Third Person's Point of View:
Umaalingawngaw ang malakas na tunog ng ambulansya. Napakaraming tao ang nasa paligid na nakikiusyoso sa kung ano ang nangyari kani-kanina lang.
"Kawawa naman yung lalaki. Balita ko'y sikat pa naman." anang isang ginang sa kasama niya.
"Oo nga no. Siguro'y nobya niya yung kasama niya dahil yumakap pa ito sa kaniya bago sila sumalpok." kumento pa ng isa.
Rinig na rinig ni Nicole ang mga bulungan sa paligid. Kahit na hilong-hilo ito ay sinikap niyang imulat ang kaniyang mata. Ramdam na ramdam niya ang sakit ng katawan. Pero natigilan siya nang mapagtanto kung ano ang sitwasyon nila ngayon.
Kasalukuyan silang nasa loob ng sasakyan ni Ken. Sumalpok ito sa isang poste dahil sa pag-iwas nila kanina sa kotseng nakasunod sa kanila.
"K-Ken." usal ni Nicole at pilit na inaangat ang mukha ni Ken na ngayon ay nasa leeg niya dahil nakayakap ito sa kaniya.
Hindi napigilan ni Nicole ang pagluha. Hanggang sa huli ay pinrotektahan siya ng nobyo.
"Ma'am huwag niyo pong galawin si Sir delikado po." anang isang police na siyang agad sinunod ni Nicole.
Takot na takot siya sa puwedeng mangyari. Yung kagabi nilang pagpapakasaya ay napalitan naman ngayon ng ganito.
"Tangi gumising ka." lumuluhang bulong ni Nicole sa tenga ng Nobyo.
Mabilis kumilos ang mga police at medic para tanggalin ang dalawa sa sasakyan. Dahil nga sa kasikatan ni Ken ay mabilis na kumalat ang balitang naaksidente ito. Pero mabuti nalang at hindi napangalanan kung sino ang kasama niya sa sasakyan. Ang tanging alam lang nila sa social media ay may kasama itong babae nang maaksidente siya.
"Nicole!" agad na lumingod ang dalaga at doo'y patakbong lumapit sa kaniya ang mga kagrupo at ganun din ang ibang member ng SB19.
"Are you okay? sobrang nag-alala kami sa inyo." nag-aalalang ani Cassy habang yakap ang kaibigan na ngayon ay nakaupo sa wheelchair. Nasa labas sila ngayon ng ICU at hinihintay ang doctor na lumabas.
"Si Ken." umiiyak na ani Nicole at lumingon sa may pinto kung nasaan si Ken. Her friends immediately comfort her maliban kay Jhaq na ngayon ay nakatingin lang sa dalaga. She can't help her self kundi sisihin si Nicole sa nangyari sa dating nobyo.
"Pagdasal nalang natin na walang matinding nangyari sa kaniya." ani Pablo pero nilingon lang siya ni Jhaq at seryosong tinignan.
"Seriously Pau? Pagdarasal nalang natin si Ken? Hindi ba't dapat pagbayaran ng taong may kasalanan—" hindi na niya natapos ang sasabihin.
"Walang may gusto ng nangyari Jhaq." pagputol ni Josh sa kaniya. Inis na lumingon si Jhaq sa binata at iiling-iling na umupo sa gilid. Sobrang nag-alala siya kay Ken ngayon. Kahit naman matagal na silang hiwalay ng binata ay hindi niya maipagkakailang mahal pa rin niya ito. Pinili lang talaga niyang itago yung nararamdaman niya dahil ito ang sa tingin niya ang tama. Pero sa nangyari ngayon ay sobrang nagsisisi siyang nanahimik siya. Nagsisisi siyang hindi niya pinaglaban yung nararamdaman niya sa binata.
"Look, alam kong nag-aalala tayong lahat kay Ken. Pero kung hindi tayo magre-relax ay paniguradong may maling desisyon tayong magagawa. We need to set things lalo na't maingay tayo ngayon sa media." ani Jah na siyang sinang-ayunan ng iba.
Hanggang sa mailipat na si Ken sa recovery room ay hindi pa rin siya nagkakaroon ng malay. Sinabi ng doctor na kailangan nilang obserbahan pa ang binata lalo na't more on sa ulo ang naging tama nito na siyang lalong kinatakot nila dahil ito ang pinakadelikado.
BINABASA MO ANG
Breaking the Golden Rule
FanfictionSlow Update due to busyness of the Author. use #LSDeVeraStories in all social media platforms.
