Chapter 14: Wallpaper

469 50 28
                                    

    Since patapos na ang bakasyon namin ay napagdesisyunan ng grupo na mag-swimming muna dahil mamayang hapon ang flight namin pabalik ng Maynila.

    Sobrang bitin yung bakasyon namin pero atleast kahit papaano ay nag-enjoy naman kami lalo na ang SB19. Alam naman natin na deserve nila ang ganitong pahinga.

    "Nicole gusto mong buko?" tanong ni Josh sabay lahad sa akin ng isang buko. Bigla ko tuloy naalala yung sinabi ni Ken kaya otomatikong napatingin ako sa direksyon at hindi nga ako nagkakamali dahil nakatingin siya sa amin ni Josh.

    "S-Sige lang Josh okay lang ako. Salamat nalang." pilit na ngiting sabi ko at umiwas ng tingin sa kanya.

    "Ayaw mo? Sayang naman ito kasi binili ko pa sa labas kanina 'to e." ewan ko pero bigla akong nakaramdam ng konsensya dahil sa sinabi niya. Agad ko siyang nilingon at kinuha yung buko.

    "Salamat." sabi ko at ininom 'yun. Umupo naman si Josh sa tabi ko at ngayon ay pareho kaming nakatingin sa mga kasama namin na nag-eenjoy sa paglangoy.

    "Nicole." napalingon ako sa kaniya habang sinisipsip yung bukong bigay niya. "If ever bang totoo yung sinabi ko kagabi na gusto kita, maiilang ka ba?" bigla akong nasamid dahil sa sinabi niya kaya agad niyang tinapik ang likod ko.

    "Josh naman e. Ang galing magbiro." sabi ko habang pinupunasan yung bibig ko. Pero pagtingin ko sa kaniya ay hindi siya nakangiti o ano man. Mahihimigan mong seryoso sa siya tinuran niya kaya hindi ko maiwasang mailang sa tingin niya.

    "Seryoso ako Nicole. Gusto nga kita." bumilis ng husto ang kabog ng puso ko at bahagyang lumayo sa kaniya.

    "Josh." sambit ko sa pangalan niya dahil sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kaniya.

    Nang mapansin niya ang pagkabalisa ko ay bahagya siyang ngumiti at tumango-tango.

    "I shouldn't told you that." aniya at umayos ng upo. "Lalo na't alam naman natin na kasama sa kontrata natin sa kumpanya yung Golden Rule." hindi ko alam pero bigla akong natigilan sa sinabi niya. Doon ko lang naalala yung Golden Rule, kung saan we are not allowed to enter in any romantic relationship.

    Pero paano na yung sa amin ni Ken? Hindi pa nga kami nagkakaroon ng relasyon talaga, tapos hindi naman pala kami pwede.

    Napabuntong hininga ako. Bakit kasi may Golden Rule pa.

    "Josh." tawag ko sa ngalan niya na siyang kinalingon niya sa akin. "If ever ba, kaya mong labagin yung Golden Rule para sa love?" nakatitig lang siya sa akin at ganun din ako sa kaniya. Curious lang ako kung kaya niya bang gawin yun. Nagulat ako nang tumango siya at ngumiti sa akin.

    "A true love is worth fighting for." aniya na siyang kinatigil ko. Napaisip tuloy ako kung si Ken kaya? Kaya niya bang labagin yung pinaka pinagbabawal na Rule para lang sa nararamdaman niya? Pero ano nga ba yung totoong nararamdaman ni Ken para sa akin?

    Natigil ako sa pag-iisip nang may pares ng paa ang nasa harapan ko ngayon. Pag-angat ko ng tingin ay si Ken pala ito at nakalahad sa akin yung kamay niya.

    "Samahan mo ako." aniya napalingon muna ako kay Josh na ngayon ay nakatingin lang din sa kamay ni Ken. Nagulat ako nang si Ken na mismo ang umabot ng kamay ko at inalalayan akong tumayo. "Dre alis muna kami." aniya at hinila ako palayo kay Josh.

    Habang naglalakad kami ay hindi ko maiwasang napatingin sa kamay namin ni Ken na magkahawak ngayon. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero hindi na ako nagtanong pa.

