Just be with me tonight." garalgal na aniya na siyang kinamaang ng bibig ko. Ken ano ba! Yung utak ko huhu.
--
"Kanino place to Ken?" tanong ko sa kaniya nang makapasok kami sa isang condo. Sobrang familiar ito sa akin actually. Bale color gray, black and red and motif nitong condo. Teka lang. Saan ko nga nakita itong place na to?
"This is my condo Tangi. Dito ako umuuwi kapag ayaw kong kasama yung apat." aniya at binagsak ang sarili aa sofa na nasa tapat ng isang malaking tv. Napatitig ako sa isang skull decor na nasa may coffee table na nasa harap lang nung sofa.
"Ah ito yung place kung saan ka madalas magstream noon?" tanong ko nang maalala ko na yung mga pictures and videos niya na kuha dito.
Naalala ko tuloy bigla nung tinatawag siya ni Kuro dito sa may living room. Sobrang cute nilang tignan sa videong iyon. I didn't expect na one day ay makakapunta din ako sa place na ito.
BINABASA MO ANG
Breaking the Golden Rule
FanfictionSlow Update due to busyness of the Author. use #LSDeVeraStories in all social media platforms.
