Chapter 25: Second Leads

482 52 36
                                    

    "Josh wait lang pagod na ako." hingal na hingal na sabi ni Seana at tumigil na sa kakatakbo. Napahinto din naman ang binata at tinapunan lang ng tingin ang kasama.

    "Bakit ba kasi nandito kayo?" inis na ani Josh na siyang kinamaang ng bibig ng dalaga.

    "Bakit parang galit ka pa na pumunta kami dito ni Ken?" maiiyak na ani Seana pero hindi talaga maitago ng binata ang pagkainis. Totoong nakakaramdam siya ng inis sa oras na yun. Planado na kasi niya ang buong araw na ito at wala sa plano niya ang nangyayari ngayon. He never thought na susulpot bigla ang dalawa kaya sobrang nababadtrip siya sa oras na ito.

    "Wala naman kasing nagsabi na pumunta kayo dito. Ito na nga lang yung araw na pwede ko siyang makasama tapos—" natigilan si Josh nang makitang lumuluha ang dalaga.

    "Hindi ko talaga alam kung manhid ka lang o sadyang tanga ka." daretsong anang dalaga na siyang kinakunot ng noo ni Josh.

    "Nagpapakamartir ka sa taong hindi ka man lang mabigyan ng importansya, samantalang heto ako Josh oh. Simula palang sinabi ko na sa'yo na may gusto ako sa'yo pero ano? Tinatawanan mo lang ako. Binabaliwala mo ako." sa oras na yun ay parang sasabog na si Seana. Totoong matagal na siyang umamin kay Josh. Trainee palang sila ay nagtapat na siya sa binata na kaya siya nagpursige sa pangarap niya ay para magkaroon din siya ng pagkakataong mapalapit sa binata.

    Pero hindi man lang ito magawang seryosohin ni Josh. Dahil bukod sa may gusto siya kay Nicole ay parang nakababatang kapatid lang talaga ang tingin niya dito. Hindi man lang sumagi sa isip ng binata na posible siyang magkagusto kay Seana.

    "Ano bang gusto mong gawin ko sa nararamdaman mo? Hindi nga kita kayang mahalin dahil—" hindi na natuloy ng binata ang sasabihin nang biglang maglapat ang labi nila sa isa't-isa. Isang mariin at mabilis na halik ang ginawad ng dalaga sa kaniya.

    "Nandito ako. Tignan mo din naman ako." mahina ngunit madiing sabi ni Seana matapos niyang nakawan ng halik ang binata. Nakatulala lang si Josh at hindi maproseso sa utak niya ang nangyari.

    ---

    "Tapos na kayo?" tanong ni Stell sa nobya. Nahihiya namang tumango si Cassy dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na nobyo na niya ngayon ang binata.

    Ngumiti naman ng ubod ng tamis si Stell at kinuha ang lahat ng gamit ng nobya. Isa-isa niya itong inilagay sa sasakyan niya. Hindi naman kasi pwedeng lakarin lang nila ang boarding dahil panigurado ay may makakakita sa kanila sa daan. Walking distance lang kasi talaga yung boarding nila sa studio kaya pwedeng pwede itong lakarin.

    "Kamusta naman ang training niyo mahal?" he asked. Natigilan sa paglalakad ang dalaga dahil sa tinawag ni Stell sa kaniya.

    "M-Mahal?" utal na nitong usal na siyang bahagyang kinakunot ng noo ni Stell.

    "Oo, mahal. Bakit ayaw mo ba? Gusto mo ba pali—"

    "H-Hindi! Gusto ko syempre. Hindi lang ako sanay." nahihiyang anang dalaga. Totoo naman na hindi siya sanay sa mga ganoong bagay. Napangiti si Stell dahil nakitang namumula ang nobya.

    "Napaka-cute mo naman. Oo nga pala first boyfriend mo nga pala ako." nang-aasar na ani Stell na siyang kinanguso ni Cassy. Kinurot niya sa tagiliran ang nobyo.

    "Sige asarin mo pa ako." aniya na siya lalong kinatawa ni Stell.

    "Don't worry love, I'll make sure na ako na ang first and last boyfriend mo." aniya at kinindatan pa ang dalaga. Pigil ngiti naman si Cassy na sumakay sa sasakyan.

    "Aba'y siguraduhin mo lang Ajero." agad naman sumunod si Stell at nagmaneho na ng sasakyan.

    "Yes ma'am!" pananailing nalang ito dahil sa kakulitan ng nobyo.

Breaking the Golden RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon