Chapter 7: Namamahay

375 30 8
                                    

    "Wow ang ganda!" bungad na ani Seana habang iniikot yung boarding namin.

    Hindi naman ako mapakali at panay ang tingin ko sa labas dahil nga sa sinabi ni sir Kevin kahapon na tapat lang ng boarding namin ang kina Ken.

    "Ano to gurl? Sulyap ka ng sulyap d'yan jusko." ani ate Cassy kaya kakamot ulo akong ngumiti at pumasok na ng tuluyan sa boarding namin.

    Hindi ito kalakihan at meron siyang dalawang kuwarto. Sapat lang para sa aming lima ang laki nito kaya ayos na ayos na din. Sobrang linis ng paligid at may mga indoor plants pa kaya sobrang nakakatuwang tignan ang paligid.

    "Nand'yan kaya yunh SB19 ate?" bulong ko kay ate Cassy habang nagka-upo kami sa couch. Nagkibit balikat naman si ate at kinurot ako ng mahina sa tagiliran.

    "Umamin ka nga sa akin, siguro kaya ka nag-audition para lang makita ang SB19 no?" aniya na siyang kinamaang ng bibig ko at agad na umiling.

    "Uy hindi ah! Pangarap ko nga ito promise." sabi ko na siyang kinatawa ni ate.

    "Sus, mga dahilan mo din ano? Oh siya hintayin lang talaga natin dumating si Jhaq at puwede na tayo magbunutan kung sino ang magkakasama sa kuwarto." sabi ni ate.

    "Hindi ba pwedeng magkakasama nalang tayong apat sa iisang kuwarto. Ayaw ko kasama sa kuwarto yung si Jhaq baka mapanis laway ko dun " ani Seana na siyang kinatawa naman naming tatlo. Sakto naman na kadarating lang din ni Jhaq.

    "What?" tanong niya nang mapansin niyang nakatingin kaming lahat sa kaniya.

    "Girl when ka kaya hindi magsusungit." ani ate Cassy na siyang kinakunot ng noo niya.

    "Hindi ako nagsusungit." aniya at nilapag ang mga gamit sa isang sulok.

    "Ay, so hindi ka pa masungit sa lagay na yan? Gagi nakakatakot ka pala kapag nagsungit na." ani Cyrille na siyang kinatawa namin. Napasulyap ako kay Jhaq at halata mong pinipigilan lang niya huwag tumawa. Sa unang beses ay naging kampante ang loob ko sa kaniya.

    Kaya siguro hindi siya palakibo ay hindi lang talaga siya sanay na makihalubilo sa iba.

    "Oh siya magbunutan na tayo kung sino yung magkakaroom mate para makapag-ayos na tayo ng mga gamit." ani ate Cassy at nilapag yung mangkok na may maliliit na papel. "may number dyan na 1 and 2.  Bale yung no 1 ay may tatlong copy, and yung 2 naman is dalawang copy. Kapag 1 ang nakuha mo automatic na tatlo kayo magsheshare sa kuwarto." paliwanag ni ate.

    "Kahit ano ang makuha ko, huwag ko lang maging roommate si Jhaq." daretsang ani Seana na kinagulat namin. Kahit kailan talaga ay hindi niya makontrol ang bibig niya.

    "Bakit? Sino bang nagsabi na gusto kitang makasama sa kwarto?" taas kilay na sagot naman ni Jhaq at inis na kumuha ng papel sa mangkok. Seana just make face on her na siya lalong kinaasar ni Jhaq.

    "Magtigil nga kayo sa pagtatalo. Remember grupo na tayo ngayon. So better to build relationship to each other." pareho namang umasal nasusuka yung dalawa at nag-irapan pa.

    Actually maging ako ay kinakabahan. Ayaw ko din sana makasama sa kuwarto si Jhaq lalo na't hindi naman kami close. Kaya naman nang ako na ang kumuha ng papel ay tinagalan ko talaga ang pagkuha para mapili ko ng husto yung number na makukuha ko.

    "Okay, meron na ba ang lahat?" tanong ni ate Cassy na tinanguan naming lahat. Heto naaa. Kinakabahan ako. Sana 1! Para kung sakaling 1 din ang makuha ni Jhaq ay hindi akward kasi tatlo naman kami sa kuwarto.

Breaking the Golden RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon