Chapter 2: Pila

472 15 2
                                    

    "Anong gusto mong gawin ko?" aniya at tumingin sa labi ko. Nalunok ko naman ang sariling laway ko dahil sa kaba! hayup na yan! Nicole umayos ka. "Gusto mo ba bawiin ko?"

    Napamaang ang bibig ko sa sinabi niya. Grabe ang straight forward naman niyang magsalita. Pero wait? Ipapabawi ko ba? Luh.

    Agag kong iniling ang ulo ko at bahagyang lumayo sa kaniya. "H-Hindi naman 'yun ang ibig kong sabihin!"

    "Then what?" kunot noong aniya at tumingin sa relos niya na tila ba inip na inip akong kausapin.

    "Hindi ka man lang ba magsosorry dahil ninakawan mo ako ng halik?" tanong ko na bahagya niyang kinatawa. Hindi ko tuloy alam kung maiinsulto ako sa tawa niya o ano. "Anong nakakatawa sa sinabi ko?"

    "Ikaw." aniya na siyang kinagulat ko. "Ikaw mismo ang nakakatawa. Bakit ako hihingi ng pasensya? Kung hindi nga ako dumating ay hahalikan mo sana 'yan litrato ko."

    "H-Hoy hindi ah!" utal na sabi ko. Gagi nakita pala niya yun! Nakakahiya.

    "Dre ano ba kanina ka pa namin hina—"hindi na niya natuloy ang sasabihin kay Ken nang mapansin niya ang presensya ko. Nakasuot ito ng kulay berdeng addidas na jacket at puting kupya. S-Si Stell!

    "Sorry may kausap ka palang magandang dilag. Hello sa'yo." magiliw na bati sa'kin ni Stell at inabot agad ang kamay para magshakehands. I was about to reach his hand nang hinawakan iyon ni Ken, tuloy ay para siyang magka-holding hands.

    "Tigilan mo nga 'yang pafall mong galawan Vester malelate na tayo." ani Ken at hinila na niya palayo ang kaibigan. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko. Gagi! Bias at Bias Wrecker ko yon! Tapos yung holding hands pa nila! Accckkkk

    Hanggang sa nakauwi ako ng bahay ay paarang nakalutang ako. Hindi ako makapaniwala na nakita ko si Ken at Stell sa personal, like what the- never kong naimagine na makakausap at makikita ko sila ng malapitan. At yung... yung... yung kiss be!

    "Hoy bakla bat nakatulala ka d'yan?" nabalik ako sa wisyo nang tapikin ako sa balikat ng kapatid ko.

    "Lance." impit na tawag ko habang namamalipit ako sa kilig. Ngumiwi naman siya sa akin na animoy nawiwirduhan sa naasal ko. Sino bang titino sa nangyari kanina?

    "Magkukwento ka o kailangan pa kitang sampalin." asar na aniya at umupo sa tabi ko. Hindi ko mapigilan kiligin ng husto at pinagsasabunot siya!

    "Bakla si Ken!" histerikal na sabi ko. Tumaas naman ang kilay niya at mataman akong tinignan.

    "Oh tapos?" walang gana niyang sabi at sumandal sa sofang kinauupuan namin. Agad naman akong umayos ng upo at tumingin daretso sa kaniya. Actually hesitate din akong ikwento sa kaniya dahil pareho namin itong bias pero hindi ako mapigil ngayon. Kailangan kong ilabas yung kilig ko.

    "Di ba kanina pumunta ako sa may mall, alam mo yung may malaking poster ni Ken dun?" tumango naman siya pero kunot noo pa rin  niya akong tinignan.

    "Ayun na nga, so nakipagsiksikan ako dun sa mga babaeng tumitingin dun syempre. Tapos yung isa sa kanila gurl nagalit pa!" hindi ko mapigilang mainis dahil naalala ko na naman yung babaeng putok labi tch.

    "So kinilig ka dun sa babae?" pambabara niya sa akin. Tinampal ko naman siya at umiling.

    "Gagi hindi!" asar na sabi ko na bahagya niyang kinatawa.

    "Dami mo kasi hanash hindi mo pa sabihin ng daretso." sabi niya. Huminga ako ng malalim at daretsong tumingin sa kaniya.

    "Hinalikan ako ni Ken!" nakapikit na sabi ko. Kinakabahan ako sa magiging reaksyon niya. Pero ilang sandali pa ay hindi siya kumikibo. Pagmulat ko ay nakatingin lang siya sa akin sabay tawa ng malakas.

    "May lagnat ka ba? Baka kulang ka sa tulog te matulog-"

    "Gagi seryoso nga ako! Hinalikan nga ako ni Ken Suson." mangiyak-ngiyak kong sabi. Ganun na ba kaimposible yung sinabi ko? Pero totoo naman kasing nangyari yun eh!

    "Ewan ko sayo ate, itulog mo yan. KakaSB19 mo yan." sabi niya at pumasok na sa kuwarto niya. Nakanguso akong tumingin sa salamin na nasa tapat ko lang.

    "Hindi ba talaga kapanipaniwalang hinalikan ako ng isang Felip John Dumpit Suson?"

    --

    KINABUKASAN, maaga akong umalis ng bahay. Itutuloy ko na kasi ang paghahanap ko ng trabaho. Sana naman makahanap na ako ngayon dahil mahirap maging fangirl na walang pera sa totoo lang. Kailangan kong kumayod para may pambili ng merch at kung ano ano pa!

    "Pasensya na pero may nakuha na kami." sabi nung manager ng resto na pinagtanungan ko.

    "Okay lang po sir. Salamat nalang po." magalang na sabi ko at lalabas sana ng resto. Pero hindi ko alam pero parang biglang nagslow mo yung paligid ko nang makita ko yung isa nilang waiter na may hawak ng poster.

    Agad ko siyang sinundan sa labas at halos mapahiyaw ako ng makita kung ano yung pinaskil niyang poster.

    "ShowBT Philippines is now looking for PPOP Trainee- oh my gosh!" sigaw ko na siyang naka-agaw ng atensyon ng mga tao sa paligid ko. Agad naman akong nagbow at humingi ng pasenya.

    Hindi ako makapaniwalang tumingin sa poster at agad na pinituran ito. Maygosh heto na ba yung will niyo Lord? Kaya ba nahihirapan akong humanap ng work kasi gusto mo akong pumasok sa showbt?

    Sa sobrang tuwa ko ay kung ano-ano na ang naimagine ko. What if matanggap ako sa showbt tapos makasama ko lagi ang SB19? What if marealize ni Ken na may chance kaming dalawa? Hayup na yan wala pa man ay kinikilig na ako!

    Hindi na ako nagdalawang isip pa at pumunta sa location nung audition nila. At hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko!

    Alam mo yung feeling na tinitignan ko palang yung pila ay napapagod na ako? Ang haba ng pila!

    "Excuse me? Ito ba yung audition-" hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang lumingon sa akin yung babae sa harap ko. Si putok labi men!

    Tinaasan niya ako ng kilay at tinignan ako mula ulo hanggang paa. "Maling pila yata yung pinilahan mo miss. PPOP Trainee ito hindi utility." aniya at tinalikuran ako. Napamaang naman ako. A-Ako? Utility? Hayp na yan!

AUTHOR NOTE:
Hi mga mahal! I just want you to know na may group chat po ako ng mga readers ko which is doon po ako mag-update madalas.
If you want to join my GC just PM me on facebook.
Facebook name: Leslie De Vera

Breaking the Golden RuleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon