Princess Nicole Morales Point of View:
"Ken hindi pa talaga ako inaantok." pagpupumilit ko pero parang wala siyang narinig at hinihila ako patungo sa kuwarto niya. Rinig ko pang kinakantyawan kami ng mga kaibigan namin sa ibaba na siyang lalong nagpadagdag ng kaba ko.
Ano ba kasing balak ng lalaking ito at biglang nagyayang matulog? Like hello?! Hindi na kami bata para magpatay malisya sa kung ano ang puwedeng mangyari sa isang babae't lalaki na magkasama sa iisang kuwarto at wala pang kasama.
Pero teka? Handa na ba talaga ako? Shocks! Iniisip ko palang ay halos manginig ako sa kaba. Parang mababaliw na ako dahil sa kakaoverthink sa pwedeng mangyari. Hayp na yan.
"Tangi are you okay?"nagulat ako nang bahagya akong yugyugin ni Ken. Nandito na pala kami sa tapat ng pinto niya. Muli ay naghabulan na naman ang tibok ng puso ko. Heto na ba yun? Dito na ba nasasakop ang perlas ng silanganan?
"Do I need to be okay?" kinakabahang tanong ko na siyang kinakunot ng noo niya.
"Ofcourse." aniya at hinawakan ako sa bewang upang igaya ako papasok sa kuwarto niya. Lord heto na yun! huhu "You look so tense my love." aniya at nilapit pa ang ulo niya sa may tenga ko.
"Ken ano ba!" kinakabahang saway ko at paigtad na lumayo sa kaniya.
"What?" natatawa tanong niya at sinara yung pinto ng kuwarto niya. Rinig ko ang paglock niya ng pinto na lalong nagpatindi ng kaba ko. Ken ano ba?! Binabaliw mo ako.
"Lay down Tangi." kaswal na kaswal na aniya habang tinatanggal ang pagkabitones ng polong suot niya.
"S-Sige." kinakabahang sabi ko at kabado pang sumampa sa kama niya. Isusuko ko na ba talaga sakanya?
Bakit nga ba nagdadalawang-isip pa akong ibigay sakanya ang sarili ko e sigurado naman ako sa nararamdaman ko para sa kanya.
"P-Pati ba ako tatanggalin na to?" utal na tanong ko sabay turo sa damit na suot ko. Nangunot naman ang noo niya.
"Ikaw bahala mylove. Ako kasi mas gusto kong nakahubad." aniya na siyang nagpawindang sa akin. Gagi tuloy na tuloy na ba talaga to? I was about to take off my clothes nang bigla siyang tumalon sa kama.
"Let's go tangi. Tulog na tayo." aniya na siya namang kinakunot ng noo ko. Matutulog? Agad akonh lumingon sa kaniya na ngayon ay nakapikit na.
"A-Akala ko bang gagawin natin ang bagay na yun?" nakakahiya man ay sinikap kong tanungin sa kaniya yun.
Nagmulat naman siya ng mata at kunot noo akong tinignan.
"Anong bagay na—" bigla siyang natigilan at tinignan ako ng nakakaloko. Agad akong napaiwas ng tingin. Mali ba ang intindi ko? Hindi ba yun? Eh kasi kanina sa baba, tapos yung kaninang—hayep na yan.
"Ano bang tinutukoy mo Tangi?" halos mangilabot ako nang umupo din siya sa tabi ko at binulong 'yon sa tenga ako.
"Wala!" natatarantang sabi ko at tatayo sana pero nagulat ako nang hilahin niya ako pabalik kaya naman pahiga akong bumagsak sa kama.
"Ken ano ba." saway ko pero hindi ito nakinig at tatawa-tawa pang pumatong sa'kin. Natigilan kami pareho nang magtama ang mata naming dalawa.
Kailan nga ba ang huling beses ko siyang makita ng ganito kalapit? Ang mata niyang akala mo'y may sariling buhay dahil tila hinihigop ka nito at kinakausap ang kaibuturan ng kaluluwa mo. Ang perpekto niyang itong na bumabagay sa kanyang maninipis na labi. He is my own definition of perfection. I really love this man.
BINABASA MO ANG
Breaking the Golden Rule
FanfictionSlow Update due to busyness of the Author. use #LSDeVeraStories in all social media platforms.
