Tulad nga ng sinabi ni Ken ay sobrang naging busy sila this past few weeks. Magtatatlong linggo na simula noong huli ko siyang makita sa personal.
Since makabalik kami dito sa Manila ay hindi pa sila umuuwi from there tours and also sa mga shoots nila.
Well, naging busy din naman kami lalo na't pakonti-konti ay nire-release na kami ni ShowBT sa madla. Nand'yan na yung naglalabas na sila ng concept photos ng debut namin at also mga solo covers namin.
"Gusto mo?" napalingon ako kay Jhaq at inaabutan ako ng chips. Agad naman akong umiling lalo na't diet ako. Buti pa nga siya ay hindi tabain kaya kahit ano nalang talaga ay puwede niyang kainin.
"Sinasabutahe mo ba ako?" biro ko na siyang kinatawa niya.
"Well, buti alam mo." aniya na siya ding kinatawa ko. Actually, since makabalik kami sa Manila ay malaki na din ang pinagbago ng relationship namin nila ate Cassy kay Jhaq. Hindi naman pala talaga ganun kasungit. May pagka ate Chona nga lang pero overall okay naman siya. Minsan nga ay binibiro pa namin siya na maganda palang nauntog siya sa Palawan dahil umayos ang attitude niya sa amin. Wala naman siyang tutol dun at nakikitawa nalang sa amin.
"Kailan kaya uuwi ang SB19 no?" nakangusong tanong ko pero tinaasan lang niya ako ng kilay.
"SB19 ba talaga o si Ken?" napalingon naman ako sa kaniya. Ewan ko pero everytime na napag-uusapan naming dalawa si Ken ay hindi ko maiwasang mailang na siyang kinakatawa niya.
"Hanggang ngayon ba ay naiilang ka pa rin na pinag-uusapan natin si Ken?" tanong niya na siyang bahagya kong tinanguan.
"Eh kasi naman, alam ko kung gaano kayo katagal noon at kung gaano niyo kamahal ang isa't isa—"
"Pero alam mo din kung ano yung ginawa ko kay Ken noon." napaiwas ako ng tingin.
"Delivery for ms. Princess Nicole Morales." pareho kaming napatingin ni Jhaq sa delivery guy na pumasok sa studio. Maging sina Seana at Cyrille ay nakiusyoso na.
"Wow kanino galing yan?" ani ate Cassy na kapapasok lang ng studio.
Kinuha ko agad yung bulaklak at humanap ng note. Ayaw kong mag-assume pero what if galing kay Ken? Hayup! Isipin ko palang ay kinikilig na ako.
"Galing kay Ken?" tanong ni Jhaq pero nagkibit balikat lang ako.
"Hope to see you smile always. -???" basa ko na siyang kinakunot ng noo naming lahat.
"Sino nagbigay?" tanong ni Seana pero umiling lang ako dahil hindi ko din sigurado kung sino. Pero hoping ako na si Ken ang nagbigay talaga nito.
"Ang korni naman nyan hindi man lang nagsabi kung anong pangalan." ani Cyrille.
"Si Ken yan for sure. Ganyan din siya noon sa'kin." ani Jhaq. Hindi ko alam kung matutuwa ako o ano sa sinabi niyang iyon. Ito talagang babaeng ito basag trip din e.
"Bakit kailangan laging pinapaalalang ex ka ni Ken Suson?" sarkastikong ani Seana.
"It because ex naman talaga ako ni Ken Suson." natatawa niyang sabi.
"Ode ikaw na." tatawa-tawa kong sabi.
Pero what if hindi pala talaga si Ken yung nagbigay? What if iba? Pero sino?
Hanggang sa matapos ang araw ay iniisip ko kung sino yung nagbigay ng bulaklak. Sobrang curious kasi talaga ako lalo na't sa pagkakaalam ko ay hindi pa naman nakakauwi ang SB dito sa Manila.

BINABASA MO ANG
Breaking the Golden Rule
FanfictionSlow Update due to busyness of the Author. use #LSDeVeraStories in all social media platforms.