    Lumabas kami sa may hotel at sumakay sa isang motor na nakaparada lang sa labas.

    "Ken kanina motor to?" takang tanong ko habang kinakabit yung helmet ko. Hindi naman siya agad sumagot bagkus ay kinuha niya yung helmet sa kamay ko at siya ang nagsuot nito sa akin.

    Hindi ko maiwasang mapatitig sa mukha niya lalo na't sobrang lapit lang nito sa akin. I can't believe na magkakaroon ako ng pagkakataon na malapit siya ng ganito noon. Who ever thought na posibleng maging ganito ang relasyon naming dalawa. Hindi man malinaw sa akin ang totoong nararamdaman niya, atleast I know that I'm special.

    "Inarkila ko itong motor. The last time kasi na pumunta kami sila Stell dito mag-stroll din kami." nakangiti aniya at inayos pa yung buhok ko na natatakip sa mukha ko.

    "Ah oo, nung nagshoot kayo ng SLMT no?" tanong ko na siyang tinanguan niya.

    "Hindi naman halatang updated ka sa vlog namin." natatawang aniya.

    "Syempre naman. A'TIN kasi ako." proud pang sabi ko nagulat ako ng kurutin niya yung pisngi ko.

    "Ang cute mo." aniya at sumakay na ng motor. Hinawakan naman niya ako sa kamay upang alalayan ako sa pagsakay sa motor.

    Buong byahe ay i-enjoy ko lang yung moment dahil hindi ko na alam kung kailan pa ito mauulit. Lalo na't sinabi ni sir Charles na sobrang magiging busy kami sa debut namin nila ate Cassy at sila naman sa comeback nila.

    "Ang ganda naman dito Ken." manghang-mangha na sabi ko at kinuha yung phone ko para kuhanan ng litrato. Napatitig ako sa paligid. Para siyang malawak na taniman ng mga buko sa ilalim ng overpass.

    "Nicole." napalingon ako sa kanya at nagulat ako nang bigla niya akong kuhanan ng litrato.

    "Hoy ano ba, baka pangit ako dyan ha." sabi ko at lumapit sa kaniya upang tignan yung litrato.

    "Maganda ka lagi sa paningin ko." aniya na siyang kinapula ng mukha ko. Hindi ako sanay na ganito siya kavocal. Lalo na't ang lalo ng ganito side ni Ken sa mga pinapakita niya sa vlogs and videos nila.

    "Galing ah." papuri ko nang makita kong maganda yung pagkakakuha nung picture ko. Nagulat ako nang makita ko na ginawa nilang wallpaper ito ng cellphone niya. "H-Hoyy."

    "Para lagi kitang nakikita kahit di tayo magkasama." sabi niya at tinago na yung phone niya. Dahil alam kong di na magbabago yung isip niyang palitan yung wallpaper niya ay hindi na ako tumutol pa at lumingon ulit sa tanawin.

    Natigilan ako nang yakapin ako ni Ken mula sa likod. Ipinatong niya yung baba niya sa may balikat ko at sabay naming pinagmasdan yung paligid.

    "Sa susunod na mga araw sobrang magiging busy kami." sabi niya pero hindi ako sumagot at pinakinggan ko lang yung sinasabi niya.

    "Hindi ko alam kung kailan ulit kami magkakaroon ng oras para sa mga ganitong bagay." hinarap niya ako sa kanya at daretsong tumingin sa mga mata ko. Ngayon palang na kasama ko siya at sinasabi niya palang na magiging busy na sila ay sobrang namimiss ko na siya. What more kaya kapag busy na talaga sila.

    "Hihintayin kita." sinserong sabi ko at yumakap sa kaniya. He just hugged me back.

AUTHOR'S NOTE:
Hi mga mahal! Thank you for your love and support sa story na to. I just want you all to know na tumataas po yung rankings natin in different categories! Maraming thankyou po!
Sa mga gumagawa ng contents sa tiktok or simple posting anything about the story I highly appreciate all of that!
Huwag nawa kayong magsawa!
Target: 25 comments and 25 votes!

Breaking the Golden RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon